Chapter XXII: The Little Prince

4 2 0
                                    


I'm currently reading the book na binigay sa akin ni Liam. Habang nakahiga ako sa kama at iniintindi ang bawat pahina. Biglang pumasok sa aking isipan habang binabasa ang The Little Prince ang mga bata sa ampunan. They are like wild fox kasi na maghihintay ka ng oras at araw para ma tame mo silang lahat, lalo na't iba't iba ang mga karanasan nila sa buhay.

Naging moral lesson din kasi dito sa kwento ang isang fox kung saan ay napaamo ng Little Prince atnd suddenly nag grow sa love ang friendship. Napatingin tuloy ako kay Mr. Fox, 'yung stuffed toy na binigay sa akin ni Liam.

"Mr. Fox, hindi kaya ikaw 'yung tinutukoy nilang fox na kalaro nitong Little Prince?"

Tumawa ako at niyakap ng mahigpit ang stuffed toy ko. Sino ba naman kasing baliw ang tatanungin ang isang bagay kahit na alam naman nating puputi na ang buhok mo hindi ka pa nakakakuha ng sagot mula rito.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng libro at tila wala na akong balak na maligo. Malamig kasi ang panahon lalo na't may paparating na namang panibagong bagyo ayon sa balita sa tv. Wala rin kaming pasok ngayong Friday, dahil natakot na an gaming mayor nab aka mabully ulit dahil sa mga late suspensions niya at halos magdala na nga kami ng swimming trunks dahil sa mga baha.

Narinig kong may tumatawag sa phone ko at kaagad ko itong sinagot.

"Hello Trisha?"

"Jaira Kamusta?" nag-aalalang tanong ni Trisha sa akin.

"Okay naman ako...ikaw?"

"Mabuti naman at okay ka na. Nga pala nabasa mo na 'yung sa confession secret files ng school natin?"

"Hindi pa bakit?"

Bigla akong kinabahan lalo na't dito sa confession secret files isinusulat ng mga estudyante ang mga story na gusto nilang i-share.

"Basahin mo, may isang confession dun para sa 'yo, mukhang galing 'yun kay Henry..." sagot ni Trisha sa akin

"S-Sige babasahin ko."

Kaagad kong pinatay ang tawag at binuksan ko ang fb ko kung saan marami nga akong nakitang memes gamit ang litrato ko. Pati sa mga social media ay nabubully na ako. Hindi ko ito binigyan ng pansin at nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa secret files ng school namin.

Nabasa ko ang isang secret files na may title na "Sorry, but I love you Jaira."

Una kong binigyang pansin ang mga comment ng netizen, "

[ walang kwentang babae! ]

[ Paiiyakin ka lang ulit n'yan kuya! ]

[ Lagi ko nakikita 'yang babaeng 'yan! Architecture student 'yan! ]


Pero natuwa ako dahil may mga iba ring sumuporta sa akin.

[ Let her explain guys, we don't know the reason! Don't be so harsh... ]

[ Jaira, keep smiling, you don't deserve him, 'cause he's so duwag at naghanap pa ng mga kakampi! ]

[ Don't blame her! We don't know the story! ]


Sunod nito ay binasa ko na ang confession.


Sorry, but I love you Jaira
by Mr. Marine

Jaira please forgive me, for what I've done. I really sorry...hindi ko gustong mapahiya ka sa lahat, ang gusto ko lang naman ay mapatawad mo ako, at maging tayo ulit. Ibalik natin 'yung dating tayo...'yung Jaira and Henry forever. Mahal na mahal kasi kita Jaira, e...narealize ko na dapat ay hindi kita niloko. Mahal pa rin kita Jaira! Mahal na mahal!

The Boy who loves the UniverseWhere stories live. Discover now