Chapter Six

1.9K 47 10
                                    

Chapter 6-Si Mayor

Thea's POV

Buong lakas akong nagpumiglas mula sa pagkakahapit ng lalaki sa aking beywang. Nakatakip pa rin sa bibig ko ang isang palad nito. Tila binabayo ang dibdib ko sa matinding takot at sa galit na rin sa lalaki.

"Hey, hey, easy, okay. Stop squirming. God, you are wild," anang lalaki sa mahinang tinig. Naningkit ang mga mata ko. Wild pala ha. Sino'ng hindi magiging wild sa ginagawa nito sa'kin? Pag hindi pa talaga nito tinanggal ang pagkakapasak ng palad nito sa bibig ko ay kakagatin ko na ito eh. Kahit na nga natatakot ako sa maaaring gawin nito.

"Relax, okay. I won't hurt you," muling saad ng lalaki. Matindi naman ng epekto ng mahinahong tinig nito. Agad naman talagang nagrelax ang katawan ko. Naramdaman marahil ng lalaki iyon kaya lumuwag ang braso nito sa beywang ko. Bagay na sinamantala ko. Isang matinding sipa ang pinakawalan ko sa maselang bahagi ng katawan nito. Napahawak roon ang dalawang palad nito. Gumuhit ang sakit sa guwapong mukha nito.

Agad kong tinakbo ang pinto. Binabayo ang dibdib na lumabas ako sa opisinang iyon ng mayor. Kailangan kong makahingi ng tulong. Maigi na lamang at tila hindi pa yata dumarating ang Mayor ng Santo Cristo. Kung nagkataon kasing naroon na ito ay tiyak na malalagay sa panganib ang buhay nito.

Paglabas na paglabas ko ay ang mukha ni Tiyo Renato ang nabungaran ko.

"Thea, kanina pa kita hinahanap. Ano'ng nangyari sa'yo? At bakit ba tila takot na takot ka?"

Hindi ko na pinansin ang mga katanungang iyon.

"Tiyo Renato, humingi ka ng tulong. May nagbabanta sa buhay ng inyong Mayor," hinihingal na saad ko. "Bilis, Tiyo,"sabi ko pa sapagkat hindi pa ito tumitinag sa kinatatayuan nito.

"Ano ba'ng pinagsasasabi mong bata ka? Sino'ng magbabanta sa buhay ni Mayor?"

"Basta, Tiyo may nais puma..."

"G...good morning po, Mayor," ani Tiyo sa bandang likuran ko. Halos manigas ang katawan ko sa pagkakatayo roon.

"Yor, may problema ba?" agad na sugod noong dalawang matitikas na lalaking kasunod ng teroristang naroroon pa marahil sa opisina ng mayor.

"Gandang umaga po, Mayor!" sunod-sunod na bati ng ilang taong nagdaraan sa pasilyong iyon.

Si Mayor? Kung gayon ay naririto na si Mayor. For God's sake, kailangan ko itong matimbrehan.

"Mayor, wag po kayong papasok sa opisina 'nyo," agad kong sabi sabay baling sa likuran ko. At hindi ko na nagawang itikom ang aking nakangangang bibig sapagkat naroon at nakatayo na tila walang nangyari lang ang lalaking tinawag kong terorista. Nakapamulsa pa ang dalawang kamay nito sa suot na itim na slacks at tahimik na pinagmamasdan kaming dalawa ng aking tiyuhin.

"Yor, may problema ba?" tanong ulit noong isa dalawang lalaki kanina.

"Ah, wala, Sef, Vin. Ayos lang ako,"mahinahong wika nito bagaman ngunot ang noo. Agad namang umatras ang dalawa pagkarinig doon.

Gumuhit ang pagkalito sa mukha ko.

At talagang nanlaki ang aking mga mata nang maunawaan ang lahat. Kung gayon pala ay ang lalaking inisip kong terorista at ang Mayor ng Santo Cristo ay iisa.

Oh no!

Ito na ang katapusan mo, Alethea! Kahit kelan kasi hindi mo ginagamit ang utak mo!

Nang mapagtantong nakabuka pa rin ang aking bibig ay agad ko itong ipininid. Wala akong nagawa kundi ang umiling-iling ng mga sandaling iyon. Hindi ko pa rin lubos na maisip kung ano ang dapat kong gawin o dapat sabihin sa lalaking pinagkamalan kong terorista.

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now