Ika-38 na Kabanata

310 1 0

Jesse

Guys! Sabihin niyong mali ang sinabi ko kanina. Mali diba?????

and I like you.

and I like you

and I like you

Wahhhh!!! Hindi pwede yun. Bwiset kang bibig ka at utak. Padalos-dalos. Nakakahiya.

Tinignan ko si Rob sa rearview mirror at napansin kong nagpipigil siya ng tawa. Wahhh!!! No! Baka asarin lang ako nito. Kailangan ng segway....

"I-i Like Yu-----go (Hugo). Yung pabango. hehehhe...  Oo tama. nakalimutan ko kasi yung kasunod. hehehe. Wag mong pansinin yung una kong sinabi a.. " sana bumenta sa kanya yung palusot ko.... Kainis naman kasi e.

"Really? Why you're so defensive? I didn't say anything..." Then he smirked. Ohmay!

"Hala. Hindi naman ako defensive nagsasabi lang ako ng totoo." Liar!

"What, That you like me?" shomayyyy! Hindi ba siya titigil.?

"Hindi ikaw yung like ko e, Yung Hugo na pabango.. tskkk. Bakit naman kita magugustuhan e HATE mo nga AKO diba? tsaka, Malabo yun." pagsisinungaling ko nanaman sa kanya. Tigilan na niya sana ako.

Kasi naman tong bibig ko e. Pahamak talaga. Pinagpapawisan tuloy kili-kili ko. tsaka parang biglang uminit. Lakas naman ng aircon e.

"Fine. Don't you dare fall in love with me Jesse. Masasaktan ka lang." seryoso niyang sabi. Nakaramdam naman ako ng takot at kaba. Bakit naman niya sinasabi ito? Concern siya sa akin kung masasaktan ako?

"So concern ka sa akin?" tanong ko.

"No. Why would I? Hindi ka karapatdapat bigyan ng concern. Well, bahala ka kung mahulog ka but remember I will never, ever catch you." mas lalong seryoso ang Boses niya. Kumirot bigla ang puso ko sa narinig ko. Siguro it's time to give up. Habang maaga pa. Diba?

"Don't worry I will never ever fall in love with you." Seryoso ko ring sabi sa kanya habang nakatingin sa labas. Ang sakit sa pakiramdam na sabihin ang mga bagay na yan lalo pa't nagumpisa na akong mahulog sa Kanya. Pero siguro tamang tapusin ko na ang nararamdaman ko ngayon habang maaga pa.

Nagpatuloy lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa resort nila.

Sinalubong na kami nila Manang Nelia at Mang Berto. Wala si Ofelia, tulog na siguro.

"Manang, Manong Berto. Magandang gabi po." Binati ko sila at niyakap. Ewan ko ba parang gusto ko lang mangyakap dahil sa Bigat na dinadala ko ngayon.

"Magandang gabi rin." sabi ni Manang Nelia habang si Mang Berto naman e tinulungan na si Rob sa pagaayos ng bagahe.

"Ito po pala bulaklak para sa iyo manang.. Wala naman po akong gagawin dyan sa dami ba naman ng pinitas ni Lola Maria." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ayy. Maraming salamat. O sige na, pumasok na kayo at magpahinga na. Kami na bahala rito." aya ni manang. Hindi ko pa gustong magpahinga. Makikita ko lang si Rob e. Simula ngayon, Hindi ko na siya papansinin tutal HATE naman niya ako.

"Ahh. sige po. Maglilibot lang muna ako dito sa mini garden. Nakakamiss yung garden ni Lola doon e." sabi ko na parang hindi naman masaya. Ewan ko ba parang gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko.

"O sige. Basta wag masyado magpagabi. Ingat ka hija." tumango na lang ako at nagsimula na maglakad sa mini garden. Malapit lang din ito sa dalampasigan. Ramdam na ramdam mo pa nga yung hangin. Nakakarelax.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!