Chapter XXIII: Bright and Beautiful

4 2 0
                                    

Naikwento ko kay Trisha ang araw na naging kami ni Liam. Kinikilig pa siya habang pinapakinggan ang kwento ko. At naikwento ko rin sa kanya noong first time kong makapasok sa loob ng apartment ni Liam. Marami kasi akong nakitang bagay tulad ng formula ng parallel universe at mga time traveler na fiction books at mga proofs na totoo ang time travel. 

"Hindi kaya...gustong mag travel ni Liam?!" saad ni Trisha habang nakahawak pa sa kanyang baba. 

"Hindi ko alam friend pero...para bang mayroon siyang pinag-aaralang bagay..." sabi ko pa sa kanya habang inaalala ang kwarto ni Liam. 

"Hindi kaya...isang time traveler si Liam?" suspetya pa ni Trisha

"Tsk, friend, I know na hindi totoo ang time traveler...atsaka wala kang nakapagtutunay na meron talagang mga machine para magkapaglakbay ka sa kahit anong mundo..." sabi ko 

"Oo nga friend, hindi totoo ang mga 'yan."

Alam ko naman na hindi ito totoo pero bakit kailangan pa ni Liam ng formula about sa mga 'yun. Nahihiwagaan tuloy ako sa boyfriend ko. 

Nang makauwi na ako, nakita ko si Liam na nag-aabang sa gate ng apartment namin. Naglakad siya at sinalubong ako ng halik sa labi. 

"Kamusta ang araw ng mahal ko?" tanong niya sa akin

"Okay naman...ano'ng meron at naghihintay ka rito?" 

Kinuha niya ang bag mula sa balikat ko at binitbit ito. 

"Wala lang, hinihintay kasi kita..." sagot niya at umakbay sa akin

Sabay kaming umakyat ng hagdan. Pumasok ako ng kwarto para ilapag ang bag ko. 

"Tara..." sambit niya at hinila ang kamay ko. 

"Saan na naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Mag de-date tayo," sagot niya at ipinasok ang ulo ko sa helmet niya. Sumakay kami sa motor niya kahit na hindi ko alam kung saan na naman niya ako dadalhin. Sa dami ng sasakyan at familiar na nadadaanan ay marahil alam ko na kung saan ako dadalhin ni Liam. Papunta kami ngayon sa Luneta. 

Sinariwa ko ang alaala ko rito sa lugar na ito kung saan magpasimula noon hanggang ngayon ay marami pa ring mga taong gustong gumala rito. Naalala ko noon kung saan nagagawa pa naming matulog dito sa may banda sa mga damuhan habang nakahiga sa sapin na dala namin at nagpipick-nick kasama ng buo kong pamilya. 

"Bakit mo ako dinala rito?" tanong ko sa kanya. 

"Ito kasi 'yung lugar na pinangarap kong puntahan noong bata pa lamang ako..." sagot niya sa akin habang nakatitig sa estatwa ni Jose Rizal. 

Napatingin na rin ako sa estatwa at hinawakan ang mga kamay ni Liam. 

"Salamat..." sambit ko. 

Nagpalakad-lakad lang kami rito at kapag nakakaramdam ng pagod ay nagagawa pa naming umupo sa bench. 

"Alam mo, naglalaro pa kami ng kuya ko ng saranggola rito..." sambit ko sa kanya. 

Hindi ko kasi malilimutan ang mga alaala namin ng pamilya ko sa lugar na ito. Tumayo si Liam sa kinauupuan at lumapit sa lalaking nagtitinda ng saranggola. 

"Tara Jaira!" sabi pa niya

Parang bata si Liam na inayos ang saranggola. Binahaba niya ang tali, habang ako naman ay hawak ang saranggola. 

"Okay, Jaira 'pag bilang ko ng tatlo bitawan mo na 'yun saranggola ha..." sambit ni Liam

"One...two...three..." 

The Boy who loves the UniverseWhere stories live. Discover now