MSITCK #FORTY ONE: Finally Awake

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sali niyo rin ako diyan. Family hug," singit ni kuya at nag-family hug nga kami. Hahaha, pauso siya. Wala bang faselfie diyan. Combination of Family and Selfie. Gawa gaw ng sariling salita.

Kumalas kami sa pagkakayakap sa isa't isa at seryoso akong tinitigan ni papa. Para naman akong nabato dahil sa pressure ng titig niya. May problema ba? Ang bilis naman magbago ng ekspresyon ni papa.

"Yumi, my princess, do you love him?," he asked out of nowhere but I'm aware whom he is referring to. It's Rave.

Walang salita ang lumabas sa bibig ko para sagutin ang tanong ni papa dahil walang salita ang makapagpapaliwanag ng pagmamahal ko kay Rave.

Tumango na lamang ako at ngumiti nang matamis sa kanila.

"Okay. I guess we need to go. Baka kasi may dramahan pang maganap dito," segway ulit ni kuya. Panira talaga siya ng momentum pero okay na rin yun para makaiwas ako sa nakakatense na titig ni papa. Ang bilis magbago ang ihip ng hangin.

Lumabas na kami ng bahay. 'Yong kotse ni mama ang ginamit namin. Si papa ang nag-drive habang nasa ftont seat si mama katabi niya. Nasa likod naman kami pareho ni kuya.

"Oh ikaw ang maghawak nito." utos ng ugok sa tabi ko tapos inabot sa akin 'yong basket ng prutas na hawak niya kanina. Ah kaya pala. Now I know. Imbes na magreklamo ako ay malugod ko na lamang itong tinanggap sa kanya.

Wala pang isang oras ang biyahe ay nakarating na rin kami sa wakas. Excited akong bumaba ng sasakyan at medyo nauuna pang naglakad sa kanila. Haha, napaghahalataan ako. Di bale na.

Memoryado ko pa rin yong room numbr niya. Room 369. Dire-diretso lang ako hanggang sa natanaw ko ang mga guwardiyang nagbabantay sa labas ng kanyang kuwarto.

"Hello, we're here to pay a visit for Mr. Rave Castillo. I have here a confirmation email from his father to visit him," my dad formally said then he showed his phone to one of the guards. My eyes just opened widely. Confirmation email from his father? At kailan pa nagkaroon ng koneksiyon si papa sa ama ni Rave?

"Our master is waiting for you inside young master's room sir. You may now enter," the guard confidently uttered with a beam of smile in his lips.

Pinapasok nga nila kami. Isinantabi ko muna ang mga katanungan sa isip ko kung paanong magkakilala ang papa ko at papa ni Rave.

Pagpasok namin sa kanyang kuwarto, napatigil silang lahat sa kanilang ginagawa at napatingin sa amin. Narito ang pamilya ni Rave. Namayani ang saglit na katahimikan sa pagitan naming lahat. Pero binasag din agad ito ng ama ni Rave.

"Ramon, my friend, it's been a long time. Mildred, hindi parin kayo nagbabago. Ang dalawang lovebirds ng klase," masayang pagbati niya sa aming mga magulang sabay nakipagkamayan sa kanila.

"Roman, still handsome and good-looking," my mom complimented.

My dad and Sir Roman laugh very manly. They are like bestfriends and used to hang together during their childhood days, I guess. Is this fate?

Lumapit ako kay Sir Roman at tsaka yumuko bilang paggalang.

"Hello po Sir. I am Yumi," pagpapakilala ko sa kanya.

"Yumi, tito nalang. I'm fine with it since your parents and I are childhood bestfriends," saad niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya then lumapit naman ako kay Tita Velvet na masayang pinagmamasdan sina papa. Yumuko ako sa kanya saka iniabot ang basket ng prutas. Nakakalungkot lang kasi di naman ito makakain ni Rave dahil sa kondisyon niya ngayon.

"Yumi, hinintay ka namin na dumating. Akala namin nila Ran, hindi ka makakapunta." Nakipagbeso beso naman sa akin si Elisa saka niyakap ako kaya niyakap ko na rin siya.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon