"Subukan mo lang talagang mag-over board Yael I swear to God hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." This time mas seryoso na siya, he just chuckled and continue wiping her upper body bigla tuloy siyang naguluhan alam kasi niya na kung ibang tao lang siguro ang gumagawa niyon sa kanya malamang at sa malamang kahit pilay pa siya o patay na ay babangon siya sa hukay at makakapatay siya.

Pero iba si Yael, bakit iba siya?

Bakit hindi siya makaramdam ng sobrang galit dito o kaya naman ay inis? Maingat na inangat nito ang may pinsalang braso niya at iyon ang pinunasan nito pati na rin iyong isang braso niya. Para siyang nagkaroon ng instant na tatay sa katauhan nito. Kahit medyo brusko ang lalaking ito hindi naman maitatanggi na sweet talaga ito, it's natural for playboys to be this sweet. Hinawi nito ang kumot niya at akmang hihilahin na sana ang suot niyang cotton shorts ng batuhin niya ito ng unan na nasa may ulo niya.

"Sobra na iyan binti lang ang kailangan mong punasan bakit kailangan mo pa akong hubaran ng shorts. Nakakahalata na ako."

"Kung makakalusot lang naman." She rolled her eyes at him at umayos ito ng upo. Pinunasan nito ang legs niya hanggang sa talampakan niya. He is even playing her toes. "Ang cute ng mga daliri mo sa paa, they are tiny."

Tiningnan niya ang mga daliri niya sa mga paa. "Oo nga no ngayon ko lang napansin." She gasps and flinches when he traces the lines on her sole. "Ano ba Yael, nakikiliti ako." Reklamo niya.

"Sorry." Inayos na siya nito ng higa at saka ito tumayo at nagpunta sa closet niya upang kumuha ng maisusuot niya marahil. Rayleigh already sorted the clothes she can wear while she is still with her accessories. Bumalik ito na may dalang mga damit, pajama set. Isinuot nito sa kanya ang pang-itaas mas mahirap kasi sa braso niya.

"Ako na ang magsusuot nito lumabas ka muna."

"Bakit pa? Panonoorin nalang kitang magbihis."

Pinandilatan niya ang binata. "Lalabas ka o sa labas ako magbibihis?" itinaas nito ang dalawang braso.

"Fine, five minutes. After five minutes finish or not finish-.'

"Pass your paper?"

"Hindi papasukin kita dito at ako mismo ang magbibihis sa iyo."

"Ten minutes."

"Five."

"Te-."

"Five." Giit pa nito.

"Eh di five." Kinuha nito ang palangganang may lamang tubig at lumabas na ito ng silid niya. siya naman ay kanda ngiwi-ngiwing umayos ng tayo, halos maiyak na nga siya dahil sa masakit talaga iyong sa may braso niya. Sa may binti niya ay hindi na gaano pero sa braso talaga siya napuruhan ng husto.

Dahan-dahan siyang nagpunta sa pintuan ng kanyang silid at inilock iyon. Akala naman nito hindi niya maiisip iyon. Kumuha siya ng underwear at pumasok sa banyo, nagtoothbrush na rin siya pagkatapos niyang magpalit ng damit. Paglabas niya sa banyo ay napatili siya ng makitang nasa labas lang at naghihintay si Yael.

"Paano kang nakapasok?" gulat na tanong niya and as an answer ipinakita lang nito ang susi niya, susing ibinigay niya kay Rayleigh. Napakamot siya ng ulo ang traydor na kaibigan niya, swear gigilitan talaga niya ito ng litid. "Kailangan ko na talagang maligo ang kati na ng ulo ko tapos dinadagdagan mo pa." asar na sambit niya. Hindi naman talaga siya naiinis dito, naiinis siya sa sarili niya for acting so stupid like today.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Where stories live. Discover now