Famous 7.2 ❤ Raizen's POV

2.1K 28 4
                                    

May malaking kasiyahang naramdaman si Raizen habang naglalakad papuntang bahay nila Eusef. Tutugtog sila roon at mag-eensayo para sa darating nilang proyekto, ngunit hindi ang mga kaibigan niya ang dahilan kung bakit abot-tenga ang ngiti niya.

Ang katatagpuin niyang mga kaibigan ay sila Drei, Eusef, Bryan, Airel at James. Sila ang kasamahan niya sa sikat na sikat na bandang 'Zephyrus'. Si Drei ang main vocalist, si Raizen ang lead guitarist, si Bryan ang rhythm guitarist,  Airel sa bass, at Eusef sa drums.

Halos ilang linggo na rin silang nag-eensayo. Palapit na ng palapit ang kanilang proyekto. Kahit maganda na ang flow ng kanilang ensayo, ayaw pa rin nilang magpaawat.

Kompleto na ang grupo maliban kay Raizen, kaya mabilis na tumakbo na siya. Malapit na rin naman ang bahay ni Eusef. Hindi niya alintana ang nagbabagang init ng araw. "Susme! Hirap talaga kapag in love!" naibulong niya sa sarili niya.

Pero kanino nga ba in love si Raizen?

Kay Olivia? Kay Peige? isa sa mga fan girls ng zephyrus? O ISA SA MGA BAND MEMBERS NIYA?

~~

(play the video sa gilid -->)

"♫ One look and then yun iba na

Malagkit dumikit ang tingin ng mata

One smile,iba na ang ibig sabihin 

Hindi na friends,ang tingin nya sa akin

Everyday parating we're together 

Every week, palaging may sleepover

Ang tawag nya sa mommy ko ay tita

Bakit ba,di ko non nakita

Until out of the blue, A feeling so true

Bigla nalang sinabi sa akin that

This guy's in love with you pare, 

This guy's in love with you pare 

This guy's in love wiyh you pare

Bading na bading sayo. ♫"

Sumenyas si Drei ng approve kay Raizen. Si Raizen kasi ang naatasang kumanta sa proyekto nila, at saktong ganyan ang kanta. Ipinagpatuloy lang nila ang pagtugtog at pagkanta.

"♫ Di na ako makasagot ng telepono

Palagi nyang kinakausap ang parents ko

Kulang daw sa tulog at di na makakain

Bakit ba? di pa non inamin

Until out of the blue, A feeling so true

Bigla nalang sinabi sa akin that

This guy's in love with you pare, 

This guy's in love with you pare 

This guy's in love wiyh you pare

Bading na bading sayo. ♫"

Huminto muna sila, dumating kasi yung dalawang yaya ni Eusef at may dalang meryenda para sa kanila. Naka-siyam na ensayo rin kasi sila. Naroon sila sa Mini Studio ng bahay nila Eusef. Kompleto kasi ang instruments at recording stuffs doon. Isang sikat kasi na musikero ang Lolo ni Eusef habang ang ama naman nito ay nagpapatakbo ng isang Malaking pangalan sa Recording World.

Kaya kapag magkakaroon sila ng session, dito sila laging nag-eensayo.

"Okay na ba lahat ng gagawin natin, Rai?" tanong ni James

"OO nga, baka mamaya sumablay tayo ha." wika ni Bryan.

"Okay na, Tiwala lang!" nakangiting sambit ni Raizen sa mga lalaki. "Naayos ko na ang lahat-lahat kagabi, kaya Chillax!" sinabi niya na may tono ng kasiguraduhan.

Hiindi kasi basta-basta ang proyekto nila. Espesyal ito, napaka-espesyal.

Sana Magustuhan niya. Sana sana sana.. matanggap niya ako. -- Kinakausap ni Raizen ang kanyang sarili habang ngumunguya ng sandwich.

"In love ka ba, Rai?" ngisi ni Drei. Parang namimikong nagtanong.

Napatitig tuloy ang buong grupo kay Raizen. Nahihiya siyang yumuko.

"Hindi ka naman ganyan dati. Dati-rati, kung kailan ko sasabihin na kakanta ka, doon ka lang kakanta. pero ngayon, ikaw na mismo ang nagprisintang kumanta." puna ni Drei.

Tumayo at sumabad naman si Eusef na kasalukuyang nag-aayos ng wirings sa gilid. "OO nga! tsaka tignan niyo, Siya mismo ang nag-ayos at kumuha ng proyektong ito. Pati pagpili ng kanta at practices siya ang umasikaso."

BASTA PARA SA KANYA, GAGAWIN KO ANG LAHAT E.

Gusto niyang idepensa ang nararamdaman niya. Gusto niyang isigaw pero parang ayaw gumalaw ng kanyang nerves. na-stucked na ang kanyang panga. Nakakahiya naman kapag sumigaw siya ng ganoon, to think na LALAKI DAW siya. WHERE'S THE KAHIHIYAN? HAHAHAHA.

"Hindi, Inspired lang talaga ako. It's between Friendship and Love." biglang sabi ni Raizen.

Napatahimik ang grupo. tila hindi makapaniwala na nag-open up sa kanila si Raizen tungkol sa Personal na bagay. Napa-standing ovation tuloy ang grupo.

"WHOOOOOA!" OA na sinabi ni James

"Nagsalita si Raizen? SHEEET! Milagro tol!" MAS OA na sinabi ni AIrel.

Tawa sila ng tawa, hanggang napunta sa Hot Seat si Raizen. Nagmukhang reporters ang kanyang mga kasamahan at isa-isa siyang inintriga. Nakalimutan na tuloy nila na magpapractice sila at hindi magchichismisan. daig pa nila ang mga babae kung makahagikgik.

SINO KAYA YUN?

SI OLIVIA O SI PEIGE?

O ISA SA MGA FAN GIRLS NG ZEPHYRUS?

O ISANG LALAKI?

BAKA NAMAN ISA SA MGA MEMBER NG ZEPHYRUS?

Well.....

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon