Chapter XXXVI: Vanished

6 1 4
                                    


Jaira's POV

Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap mula kay Nico.

"Mama Jaira!" wika niya at isinalubsob ang mukha sa palda ko. Lumuhod ako para pantayan siya. Tinapik-tapik ko pa ang ulo niya habang nakangiti at pinagmamasdan ang ka-cute-ang taglay ng bata.

"Teka?! nasaan si Liam?" tanong ko sa kanya dahil mag-isa lamang siyang sumalubong sa akin. Hindi naman siguro mag-isa lang bumyahe si Nico.

"Nasa baba po si papa Liam..." sagot niya sa akin. Muli akong tumayo at humawak sa kamay ni Nico. Bumaba kami ng footbridge at sinundan si Nico. Nang mapunta kami sa gate ng Kind Heart Orphanage ay nakita kong nakadungaw mula sa gate ng ampunan si Elliam. Kumaway siya nang makita ako, kaagad naman kaming lumapit sa kanya.

"Hello po ate Jaira..." sambit niya. Napatingin siya nang makita niya na may hawak akong bata.

"Sino po s'ya?" tanong ni Elliam at itinuro si Nico.

"S'ya si Nico. Nico s'ya naman si Elliam..." sambit ko sa dalawang bata.

"Nga pala ano'ng ginagawa mo rito Elliam?"

"Wala lang po hinahanap ko lang po kasi 'yung multo na sinasabi ni William, sabi n'ya kasi may nakita raw po siyang multo...sige po ate Jaira, babalik na po ako sa house...bye po! bye Nico!" tumakbo na palayo si Elliam. Napansin kong palinga-linga pa si Nico at tila hinahanap si Liam.

"Nandito lang po kanina si papa Liam, e..." sambit niya sa akin. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko nakita si Liam. Hindi ko alam kung saan nga ba pumunta ang lalaking 'yun!

Mga isang oras na kaming nakatayo sa tapat ng ampunan ngunit hindi pa rin namin nakikita si Liam. Malapit na ring lumubog ang araw at minabuti ko na lamang na umuwi na kami ni Nico dahil baka abutin pa kami ng gabi sa paghihintay kay Liam.

Nang maka-uwi kami ay wala pa rin si Liam sa apartment. Marahil ay may pinuntahan lang ito. Hindi kaya nagalit siya sa akin kagabi? ang baliw na 'yun. Kinamumuhian niya ang sarili niyang ina. Matapos siyang dalhin ng siyam na bwan sa sinapupunan at kagargahin hanggang sa makalakad ay gayon na lamang niya kung kamuhian ang kanyang ina. Ewan ko ba pero, mukhang nasasaktan talaga si Liam sa ginawa sa kanya ng kanyang ina. Marapat ko siyang tulungan dahil ako ang girlfriend niya.

Pero nasaan na ba 'yun?! dumilim na ang langit pero wala pa rin siya. Sabi ni Nico ay kasabay niyang naglakad si Liam para sunduin ako pero wala na si Liam nang madatnan ko si Nico. Hindi ko siya matawagan dahil walang signal ang bawat pagtawag ko sa kanya.

Nasaan na ba 'yung baliw na 'yun?! Hindi ako mapakali at nagawa ko pang bumaba sa gate ng apartment para doon siya hintayin. Nagawa pang maglaro ni Nico sa labas dahil hinihintay din niya ang pagdating ni Liam.

Napapatingin pa ako sa cellphone ko at hinihintay ang tawag o text mula kay Liam. Sa bahay na nag hapunan si Nico dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Liam.

Hindi kaya galit siya sa akin kaya kung saan-saan na naman siya pumunta?

"Mama Jaira, wala pa rin po ba si papa Liam?" saad ni Nico. Humikab na siya at tila inaantok na rin ang mga mata.

"Wala pa Nico e, mabuti pa pumasok na muna tayo sa loob ng kwarto ni papa Liam mo..." sambit ko. Nag-aalala na ako para kay Liam, ngayon lang siya naging ganito. Although nagawa na niyang hindi umuwi noon dahil sa sinabi ko sa kanyang tigilan na niya ako, pero wala naman akong nasabing masama sa kanya. Nakasaan ka na ba Liam?!

Hindi na ako mapakali, tinabihan ko na si Nico at pinatulog sa kama ni Liam. Hindi na kasi niya kaya ang antok na nararamdaman niya kaya hindi na niya mahihintay si Liam.

The Boy who loves the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon