Chapter Twenty-six

563 17 0
                                    

Chapter 26-Kasal

Thea's POV

"Mayor Ando, my kumpadre. Kamusta? Long time no see. Labis akong natutuwa at ika'y nakarating," masayang saad ng may edad na lalaking mukhang kasing yaman din ng mga del Valle. Agad na nakipakamay ito kay Lolo Ando pagdating na pagdating namin sa malamansyong bahay nito. Ang dami na palang tao sa loob nito.

"Fred, my old kumpadre. Ayos lang ako. I wouldn't miss your 70th birthday. Alam mo naman pagdating sa mga edad natin. Bawat taon ay dapat nating ipagdiwang. Hindi natin alam kung kelan ang huli." Sagot naman ni Lolo Ando saka iyon sinundan ng malakas na tawa. Masayang nagyakap ang dalawang may edad na. Halatang close ang dalawa base sa biruan ng mga ito. Namamasyal naman ang aking mga mata sa paligid habang nakikinig sa mga ito. Manaka-nakang napapangiti ako sa biruan nila.

Kaarawan ng kaibigan ni Lolo Ando ang tinawag nitong Fred na Lolo naman ni Savie. Kakadating lang namin. Nauna na samin si Mayor Russel at natanawan ko itong nasa grupo nina Savie at Jared. Ako naman ay naiwan sa tabi ni Lolo.

"Ah, siyang totoo, Mayor."

"Huwag mo na akong tawaging Mayor at may bago na. Baka akalain ng mga nakakarinig ay hindi ako maka-move on."

"No, no, kumpadre. Once a mayor will always be a mayor."

Malakas na tawa ulit ang sagot ni Lolo Ando. Lihim ko namang inoobserbahan ang Lolo ni Savie. Kasing edad pala ito ni Lolo Ando. Napapangiti na lang ako sa kanilang usapan. Tila mom ga teenager din kung mag-alaskahan eh.

"Eh, sino ba itong kasama mong magandang dalaga, kumpadre. Isa ba sa mga apo mo? Matagal na akong hindi nadadalaw sa inyo. Nagsilakihan na yata ang mga apo mo. Narito ba ang anak mong nasa Amerika at ito'y anak niya?"

Napayuko naman ako ng tingin at inantay na lang na si Lolo Ando ang magpaliwanag.

"Ah, ito si Thea, ang aking personal assistant. Nasa amerika pa rin ang mag-anak na Felixberto."

"Ah, siya nga. Maigi nga at meron kang personal assistant. Kelangan talaga natin. Akala ko ay isa sa mga apo mo. Dahil maganda rin. Maganda ang iyong lahi kumpadre."

Tuwang-tuwa naman si Lolo Ando. Totoo naman kasi ang sinabi ng Lolo ni Savie. Magaganda talaga ang lahi nila. Pinagpala nga eh.

"Salamat, kumpadre. Ikaw rin naman. Magaganda rin ang iyong lahi."

"At lalong dadami ang lahi ng mga magaganda kung ipapakasal na natin ang ating mga apo. Ang iyong si Jensen Russel at aking si Savina," sagot ng Lolo ni Savie.

Biglang naglaho ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam ngunit parang biglang nanikip ang aking dibdib.

"Pwede kumpadre. Kung gusto ba nila eh. Bakit hindi?" sagot ni Lolo Ando na sa pagtataka ko ay tila saglit na napalis rin ang ngiti.

"Naku, gusto nila kumpadre. Tingin ko naman ay nagkakamabutihan din ang dalawa," anang Lolo Fred ni Savie. Nagawi ang mga mata nito sa mesa ng grupo nina Mayor Russel na kasalukuyan namang nagkakatuwaan doon. Magkatabi sina Mayor at Savie at mukha ngang nagkakamabutihan.

"Ah, Lolo, excuse me po saglit. I'll just go to the restroom," paalam ko kay Lolo. "Sige hija, anito.

"Excuse me po Sir," saad ko din sa Lolo ni Savie. Tumango naman ito sa'kin. Nagmamadali akong naglakad patungo sa restroom. Hindi naman ako naiihi or something. Talaga lang tila sinamaan ako ng pakiramdam sa biruan ng magkaibigang matanda tungkol sa mga apo nito. Nanikip talaga ang aking dibdib sa isiping magpapakasal si Mayor Russel.

Gosh.

Pagdating ko sa restroom ay habol ang hiningang napasandal ako sa saradong pinto nito. Nagpalipas ako ng ilang saglit na nakasandal lang doon. Maigi na lang at walang ibang tao sa restroom. Humugot muna ako ng maraming hininga bago pumasok sa isang cubicle upang umihi. Since narito na rin lang ako. Para marelax na din.

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now