Famous Two

4K 71 22
                                    

"ATE AKO NAMAN DIYAN OH! PA-FACEBOOK LANG SAGLIT! KANINA KA PA DIYAN EH!" Binulyawan ako ng kapatid ko.

Tengene. Bakit kailangang manigaw? Hindi naman ako bingi, tsaka wala pa akong kalahating araw dito sa harap ng laptop.

"May ginagawa ako! Project namin! 3 hours pa please?"

"LECHE! *blag*" Sabay hampas ng pinto. Aba! Itong batang to, akala niya kung sino makapagdabog. Pati ang mga kalabog ng paa niya sa may hagdan dinig na dinig ko

Hmp. Actually, wala talaga akong projects. Wala akong assignemnts, research, or thesis na kailangang tapusin. Sadyang ayaw ko lang siyang pahiramin dahil busy ako... Busy na busy ako sa ginagawa kong pagsstalk sa Facebook, at pagtitweet. Hahaha

Hindi naman ako addict sa computer, ni hindi ko nga alam maglaro ng mga Online Games. Marunong lang akong maglaro ng Mga dress-up at cooking games sa Y8. Halos lahat na rin yata ng social networking sites, may acount ako. Mapa-friendster, facebook, myspace, plurk, twitter, beo, ustream, flickr, livejournal, wordpress, squidoo, webjay, hi5, multiply, at Tumblr... Isa mo na rin ang OkCupid at Camfrog! O(≧∇≦)O

Ako nga pala si Miyuki Peige Fujimoto.

Isang certified Social Networking Princess. Haha ~ Kung maitatanong niyo, dumaan din ako sa stage nang pagtatype sa keyboard ng mala-j3jemOnsXz. Ewan ko ba, isinilang yata ako ng aking mahal na ina na kakambal na ang CPU at Mouse sa aking buhay. Parang hindi ako mabubuhay kapag hindi ako nakapag-online.

Hindi nga ako lumalabas ng bahay eh, tutok lang ako sa monitor. Hindi dahil sa takot ako sa sinag ng araw, pero ayoko lang talagang naggagagala. Hindi kasi ako nasalinan ng Genes ni Dora the Explorer. Gusto ko lang magbasa, manood, kumaen at tumutok sa Laptop ko. Hindi ako tamad, kahit itanong niyo pa sa lola kong lagi akong sinesermonan dahil sa marumi kong kwarto. Sadyang ayaw ko lang ng napapagod ako, (┳Д┳)

*scroll scroll scroll scroll scroll scroll* 

*blink blink click click scroll *

Nasa Dashboard nanaman ako at sumasagap ng posts.. Bale, nasa Tumblr ako ngayon! Isang blogging slash social networking site kung saan pwede kang magposts ng mga nasa bagay bagay na nasa isip mo, mga litratong feel mo mala-photographer ang kuha mo, mga videos at audios, at kung ano ano pa

Narito ako palagi. Hindi pwedeng wala ang Tumblr sa mga tabs na naka-open sa aking Browser. *scroll scroll* *like like* Ugh, ang daming nagrereblog. *scroll scroll* Ugh. Nakita ko nanaman yung babaeng famewhore, nanlalandi ng mga ordinary bloggers at ginagawa siyang Diyosa. Ughhh! >_< *scroll scroll scroll *

At nakuha ng isang blogger ang atensiyon ko ..

Rainism:

Happy TTH! (Tiltating Thursday)

*INSERT PICTURE NG KATAWAN WITH MATCHING ABS AND BEATS NA NAKAHANG LANG SA LEEG. Na-crop ang pagmumukha niya :*

OMG! Ang hot eh. Ang hot talaga eh. Wala, ang hot talaga sobra eh. Iba talaga ang kamandag ni Kuya Rain! For sure, hipon ito. Hahaha. Bakit kaya ayaw niyang ipakita yung mukha niya? Eh mukha naman siyang gwapo...

Nagpunta ako sa blog niya at agad na nagpost ng TA. (Tumblr Ask) Dahil talagang may electric shock ako sa picture niya. Punyatera! Mala-Aljur Abrenica ang abs!

"Hi Kuya. Ang hot mo!!!!! Y SO YUMMY? MARRY ME."

*click ng anon button* *click ng anon button* *click click* letse! Naghang nanaman. Hmp! *click click* Ayan pwede na....WAHAHAHA!

With the power of my Anon Button, hindi niya malalaman na ako yung nag-message sa kanya! Haha :)) Makapag-backread nga muna sa blog niya. Tambay ako dito sa blog niya pero hindi ako nagsasawang balik-balikan lahat ng mga posts niya. Nakaka-curios kasi. Masyado siyang Mysterious type. Ni ayaw niyang magpost ng photo ng mukha niya para naman may idea ako sa itsura niya -,- tsk tsk.

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Where stories live. Discover now