MSITCK #THIRTY SEVEN: The Truth

Start from the beginning
                                    

Maraming mga tao ang nakatingin sa kanila na tila ba naaawa sa kalagayan nung babae. Parang may kung anong kumirot naman sa dibdib ko pero di ko yun pinansin. Ano namang pakialam ko sa kanila.

Tinawag ko si Yaya dahil baka hinahanap na ako ni Dad at saka nagugutom na ako. Nakakatakot pa naman si dad magalit. Parang gusto pa yata ni Yaya Nena na tulungan yung babae pero inip ko siyang tinawag dahil gutom na talaga ako. Tumalima naman siya dahil takot na isumbong ko siya kay Tita Velvet. Hinawakan niya ang aking mga kamay at umalis doon. Napansin ko namang parang may mga matang galit na nakasunod ng tingin sa amin habang papaalis lero ipinagsawalang bahala ko lang iyon.

"Bakit?," hagulgol ko. Bakit nangyayari sa akin ang lahat ng 'to? Napakasama ko bang anak.

"Mom.., I'm...sorry," saad ko sa gitna ng aking paghikbi. Napatingala ako sa aking kapatid. May karapatan pa ba akong tawagin siyang kapatid kung ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang mom namin.

"Dane, I'm...," napapitlag ako at napatigil sa pagsasalita nang bigla akong hatakin ni Dane. Nanlilisik ang kanyang mga mata at tila ba gusto akong patayin.

"You have no right to call her mom. And you're not my brother. I won't ever forgive you. Itatak mo yan sa isip mo, Rave kahit pa ikaw nga ang nawawala kong kapatid," he acridly hissed. His words is stabbing me over and over. It's d*mn painful. Hindi nga naman dapat ako patawan ng kapatawaran. I can see anguish, longing, agony and sorrow in his eyes pero nakikita kong nangibabaw ang matinding poot niya sa akin. Hindi ko siya masisisi.

Tumalikod na sila at iginaya siya ng pulis palabas.

"Arghh...hindi ako papayag na mauuwi lang sa lahat ang mga pinaghirapan ko," nabaling ang lahat ng atensiyon namin nang biglang sumigaw si Miss Aimy. Napasinghap ang ilan dahil sa sumunod na ginawa niya. Sinipa niya yung pulis na umaresto sa kanya at inagaw nito ang kanyang baril. Sh*t, hindi pa ba siya titigil?

Yumi's POV

Lahat kami ay gulantang na gulantang ngayon sa aming mga nalaman. Si Rave at Dane, magkapatid sila? Napapasinghap kami dahil sa nakakasakal na atmosphere at tensyon sa hangin. Kung titigan mo silang mabuti ay may resemblance nga silang dalawa. Pero malungkot akong napatingin kay Rave dahil kahit anong gawin niya ay hindi siya mapapatawad ni Dane. Hindi malinaw ang mga totoong pangyayari kung paanonsila namatayan sila ng ina.

Pero sa nakakikita ko ngayon, masasabi kong nagsisisi si Rave at marahil sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanilang mom. Walang ni isa ang umimik sa amin at maging ang mga pulis ay nakikisama rin.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now