Chapter Seventeen

629 19 0
                                    

Chapter 17- Si Savie

Russ' POV

Ang lakas ng tawa ni Jared pagkatapos kong ikuwento ko rito ang tungkol sa mungkahi ni Thea na magpacheck up ako. At dahil doon ay naisalaysay ko tuloy dito ang naganap kanina iyon.

"Woah! I've got to meet this Thea. Sabi na nga ba eh may mga nangyari nitong ilang araw na hindi ako napupunta sa munisipyo. May mga naririnig-rinig ako eh. Alam mo naman dito sa bayan natin. Paborito ka nilang topic."

Marahas akong napabuga ng hangin. Hindi na ako nagtataka pa. Paniguradong hindi nakatakas sa pansin ng mga marites ang naganap na iyon sa munisipyo.

"But God! You? A terrorist?"

Muling sinundan iyong ng malakas na tawa ni Jared. Wala na akong nagawa kundi makitawa na lang habang napapailing. Come to think of it. Kung babalikan ko ang mga pangyayari simula ng makilala ko ang dalaga ay talaga namang nakakatawa.

"Well. In fairness to Thea. Kung iisipin mo, I think she did all those things because she cares for other people. She didn't even think of herself basta makatulong siya. She's one brave woman. Maganda din ba siya?"

Nawala ang tawa ko sa tanong na iyon ng best friend ko. Lalo na nang masulyapan ko ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

"Don't even try to get near her, Jared. Wag mo siyang isama sa mga binobola mong mga babae. She's not like that." Agad ko ng pigil dito. Kilala ko siya. Sisimple simple lang yan pero matinik sa babae. Dinadaan lang sa biro-biro. Pero kamukat mukat mo jowa na niya. At napalitan na pagkalipas ng isang isang linggo.

"Bakit taken na ba siya?"

"No."

"Eh, di walang problema kung ganun. Wala ka namang balak ligawan siya, right? Meron ka nang Savie."

Nangunot ang noo ko. Bakit ba nasabi sabi ko pang layuan nito si Thea. Mas lalo pa itong magkakainteres eh.

"No, of course not. It's Lolo Ando. I think he got a liking on her. Sa tingin ko dadaan ka muna sa kanya before you can get near her."

"Wow! She must really be something. Alam mo naman si Lolo Mayor. Bibihirang may nagugustuhang tao iyon."

Nagkibit na lang ako nang balikat. He was right though. Bibihira ang nakakasundo ni Lolo Ando. At nakasundo nito si Thea. So, yeah, she is something. Nang maalala ang ginawa nito kanina. Iyong bigla na lang pagpasok sa kwarto ko nang hindi man lang kumakatok. I really wanted to throw her out of my bedroom or better yet out of the house. Ang nakapigil lamang sa'kin ay ang itsura nito nang makita akong halfnaked. Tss. Saan ba siyang bundok nanggaling? Hasn't she seen a halfnaked man before? Tss.

My eyes roamed around looking for Savie. Ngunit wala pa maski anino nito. Napabuntunghininga ako. Is she even going to come? O baka fake news lang itong si Jared. Tss. I don't even know why I believe him. Pumayag daw si Savie na tumambay dito sa AG's na isang restobar.

Well, maganda naman ang lugar. Restaurant na binubuo ng maraming kubo. Bago pa lamang sa bayan ng Santo Cristo click agad sa masa. May kalakihan din ang mga kubo. Ayos na ayos sa apat hanggang limang tao sa isang grupo. May privacy kaya marahil nag-click agad. Maaari lamang uminom ng alak pagdating ng otso ng gabi hanggang alas dos ng madaling araw. Maigi naman at mahigpit nilang sinusunod ang mga regulasyon.

Isa rin ito sa mga nagustuhan ko rito sa aming bayan ng Santo Cristo. Bagaman may kalayuan ito sa siyudad ng Maynila kumpleto ito sa establisimyento. Mga paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo, public o private man, ospital, department stores, pharmacies, simbahan, mga restaurant na hindi naman pahuhuli sa siyudad.

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now