Chapter Twenty-five

571 16 0
                                    

Chapter 25-Request

Thea's POV

"Sorry for babbling here. You must be bored." Mayamaya ay wika nito. Tahimik lang kasi ako at nakikinig sa kanya.

"Oh, no. Hindi. Bakit naman ako mabo-bored. Ang totoo niyan ay nakikinig akong maigi kaya ako tahimik," sagot ko rito habang isa-isa kong tinutusok ng tinidor ang mga hibla ng pasta at saka sinusubo habang manaka-nakang sumusulyap rito. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang sarap maupo rito tuwing dinner at makinig sa kanya habang binabalikan niya ang mga pangyayari sa buong maghapon niya sa trabaho.

Saglit akong napapikit upang namnamin ang pangitaing iyon.

"Inaantok ka na," komento nito.

Yup. Inaantok na nga ako kung naiisip ko ang mga bagay na ganito.

"Hindi, hindi," mabilis kong tanggi habang sinasabayan pa ng pag-iling upang bigyang diin ang aking sinabi. Lumagok ako ng juice at abot tengang nginitian ito.

"Then bakit napipikit ka na?" tila mo naghihinampo ito. Kaya naman natawa ako.

"Do you know that you look even more beautiful when you are smiling?" Bigla na lang sabi nito dahilan kung bakit tila uminit ang aking pisngi. Grabe naman kung makapuri kasi. Baka kung inaano na ako nito ah. Haha.

"T..thank you," sagot kong matinding pagpipigil upang hindi matawa nang malakas.

Hindi ko kasi malaman kung sino ang nagpi-flirt eh. Siya o ako.

Tinatawanan ko lang naman talaga kapag may nagsasabing maganda ako or something. Alam ko naman kung ano itsura ko. Syempre maganda naman daw talaga ako sabi ni Tiya Marga. Lalo na nga daw kung ginagamit ko yung utak ko. Ouch. Right? Pati naman Papa ko at stepmother at mga halfsiblings maganda ang tingin sa'kin pero syempre pamilya ko sila eh. Kahit nga mukha tayong unggoy sasabihin pa rin ng pamilya natin na maganda tayo.

Anyway. Kung sa tingin ba ni Mayor ay maganda ako eh. Who am I to disagree. Eh di, claim it na lang haha.

"Totoo ang sinabi ko," anitong medyo naging seryoso. Siguro dahil tumawa ako nang malakas. Feeling niya hindi ako naniniwala.

"Naniniwala naman ako eh," sagot ko naman na medyo hinabaan pa ito ng nguso.

"Eh bakit parang hindi ka naniniwala." Nakataas pa ang mga kilay nito ngayon. Ang kulit din eh.

"Palaging sinasabi ng pamilya ko 'yan, Mayor kaya alam ko at naniniwala talaga ako."

Mayamaya ay tumikwas ang isang gilid ng labi nito. Pagkatapos ay ngumiti na ng maluwang. Sinabayan pa ng iling-iling. Ano kaya ang ibig sabihin?

"You're really something, Miss Alethea Agustin," saad nito. Pagkatapos ay tuluyan nang inubos ang carbonara niyang natira sa pinggan. Ganundin ang aking ginawa. Agad ko na ring inubos ang nasaking pinggan.

Inunahan ko itong tumayo mula sa hapag.

"I'll wash the dishes," kaagad na saad ko bilang ganti sa pagpapakain niya sa'kin ng pinakamasarap na carbonara na nakain ko.

"Are you sure? Hindi mo naman kelangang gawin. Pwede namang iwan na lang muna diyan at bukas na lang pagdating ni Nana Maria."

"Naku, hindi na. Urungan ko na ngayon." Pinagpatong ko na nga ang aming pinggan nang bigla na lang nitong pigilan ang aking kamay. Muntik ko nang mabitawan ang mga iyon. Grabe naman kasi parang may kung anong dumaloy mula sa kanyang palad papunta sa palad ko, haist. Saglit akong napatigil at humugot nang malalim na hininga. What's happening? Eto na yata ang resulta ng masyadong matagal sa presensya ng lalaking ito eh.

The Mayor of Santo CristoWhere stories live. Discover now