Chapter Twenty-three

582 15 0
                                    

Chapter 23-Start Again

"Well, the action was stupid but not the person. Not you. Iyon lang ang nais kong sabihin."

Ah, so, iyon naman pala eh. May point din. Nagpatuloy lang naman ako sa pag-inom ng kape at pagkain doon sa special na ensaymada.

"At sa palagay ko we started on the wrong foot. Kaya can we start over again?"

Matagal din ang nakalipas na patuloy lang ako sa aking pagkain at pag-inom ng kape. Ang totoo kasi niyan nakalimutan ko na iyong pangyayari sa ilalim ng tulay. Bawing-bawi na sa bait ni Lolo Ando. Pasalamat pa rin siya dahil may lolo siyang superbait. Kung hindi naku, matrigger din niya ang kasungitan ko.

Tumingin ako rito at saka nginitian ito. What he said was a great idea. Tama ito. We started on the wrong foot talaga. Nagsimula lang naman kasi ang lahat dahil sa kasungitan niya eh. Sa palagay ko ay tama lamang na magsimula kami dahil sa totoo lang may taglay din naman talaga itong ng kabaitan.

"Sure. Ngayong nalaman kong ang sarap mo palang magtimpla ng kape," biro ko. Birong totoo haha. "Ang ibig kong sabihin ay oo maaari tayong magsimulang muli. At nais ko ring mag-sorry dahil kung minsan ay nasasabihan kitang masungit."

Hindi ko mapigil ang aking ngiti kaya muli akong tumitig sa aking kape. Since humihingi siya ng pasensya at nagpapakumbaba kahit na nga mukhang hirap na hirap siya nararapat lamang na ako rin ay magpakumbaba. Sino ba naman ako para magmataas, right?

"I hope buo sa puso mo ang pagtanggap sa sorry ko at hindi dahil sa masarap na kape," saad naman nitong ang luwang ng ngiti.

"Syempre buo naman sa isip ko. At syempre gusto ko ring magpasalamat dito sa mga damit. Babayaran ko ito pag sumuweldo ako."

"No need to pay them. They're gifts."

"Ay hindi. Babayaran ko ang mga ito," saad kong nakanguso pa rito. Bakit hindi niya pababayaran? Ayokong magkautang na loob sa kanya no!

"You're a stubborn woman. Do you know that?"

"I'm not stubborn, okay. Lumalagay lang sa tama," ngunot ang noong saad ko. I am not an orphan. At lahat ng bagay na meron ako ay pinaghirapan ko. Maliban na lang yung mga galing sa pamilya ko at kina Tiya Marga at Tiyo Renato. That's okay to accept things from them since they are my family.

Hindi naman ito sumagot kaya napatingin ako sa mukha nito. And he was looking at me in a strange way. Hindi ko maintindihan. Tila ba ngayon lang ako tunay na nakikita. Nakakamagnet ang kanyang mga mata. Ako rin tuloy ay napatitig sa kanya. He really is a very handsome and attractive man. And it was so easy to fall for someone like him, haist!

Anong sinabi mo, Alethea? Erase, erase!

Mariin ako napapikit at saka napabuntunghininga. It's this place. There's something in this place.

Blag!!!

Kamuntik ko nang maibato yung natitirang ensaymada ko. Bigla na lang kasing tila humagis iyong pinto.

"Russ, sabi ko na nga ba naririto ka eh," anang pagkalamyos-lamyos na tinig mula sa may pintuan. Paglingon ko ay saglit akong natulala sa pagkakatitig sa isang babaeng napakaganda. Hindi marahil nalalayo ang edad sa'kin. She's wearing a beige khaki shorts and an off shoulder white blouse that shows creamy white shoulders with beige loafers on her feet. A small sling bag on her shoulders. Tila siya isang modelo sa ganda at bagay na bagay ang kasuotan sa balingkinitang katawan.

"Sino na naman pinagtataguan mo?" tanong ng lalaking kasunod nito. Hindi rin magpapatalo kay Mayor Russel pagdating sa kagwapuhan. Wearing a light blue tshirt na halata namang mamahalin at maong pants and rubber shoes.

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now