Chapter Thirty-three

625 17 1
                                    

Chapter 33-Distract

Thea's POV

"Ako at si Jared ang may kasalanan ng lahat," ani Tita Vera. Bigla ko tuloy naibaba ang hawak kong kubyertos at takang napatitig dito. Naroon kami sa carinderya sa tapat ng munisipyo at kasalukuyang nagla-lunch. Pagkaupong-pagkaupo naming ay ito agad ang sinabi. Humingi kasi ito ng pasensya sa nangyari kanina sa loob ng opisina ni Mayor.

Pagkatapos namang magkape ni Mayor ay umalis itong kasama ang ilang konsehal at mga bodyguard nitong sina Sef at Vin. Hindi naman dumidikit dito ang dalawang iyon kaya walang nakakahalata. Palagi nang nakamasid lamang sa malayo ang dalawa. Magsasalita daw ito sa isang programang kasalukuyang nagaganap ng araw na iyon sa isang baryo. Gumayak pa nga ako upang sumama rito ngunit bigla na lang nitong sinabi na hindi na ako kelangang sumama. Bagay na aking ipinagtaka sapagkat kasasabi lamang nitong kung nasaan ito ay dapat naroon din ako. Meron daw ibibigay na gawain si Tita Vera kaya mas maigi raw na maiwan na lamang ako.

Nang tanungin ko naman si Tita Vera ay nagulat pa. Wala naman daw iniiwan o sinasabi ang lalaki. Malamang daw ay ayaw lamang talaga akong pasamahin dahil for the boys ang lakad. May ganun pa pala, duh.

"Bakit Tita Vera? Anong ginawa ninyong dalawa ni Jared?" tanong ko rito. Tumigil ako sa pagkain at hinintay ang paliwanag nito. Ano ba ang ginawa nito para magkaganun si Gretchen?

"It was our idea na umakto silang mag-jowa para pagselosin si Sav."

"Ha. Bakit n'yo kelangang pagselosin si Savie?" Nakuha na talaga nito ang aking buong atensiyon.

"Ganito kasi 'yon."

At isinalaysay nga ni Tita Vera ang totoong pangyayari sa likod ng jowa jowa na issue nina Mayor at Gretch habang kami ay kumakain. Kaya nalaman ko rin na totoo palang si Savie ang nag-iisang babaeng naiibigan ng lalaki simula pa pagkabata.

"Bakit naman kasi may ganun ganun pa. Eh di ligawan niya na lang agad si Savie. Tingin ko naman may gusto rin si Savie sa kanya," putol ko sa pagkukuwento ni Tita Vera.

"No,no. Ganito kasi 'yon. Ganyan na ang turing sa kanya ni Sav eversince. Very close ito sa kanya. Para sa mga hindi nakakakilala sa dalawa. Iisipin na may gusto si Sav sa kanya. Pero sa tingin ko ay nakasanayan na lang ni Sav ang pagigng close sa binata. Oo, siguro nga mahal ni Sav si Mayor at ganun din naman ang binata pero sa palagay ko ay mahal bilang kapatid."

Napataas ang kilay ko doon. Naalala ko kasi iyong sinabi ni Lolo Ando. Parang he doesn't love her like a man should love a woman. Bagay na hindi ko naman binigyan ng pansin.

"Paano ninyo naman nasabi na kapatid nga lang ang turing ang pagtingin nila sa isa't isa?" buong kuryosidad kong tanong.

"Makikita mo naman 'yon. Sa tinginan palang. Alam mo 'yon. Pag may may pagtingin sa'yo ang isang lalaki, iba ang tingin. Parang nais ka nang angkinin sa pamamagitan ng tingin." Natawa akong bigla kaya ang sama ng tingin nito.

"Ano'ng tinatawa tawa mo riyan. Totoo ang sinasabi ko. sa tingin pa lang ay mabibisto mo na kung tunay na may pagtingin ang isang lalaki sa isang babae. At sa totoo lang mas iba pa nga kung makatingi sa'yo si Mayor eh."

"Uy Tita Vera ha. Hindi totoo yan. Mamaya matsismis pa 'ko rito," nguso ko rito.

"Hay..bahala ka kung ayaw mo maniwala. Minsan kasi obserbahan mo kung tumingin sa'yo."

"Ay hala. Ba't ko gagawin 'yon. Mamaya mahuli pa 'ko kung ano pa ang isipin."

"Ay naku. Kahina, oo. Bakit ka naman magpapahuli?"

Sabagay may point din. Tinawanan ko na nga lang ito.

Pinagpatuloy pa rin nito ang pagkukuwento sa pagitan ng pagsubo. Kung paanong tinotoo na nga ni Gretchen ang acting. May pagkakataong bigla na lang daw itong lalapit kay Mayor at hahalikan ang lalaki kapag nagsosolo sila sa opisina nito. Nauupo pa raw ito sa mesa ni Mayor sa tuwing makikipag-usap sa lalaki. Hanggang sa hindi na makapagtrabaho nang maayos ang dalaga at pati na rin si Mayor ay masyado nang naiilang sa mga inaakto nito. Hanggang dumating sa puntong napapahiya na ang lalaki. Kaya naman napilitang sesantehin na ito.

The Mayor of Santo CristoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora