Chapter Four

2.3K 50 13
                                    

Chapter 4-Mag-apply

"O siya. Halika na nga. Sumakay ka na rito at gabi na."

Sangbakol pa rin ang mukha ni Tiya Marga kaya mabilis na akong sumunod sa traysikel na sinakyan niya. Mabuti naman at pagkasakay naming ay tumigil na ito sa pagsesermon sa'kin. Pareho kaming tahimik habang tumatakbo ang traysikel patungo sa Tumana na baryo nina Tiya Marga. Inabala ko na lang ang aking sarili sa panonood sa dinaraanan namin.

Kabaligtaran ng pangalan nito, ang Tumana ay hindi malawak na taniman. Isang subdibisyon ito. Panay may kaya sa buhay ang mga nakatira rito. Patunay na ang mga naglalakihang bahay na dinaraanan namin. Iba- ibang yari at pagkagaganda. Kaya naman naaliw nang husto ang aking mga mata.

Nakakamangha na sobrang maunlad na ang itsura ng bayan ng Santo Cristo ngayon. Ilang taon na ba ang nakalipas simula ng una akong tumuntong rito? Anim na taon ako nang dumating dito. Bagong mag-asawa lamang noon si Tiya Marga at Tiyo Renato. Kakamatay naman ng nanay ko noon kaya nga napunta ako sa kanila . Breast cancer ang ikinamatay niya at biglaan.

Stage four agad nang ma-diagnosed. My father was devastated. Alak ang naging karamay nito ng mga panahong iyon. Kaya nga kinuha muna ako ni Tiya Marga na kapatid nito. Palagi nang lasing si Itay noon. At hindi nakatulong iyong pagiging tila bungang pinagtiyap daw naming ng aking ina. Lalo daw napapaiyak si Itay kapag namamasdan ako.

Dito akonag-aral ng grade one hanggang grade six. Nakapag-asawa naman ulit si Itay kaya muli akong kinuha kina Tiya Marga pagkatapos ko ng grade six. Twenty-two years old na ako ngayon. Nagkaroon pa ulit ako ng dalawang kapatid. Sina Kiel Albert at Yana Glaiza na parehas nasa high school.

Si Tiya Marga at Tiyo Renato naman ay iisa ang naging anak. Isang lalaki. Si Gabe na fifteen years old na ngayon kung hindi ako nagkakamali. Maselan kasi kung magbuntis si tiya. Dalawang beses nakunan bago pa naipanganak si Gabe. Five years old na si Gabe ng umalis ako kaya natatandaan niya ako. Ako raw si Ate Thei niya. Naalagaan ko pa siya noon kaya nga iyak to the max ito nang umalis ako.

Dahil doon ay sumama pa nga ang loob ni Tiya Marga kay Itay. Ayaw na ako nitong ibalik. Kaya lang mag-ha-high school na na ako noon kaya kinailangan ko nang umuwi sa tunay kong pamilya. Unfair naman na silang mag-asawa ang magpa-aral sa'kin. Nagsisimula pa lamang silang magpamilya noon.

"Uy lika na. Wala ka bang balak bumaba?" ani Tiya Marga matapos akong sikuhin nang bahagya. Nagulat pa ako. Nakahinto na pala ang traysikel. Mabilis naman akong bumaba. Baka masermonan na naman ako.

"Salamat, Ka Pedring," anito sa driver pagka-abot ng bayad.

"O, pasok na," sabi naman sa'kin. Kaya agad na akong sumunod rito. Pagkabukas ng pinto ay parang may bumangga sa'king isang tipak ng bato. Nagka-landslide ba? Kamuntik na ako tumilampon ah.

"Yey! Ate Thei! I miss you! I miss you," anang baritonong boses na nakayakap sa'kin. Gosh! Si Gabe ba ang bumalya sa'kin? Grabe naman ang pinsan kong ito. Ang laking tao eh, halos ibalya talaga ang katawan sa'kin. Pero anyway, na-miss daw niya ako kaya okay lang.

"Gabe! I miss you din, baby ko!" niyakap ko rin ito nang mahigpit.

"Uy, Gabe, bitawan mo na si Ate Thea mo. Laki-laki mong tao eh. At ikaw naman, Alethea, hindi na baby 'yang si Gabe kaya tigilan mo nang kakatawag riyan ng baby. Hindi na bagay," agad na saway sa'kin ni Tiya Marga. Pero halata namang natatawa. Agad namang kumalas si Gabe sa pagkakayakap sa'kin. Parang napahiya yata.

Sa tingin ko ay parang nabigla lang talaga ito sa pagyakap sa'kin eh. Siguro ay dahil sa matinding tuwa kaya nagawa iyon. At ngayon biglang nagging awkward sa'kin. Kaya naman inakbayan ko na lang ito. Pero ang hirap palang akbayan ang taong malaki ang tangkad kesa sa'yo. Nangawit ang braso ko.

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now