Chapter Sixteen

615 16 0
                                    

Chapter 16-Check up

Thea's POV

Pagkatapos naming magmeryenda ni Lolo Ando na kung saan nga ay hindi ito magkandamayaw sa kakatawa sapagkat hindi nito mapaniwalaang tinawag kong terorista ang kanyang apo, nagpaalam na itong magpapahinga na. Kaya naman narito na ako sa aking sariling kwarto. Magbibihis na rin ako then bababa ulit at tutulong kina Nana Maria.

Bukas na ulit ako magta-type ng manuscripts ng matanda. Though ayaw namang magpatulong ni Nana Maria. Wala naman daw kasing masyadong gawain sa bahay. May mga tauhang lalaking nagme-maintain ng kapaligiran lalo na iyong garden. Pero gusto daw niyang naroon ako dahil sobrang tahimik daw ang bahay at ang ingay ko.

Kainaman daw at bakasyon naroon ang bunsong anak niyang si Myra. Kahit papano may nakakausap siya. Dati daw kasi ingay lang at tahol ni Charlie ang halos naririnig sa mansyon. Palaging nasa office/library si Lolo Ando at si Mayor naman ay gabi na kung umuwi. Maigi nga raw at nitong mga nakaraang araw ay napadalas ito ng uwi at kanina raw ay napaaga pa.

Napansin ko ngang ang aga nito kanina. Kaya ayun tuloy caught in the act si Lolo. Umalis at nagmanehong mag-isa. Hay..hindi niya 'ko pwedeng sisihin. Trabaho ko ang sumunod kay Lolo Ando.

Meanwhile sa loob ng aking kwarto, hindi ko magawang maupo. Lakad dito lakad doon ang ginagawa ko. Daig ko pa ang pusang di mapa-anak. Alam kong naroon sa kanyang kwarto si supersungit. May naririnig akong kumikilos doon eh. I need to tell him na dapat magpa-check up siya. Sa palagay ko kasi ay taalagang napalakas iyong tadyak ko sa kanya noon. Paano kung naapektuhan o nasaktan nang husto yung ano nito. Tapos ako ang sisisihin kahit kasalanan naman niya kung bakit ko nagawa iyon. Kung hindi naman niya ako basta na lang hinaltak ay hindi mangyayari iyon eh.

Huminga ako nang malalim at nag-ipon ng maraming hangin sa baga. Haist! Baka kapusin na naman ako ng hangin eh. Iba talaga kasi pag nakakaharap ko ang lalaking iyon eh.

Mabilis na nga akong naglakad patungo sa kabilang kwarto. Medyo nakaawang ang pinto nito. Kakatok sana ako ngunit maigi sigurong wag na lang. Mas mabuting pagpasok deretso na agad sabi. Para hindi na ako magtagal. Pagkasabi ko ng dapat kong sabihin ay aalis na agad ako. Mas Mabuti nang siya ang gulat kesa ako haha.

Kaya itinulak ko na talaga ang pinto. Nakabukas na ang aking bibig upang sabihan nga dito na dapat siyang magpacheck up. Ngunit walang nakalabas na kataga. Imbes na ito ang magulat ay ako pa talaga. Nanlalaki ang mata ko kasi hayun ang Greek god...este ang batang mayor. Bagong paligo at mukhang kalalabas lang banyo. Basa ang buhok at isa-isang pumapatak ang butil ng tubig mula dito patungo sa katawan nitong naghuhumiyaw ng kakisigan.

Nakatapis lamang ito ng putting tulwaya sa ibabang bahagi at...at...mukhang hindi naman naapektuhan ang bahaging iyon.

Oh my gosh! Can a man be this handsome? Parang injustice na sa ibang kalalakihan ah.

Tumaas lang ang kilay nito pagkakita sa'kin. Hindi man lang nagulat? O masyadong marunong magdala. O sanay na sanay na sa mga babaeng halos tumulo ang laway habang nakatitig sa kanya.

Bakit Thea, iyon ba ang ginagawa mo?

No! Haist!

"Do you even know what knock means?" Salubong ang kilay na saad nito habang nakalingon sa'kin ang ulo ngunit ang katawan ay naka-sideview. Tila mo nag-po-pose para sa isang pictorial ng men's magazine.

Pumikit ako upang pigilan ang sariling sumagot nang umaapaw din sa sarcasm. After all it was really my fault. I didn't knock first. Maigi na nga lang at kahit papano ay may takip ang katawan nito. Paano na lang kung naka- new born baby attire ito. That is if he likes to walk naked inside his bedroom. Lalo na tuloy akong napapikit nang tumambad sa utak ko ang maaaring itsura nito pag naked. I shook my head gently.

The Mayor of Santo CristoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon