Chapter Thirty-seven

689 30 1
                                    

Chapter 37-Kiss

"Alethea, stop!" Shock was all over his face that I couldn't stop myself from laughing so hard. Malakas lang naman kasi ang loob kong maghubad dahil nakacycling shorts ako sa loob niyon. Pagkaraan ay iyong naman pang-itaas ang aking hinubad. Tumambad ang aking sports bra. Syempre properly covered naman ang maseselang bahagi ng aking katawan. Sleeveless at maluwag nga kasi sa'kin iyong tshirt kaya minabuti kong magsuot ng sports bra.

Tawang-tawang pinanood ko ang mukha nitong nagpakita ng iba-ibang emosyon ng mga sandaling iyon. Pagkagulat, pag-aalala, paghanga at kung ano-ano pang emosyong naghalohalo haha.

Napailing na lang ako habang tuwang-tuwa dahil na-prank ko ito. Hindi lang talaga ako makapaniwala na may pagkakonserbatibo ang lalaking hindi naman nalalayo sa aking edad.

Marahil ay dahil sa impluwensiya ni Lolo Ando. Pero sa totoo lang mas utak millennial ang matandang mayor kesa sa kanya.

"It's a prank," I exclaimed while smiling widely.

Umiiling ito habang nakatitig sa'kin. Hindi pa marahil nakaka-get over sa matinding pagkagulat kanina. I wondered for a while if he was angry but then there's a sign of smile on the corners of his lips. Nagpapa-hard-to-get pa kasi sa ngiti eh.

Pumunta na ako sa tubig. Mainit init iyon kaya ang sarap maglunoy.

"Don't go too far," bilin nitong hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang itsura. Tila mo nagbibilin sa isang bata.

"Yes, sir," sagot ko habang ang lapad ng aking ngiti. Tinapunan lang ako ng istriktong tingin. Pero sorry na lang sa kanya sapagkat wala nang talab sa'kin ang pagmamasungit niya. Batid ko na ang kanyang pinakatatagong sekreto. He's not really the strict bad-tempered mayor that he'd like to project. He's actually good-hearted, sensitive and caring.

"I think you should join me here, Mayor Russ. The water's really good. Mawawala ang stress mo. Come on," sigaw ko rito dahil medyo malayo ako sa kinatatayuan nito.

"Hindi ako stressed-out," sabi lang nitong walang kaekspre-ekspresyon sa mukha. Haist. Napakabihira ng ngiti. Kanina lang ngiti ng ngiti eh. Ngayon ay tila may presyo na.

"Actually, kanina ka pa stressed out," kontra ko dito. Dumakot ako sa palad ng tubig at isinaboy dito. Bigla itong umatras upang makailag ngunit naabutan din ng ilang patak na agad namang pinagpag. Nag-iinarte din eh. Dumakot nga ako ng mas maraming tubig at muling isinaboy rito. Swak sa dibdib nito kaya ang lakas ng tawa ko. Nang makita naman nito ang nangyari ay walang kibong tinapunan ako ng seryosong tingin na hindi ko mabasa. Bigla tuloy akong nag-alala. Baka nagalit na talaga ito. Lalo pa't pinagtawanan ko.

Then in one motion he suddenly got rid of his wet tshirt and put it down together with my clothing. Pinigil kong mapanganga. Napakatikas ng kanyang katawan. Must be a result of morning jogs and discipline and healthy living. Kinakabahang nag-antay ako mula sa aking kinatatayuan. I expected him to join me in the water but he just stood there like he was posing for the camera. He even put his hands on his waist for dramatics.

Oh, I get it. Gumaganti siya dahil sa ginawa ko. He knew that I wanted him to take off his shirt and he did it. And now he wanted me to drool over his great Greek god-like body. Ang yabang. Alam niyang ang kanyang katawan ay isa sa kanyang mga assets. And his flaunting it.

Ganun ha. Allright, let's see how far you will go.

Bahagya akong umatras upang bumuwelo at buong lakas na sinabuyan ang buong katawan nito. I had a glimpse of a shock from his face. Ngayon ay pati pants niya ay basa na rin. Nakagat ko ang aking labi upang pigilang matawa nang malakas. Mula sa matinding pagkagulat ay nangunot ang noo nito.

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now