Hindi ako inggit.

Hindi lang talaga deserve ni, Jun.

Gusto ko pa naman na maging mag-kaibigan kami dahil malakas ang feeling ko na malaki ang chance na mas magkakasundo kami pero sa tingin ko, ngayong alam ko nang girlfriend siya ni Marga, mahihirapan na akong lumapit kay, Jun.

Hindi ko nga din makitang hindi seryoso si Jun kay Margaret dahil halatang-halata naman sa kilos niya at kung paano niya tignan si, Marga. 'Yung tingin bang nilibre siya ng large sized oreo blizzard sa dq.

Pero baka kaya ko lang naman nasabi ni hindi deserve ni Jun si Margaret ay dahil puro bad side lang ni Marga ang nakikita ko. What if kay Jun niya lang pinapakita ang good side niya kaya siya nagustuhan nito ganun na din sa mga taong malapit sa kaniya 'di ba.

"Wala lang ako sa mood." sabi ko at sumubo ng kaunti sa pagkain na nasa harapan ko. Masasarap naman talaga ang pagkain at halatang mamahalin pero wala lang talaga akong gana ngayon.

Siguro dahil kumain muna kasi ako bago umalis ng bahay. Sana pala hindi ko na lang 'yun ginawa pero mas gaganahan siguro ako kung may carbonara din dito. Sayang, 'yun pa naman ang isang dahilan na pinunta ko dito.

"Hoy! Anong wala sa mood? Mamaya ka na ma-bad mood dahil hindi mo pa nagagawa ang task mo na ipakilala kami kay, Derrick." pagpapaalala sa'kin ni Vhenice. Napaatras naman ang mukha ko nang itapat niya ang tinidor na hawak niya sa'kin.

Yeah, right. Kailangan ko pa nga palang gawin ang task ko. Pero paano ko naman mahahanap si Derrick sa ganito kadaming tao? Buti na nga lang at tinulungan niya kaming maghanap ng table na kahit maliit lang ay sapat naman sa'ming tatlo kundi baka nagmukha kami lalong kawawa dito. Noon kasing nakapasok kami ay puno na talaga ang mga tables at kaunti na lang ang available tapos reserved pa ang mga 'yon.

Ang layo kasi ng table ng mga kaklase namin dito dahil sa laki ng venue kaya hindi na kami lumipat doon. Mas maganda na din dito dahil kaming tatlo lang ang nakakapag-usap. Baka kasi hindi kami magkarinigan kung sa malaking table kami lalo na't ang lakas na ng tugtugan ngayon dahil tapos na ang program at sayawan na lang pagkatapos kumain.

"Oo hindi ko naman nakakalimutan ang pinapagawa niyo sa'kin. After this, I'll look for him." I said at nagtinginan naman ang dalawa at kinilig.

"Hihihi I can't wait, sis!" Vhenice said, giggling.

"Me too!" ganoon din naman si Angelica kaya napailing na lang ako.

Mga baliw.

Gaya ng sinabi ko, pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay nagpaalam agad ako sa kanila na mag cr. They nodded quickly lalo pa noong sinabi kong pagkatapos kong mag-cr ay hahanapin ko na agad si Derrick para mapakilala ko sa kanila at para na rin makausap nila.

Noong medyo makalayo na ako sa table namin, nahirapan akong hanapin kung saan ang comfort room dahil ang daming tao ang nakatayo para sumayaw sa dance floor. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa maramdaman kong may batang tumatakbo na nakatama sa akin kaya nahulog ang bag na dala ko. Hinanap ko 'yung bata at nang makita siya, nakita kong napatingin din siya sa'kin tapos dinilaan pa ako. Aba't!

"Miss? I think you dropped this." napaharap ako sa lalaking may pamilyar na boses at nagulat naman ako nang makita siya and he just reacted the same way too. "Pepe? Wow, you're here. Hi." bati niya sa akin at binigyan nanaman ako ng ngiti. Sineryoso niya nga talaga ang pagtawag sa'kin ng, Pepe.

"Uy! Junjun, hehehe. So I guess si Margaret pala ang binilhan mo ng regalo? Tama ba?" tanong ko at tumango naman siya.

"Yup. Pero I didn't expect you here. Are you friends with her? Classmates?" tanong niya. Lalo naman ako. Hindi ko talaga siya inaasahan na makita dito at malaman pang boyfriend siya ni, Marga. The most hated girl in our classroom. Napakaswerte lang talaga.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now