MSITCK #THIRTY NINE: Realizations

Start from the beginning
                                    

"Don't worry about me dad. I'm just...fine. Pakisabi rin kay kuya at mama na huwag na silang mag-aalala sa akin. Everything's gonna be fine. I just need to rest dad," I said in a low tone but it's enough for him to hear.

For the second time, I heard him let out a heavy sigh. Siya parin ang dad na kilala ko. My dad na maalalahanin nung bata pa ako. Anuman ang mangyari, siya parin ang ama ko. Ba't ang drama ko ngayon? Ay hindi pala, halos inaraw araw ko na ata ngayong linggo. Naging habit ko nga ata eh.

"Okay, my baby. I love you. Take a rest and tomorrow will be a brand new day for you. Cheer up.
Good night and sleep tight, my daughter," he muttered then I heard his footsteps walking slowly away from my room's door. Sana nga dad.

Nagkumot nalang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hanggang ngayon parin kasi ay nagbabatis ang aking mga mata. Nakakainis nga eh. Kanina ko pa pinipigilang umiyak dahil nakakasawa na pero kusa nalang silang nagsilabasan. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang lahat sa dati. Aish, kung anu-ano na namang mga bagay ang pinag-iisip ko na imposibleng mangyari.

Ipagdasal ko nalang na kasabay ng paggising ko bukas ay ang pagbabalik niya. Have faith at may tiwala ako kay Rave. He's strong and I know that he won't leave me. Assuming na kung assuming pero alam kong hindi niya ako iiwan.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Marahil dala na rin sa pagod. Cheer up, Yumi. Tomorrow isa brand new day. Dad is right.

***

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na direktang tumatama sa aking mukha. Dahil sa dami ng iniisip ko, nakalimutan kong isara ang aking bintana. Bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit dito. Sinalubong naman ako ng preskong hangin sa umaga pagdungaw na pagdungaw ko sa aking bintana. Ang ganda ng sikat ng araw. A new hope. Nakita ko naman si Aleng Maria, yung kapitbahay namin, na nakangiting pinagmamasdan ako sa kanyang bintana. Nag-thumbs up pa siya sa akin na tila ba alam ang aking pinagdadaanan. Sinuklian ko naman siya ng isang matamis na ngiti. Namiss ko ring mamalagi dito sa subdivision namin. Masyadong abala lang ako sa mga bagay bagay kaya hindi ko napansin ang ganda ng paligid.

Medyo light na ang mood ko ngayon. I need to face my problems. Kailangan ko nang pumasok dahil ayokong mag- suffer naman ang grades ko. Huwag ko nalang papansinin yung mga malditang classmates ko. Hintayin lang nilang magising si Rave at talagang isusumbong ko sila. Hahaha, joke lang. Pinapatawa ko lang ang sarili ko. Kamusta na kaya siya? I miss him so badly. Ano kaya kung dalawin ko siya mamaya pagkatapos ng klase?

Hays, kailangan ko nang maghanda baka malate pa ako. Papatunayan ko lang na mahina ako kung hindi ko sila haharapin.

Pumasok na ako sa banyo dala ang aking towel para maligo. Isinet ko ang shower sa tamang temperatura at sinimulang linisin ang aking katawan. Matapos siguro ang fifteen minutes na paliligo, nagbihis na ako ng aking uniform at nag-ayos ng sarili. Konting powder lang sa mukha. Ayos na. Namiss ko rin si Lucy. Yung bruhang yun, iwanan daw ba naman ako. Buti nalang binigyan niya ng magandang explanation nung naka-video call ko siya nung isang gabi. Natatawa lang ako dahil ang epic ng mukha ko nung kavideo call ko siya. Umiiyak ako habang lumalamon nang sandamakmak na chichirya. I'm more than a damsel in distress that time.

Time check, 7:23 a.m. I need to move faster. Nagmadali akong bumaba at sumigaw pa ng 'Good morning'. Ang epic lang ng reactions nila dahil silang tatlo ay nakaawang ang bibig habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nagbabasa si dad ng diyaryo pero napatigil siya nung sumigaw tapos si mama naman ay napatigil sa paghahanda ng pagkain sa kusina at napatakbo y sala samantalang si kuya naman ay napatigil sa paghigop ng kanyang kape at napanganga nang dumating ako. Haha, their reactions were priceless.

Lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa may pisngi. Ganun din ang ginawa ko kay papa samantalang binatukan ng mahina si kuya. Bigla namang nagdilim ang kanyang paningin at mukhang susunggaban ako. Sibat na.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now