Chapter XII: In the Botanical Valley

3 3 0
                                    


Liam's POV


Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Jaira sa akin na huwag ko siya gawing girlfriend. Para bang nasaktan ako sa sinabi niya sa akin, na ang ibig-sabihin ay tigilan ko na siya at huwag kausapin. Bumaba na lamang ako upang makipag-inuman sa mga classmate ni Jaira.

Hindi ko namamalayan na tila ba napaparami na ang mga naiinom ko't nakaramdam na ako ng pag-init ng katawan at hilo. Masaya kaming nagkasiyahan.

 "Wait, pagagandahin natin ang inuman. Mag dare tayo!" wika ni Bryan habang hawak ang isang bote ng alak na wala nang laman. 

"Spin the bottle!" sigaw ng lahat. Ipina-ikot na ni Bryan ang boteng hawak niya. Ang lahat ay tila inaabangan kung kanino tatama ang ulo ng bote upang gawin ang dare na sasabihin nila. Tumama ang bote kay Jay, agad na nag-isip si Bryan ng i-uutos kay Jay. Bigyan mo ng alak ang taong crush mo dito sa mga classmate natin. Napalunok si Jay at maski ako'y napapalunok din. Tumayo siya at pinuno ng alak ang baso. Lumapit siya kay Kyla at inabot ang baso, "Wooooo!" sigaw nang lahat dahil sa tagal-tagal ng panahon nilang magkakasama ay ngayon lang nila nalaman na gusto ni Jay si Kyla. Maski ako'y nasiyahan at nabigyan ng hustisya kaming mga lalaki na sinasabihan nilang torpe. Ipinaikot na muli ni Bryan ang bote, uminom ako sa baso ko. Tila ba bigla akong nasamid nang makita ko ang ulo ng bote na tumama sa tapat ko. 

"Liam, ikaw na!" pasigaw na sabi ni Jay. Ngumiti ako at tumayo na para bang handa sa kahit ano'ng ipagawa nila sa akin.

"Halikan mo ang pinaka magandang babae na narito para sa'yo," tila ba reputasyon ko at kahihiyan ang nakataya rito. Hahalikan ang babaeng para sa akin ay ang pinakamaganda? Nilibot ko ang paningin ko, itinuro ko si Aya dahil sa naging mabait ito sa akin. Nakangiti itong tumayo at nag lakad sa harap ko. 

"Kiss her! Kiss her! Kiss her!" sigaw ng lahat sa amin. Nakita ko ang probinsyanong pinsan ni Kyla at hinila si Jaira at pinaupo sa tabi niya.

"Kiss her!" sigaw nilang muli. Tila ba nahihiya ako sa gagawin ko kay Aya pero mukha naman siyang handa.

"Bilisan mo Liam," sabi ni Arthur na sabik na sabik sa gagawin ko sa babaeng 'to. 

"Ang tagal naman," sabi pa ni Trisha na tila ba naiinip na.

"Kiss her," sigaw ng lahat na mas lalo pang nagpalakas ng loob ko para gawin ang bagay na ito. Mas lumapit pa ako kay Aya at kaagad niyang ipinikit ang mga mata niya.

Ang babaeng gusto kong halikan na narito at ang babaeng maganda sa paningin ko ay walang iba kundi—

Nag lakad ako palapit kay Jaira, hinawakan ko ang mga pisngi niya at hinalikan ang mga labi niya.

Itong babaeng 'tong tila ba laging galit sa akin. Siya ang gusto kong halikan. Ang lahat ay nagulat at nagsigawan.

Ilang minutong nag dikit ang aming mga labi. Ngunit bigla niya akong itinulak at nagmadaling umakyat sa taas. Bigla akong nagsisi sa ginawa ko sa kaniya. Tila ba ninakawan ko ng oras ang isang inosenteng tulad ni Jaira.

 "Whooo!" tuloy pa rin ang sigawan at tilian. Nakita ko si Trisha na umakyat. Sinundan ko ito, nang makatapak pa lamang ako sa isang baitang ng hagdan ay narinig ko na tila ba lumuluha si Jaira. Nakunsensya ako sa kaniya. 

"Jaira?" sabi ko at hindi na nagawang umakyat dahil ipipikit ko lang naman ang mga mata ko dahil hindi ko siya gustong makitang lumuluha.

Si Trisha ang siyang sumalubong sa akin, "tara na Liam, hayaan na muna natin ang kaibigan ko," malaking kasalanan ang nagawa ko sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko dahil sa akin, napaluha ko ang taong ayaw kong makitang lumuluha. 

The Boy who loves the UniverseΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα