Chapter Twenty-Eight

533 17 0
                                    

Chapter 28-Bantay

Thea's POV

His voice was so soft that a shiver ran down my spine up to the end of my toes. Nakatitig pa rin siya sa'kin. As if trying to look into my soul. I couldn't look away however much I tried. Tila na-magnet nito ang aking mga mata.

"M..mayor," I uttered barely recognizing my own voice. Nangunot ang mga noo nito habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa'kin. Tila ba ayaw pakawalan ang aking titig.

"Russ, honey," saad nito. "I rather like it more than Mayor."

"Ahm, I..."

Ano na nga ba ang aking sasabihin? Bakit hindi ko maalala?

Gosh! Collect your thoughts, Alethea.

Marahan akong napailing. Ano ba kasi ang ginagawa niya sa'kin? And why did he kiss me, in the first place? Hindi ko tuloy malaman kung ano ang sasabihin dito. At seryoso ba ito? Bakit ko siya tatawaging honey? When I called him that I was being sarcastic.

"Ahm, can we go home now? Medyo inaantok na kasi ako eh," saad ko na lang upang makalayo sa lalaking ito. Sa mga oras na ito ay kelagan ko ng malawak na distansiya mula dito.

Agad naman itong kumilos upang ilayo ang mukha sa akin. Saka ko pa lamang napakawalan ang aking hininga. Pinipigil ko pala ito simula kanina.

"Are you sure you?"

"Yup," sagot ko nang hindi sumusulyap dito. Though I could still feel his eyes on me. Tumayo ako at niligpit ang aming pinagkainan. Hindi na ako nagsalita pang muli hanggang sa makalabas ng cabin. I could not trust myself to speak. And then I didn't know what to say anyway. Hindi maalis sa aking isipan ang naganap kanina. And then I keep thinking the fact that I responded to his kisses.

Nakakahiya ka, Alethea.

Marahan akong napabuga ng hangin.

*****

Pagkabukas nang pinto ay ang ngunot ang mukhang si Savie ang bumungad sa'min. She was the one who opened the door. Nangunot din aking noo sa pagtataka kung bakit naroon ito sa mansyon ng mga del Valle sa ganitong oras.

"Where have you been? Kanina pa'ko nag-aantay dito," tanong nitong nakasimangot kay Mayor.

"Kumain lang kami saglit, Sav," sagot ni Mayor. Halatang nagtataka ding makita ang dalaga sa pamamahay niya sa ganung oras.

"Hindi lang saglit ang apat na oras. And you left Lolo Ando there. At saka di ba galing kayo sa kainan?"

"Yeah. Naghanap lang kami ng milk tea. And ibinilin ko si Lolo kina Sef and Vin. Why are you here, anyway?"

Sumimple na ako nang akyat sa hagdan upang makapunta na sa aking silid. Bahala na si Mayor sumagot sa mga katanungan ng dalagang halata namang nagseselos.

"Hinatid ko si Lolo. He's in his bedroom now."

"Naroon sina Sef at Vin upang ihatid siya."

"What's wrong with you now?"

"Nothing. What do you mean?"

"Kahit kelan hindi mo iniiwan si Lolo."

"Hindi ko siya iniwang mag-isa."

Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang away ng dalawa o mas tamang sigurong sabihing lovers' quarrel.

"Iniwan mo siya para lang samahang bumili si Thea ng milk tea?"

"Bumili din ako. Gusto ko rin ng milk tea."

"You dislike milk tea."

Napataas ang kilay ko. So he dislike it pala. Kaya pala ako lang iniorder ng milk tea. Mabilis na akong pumasok sa aking silid upang hindi ko na marinig ang away ng dalawa. It feels awkward listening to them. And then hindi ko alam but there's a hollow feeling inside of me.

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now