Chapter Twenty- nine

559 18 0
                                    

Chapter 29-Bayaran

Thea's POV

"Do you like my apo, Thea!" biglang-biglang tanong ni Lolo Ando sa'kin habang naroon ako sa kanyang library. Narito ako ngayon at dito ko ginawa ang manuscripts ni Lolo. Mukhang malapit na itong matapos. Pang-chapters twenty to twenty-five iyong binigay niya sa'kin kanina na siyang ginagawa ko ngayon. Ang totoo niyan ay saglit ko lang naman gawin ang mga ito kung seseryosohin ko pero dahil nga sabi naman ng matanda ay hindi daw madaliin ito. Kung kelan ko lamang nais gawin. At dahil andaming distractions ay ganun na nga nangyari. Kung kelan na lang maisipan.

Ngunit dahil isang buwan na rin ako dito at nalalapit nang matapos ang aking bakasyon kelangan ko nang seryosohin ito. Lately nga ay nagse-search na'ko sa internet ng mga job hiring sa bandang Makati. Marami nga akong nakita at may nagustuhan na rin ako at pinag-iisipan ko na talagang mag-send ng resume. Hindi pa lang ako satisfied sa aking ginawang resume kaya ayun hindi ko pa maipadala. At siguro dahil nga hindi ko pa matanggap na aalis na ako dito at iiwan ko na ang pinakamabait na Lolong nakilala ko. bagaman hindi kadugo ay itinuring akong miyembro ng pamilya.

At maninibago akong hindi ko na makikita ang lalaking madalas nakakairita ngunit minsan naman ay nagiging dahilan kung bakit tumatalon-talon ang puso ko. at nakapagparamdam sa'kin na espesyal ako.

"Thea?" ulit ni Lolo sa pangalan kung kaya napakurap-kurap ako sa pagkakatingin dito. Kinakausap pala niya ako kung saan saan naglalakbay ang diwa ko.

"Narinig mo ba ang tanong ko kanina?" tanong ulit nito sa'kin.

"Opo, Lolo. Wa...wala po akong gusto sa apo n'yo. Bakit n'yo naman po natanong at naisip man lang ang bagay na 'yan?" sobrang kabang sagot ko rito. Bakit niya ba kasi natanong ang ganun? May napapansin ba siya? May nahahalata ba siya sa'kin, gosh! Baka masyado na akong obvious. Hindi maaari ito. Nakakahiya. Ano na lang ang iisipin nito? Na isa akong social climber? Goldigge? Hindi ako nababagay sa apo nito. Sa mga taong tulad nilang mataas ang estado sa lipunan.

Naupo ito doon sa silyang sintanda yata nito. Hinila iyon sa harap ng office table na ginagamit ko at seryosong nakatingin sa'kin. Halos hindi ako makatingin dito. Feeling to tuloy nasa hot seat ako. Ano ba naman kasing nakain nitong si Lolo Ando at natanong ang bagay na iyon? Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig ko ang mahinang buntunghininga nito.

"Bakit naman hija? Pangit ba sa tingin mo ang aking apo at hindi mo magugustuhan?"

"Hala! Hindi po, Lolo. Ang ganda nga po ng lahi n'yo eh. Pinagpala po ang lahi n'yo, sa totoo lang," mabilis kong paliwanag dito. Baka naman kasi isipin nito na ang choosy ko dahil wa epek sa'kin ang kagwapuhan ng apo nito. Tumikwas naman ang gilid ng labi nito. Tila pinipigil ang mapangiti.

"So, tell me. Bakit hindi mo magugustuhan ang aking apo? Ano ang kulang sa kanya?"

Hindi agad ako makasagot. Pilit kong tinatantiya ko saan patungo ang mga tanong nito. Baka naman nais akong hulihin at pag nalamang nagkakagusto nga ako sa apo nito ay bigla na lang akong palayasin. Ganun lang naman talaga ang mayayaman eh.

"W..wala po Lolo. Wala pong kulang kay Mayor Russel. Para nga pong nasa kanya na ang lahat eh." Iyong isang kilay naman nito ang tila tumikwas.

"Eh, kung bayaran kita upang gustuhin aking apo tatanggapin mo ba?"

Halos manlaki ang aking mga mata. Seryoso ba talaga ito? O wala lang magawa? Ako pa talaga ang napagbunturan ng kalokohan din nitong matandang mayor ng Santo Cristo ah.

"Bakit po kayo magbabayad para magkagusto kay Mayor. Andami pong nagkakagusto sa kanyang mga babae, Lolo. Kaya hindi n'yo kelangang gawin 'yan. And'yan nga po si Savie, di ba? Hindi naman po sa nakikinig ako sa usapan ninyo ng Lolo niya noong birthday nito pero since andun po ako, naririnig ko po na botong-boto po siya kay Mayor. "

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now