Chapter XXVI: Jeny

6 2 0
                                    

Liam's POV

Hindi ko naramdaman ang pag-alis ni Jaira pero ramdam ko naman ang paa ni Nico sa mukha ko. Inalis ang paa ng bata at bumangon ako sa pagkakahiga. Napatingin ako sa orasa na nasa lamesa ko, nasa school na si Jaira. Naalala ko na wala nga pala akong pagkain pambata dito sa apartment ko. Napansin kong nagising na si Nico at pasuray-suray pa siyang naglakad palapit sa akin at kinusot ang kaniyang mga mata. 

"Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko po alam...sa kalasado po kasi hindi na kami nag aalmusal, dumadaretso na kami sa pamamalimos..." naramdaman ko ang awa sa sinabi ng bata. 

"Pwes ngayon dapat kang mag-almusal nang may makain naman iyang mga bulate mo sa tiyan." Sagot ko at hinawi ang buhok niya. 

"Tara, punta tayo sa supermarket!" sabi ko pa. Humawak si Nico sa kamay ko. Pinasuotan ko muna si Nico ng jacket dahil parang nagiging daster na sa kanya ang malaking t-shirt ko para sa katawan niyang maliit at payat. 

Tuwang-tuwa si Nico nang ipasok ko siya sa loob ng supermarket, pakiramdam ko tuloy ito ang first time niya na makapasok dito. Namangha siya sa kaniyang paligid dahil marami siyang pagkain na pagpipilian. Kumuha ako ng big cart dahil alam kong mapapasubo ako sa dami ng bibilhin ko, simula kasi ngayon hindi na puro pang sarili ko lang dahil may ka share na rin ako sa bahay at mas higit na malakas kumain sa akin. 

"Kumuha ka kahit ano'ng gusto mo..." sabi ko sa bata. 

Tuwang-tuwa siya at nagawa pang tumalon-talon at napayakap sa akin. "Salamat po...kuya daddy!" nakakatawang pakinggan ang tawag niya sa aking "kuya daddy" tila nag aalangan po kung ano talagang itatawag. Kumuha rin ako ng mga cereal at milk para sa bata. Isang balot ng biscuit at malaking bote ng softdrinks. Ito ang tanging bitbit ni Nico. 

"Kumuha ka pa nang marami..." sabi ko sa kanya

Kumuha siya ng mallows, chocolates, candies at pati popcorn ay inilagay niya sa cart ko. Kaagad kong binayaran ang mga ito. Naisipan ko namang bilhan nang damit si Nico dahil nagtitiis siya sa malaki kong jacket at ni hindi nga siya naka-suot ng brief, e. 

Damit, short, at underwear lahat ay binili ko na kay Nico. 'Di matatawaran ang ngiti ng bata sa tuwa. Iniisip tuloy na, nakakatanggap pa kaya siya nang regalo sa araw ng pasko? Bumili ako ng laruang kotse at pinabalot ko ito nang hindi nakikita ni Nico. 

Itinago ko ito sa likod ko nang dumating si Nico. 

"May gift ako sa 'yo..." turan ko at inilabas ang nakabalot na kahon. 

Nanlaki ang mga mata niya. Napapapalakpak pa siya sa tuwa habang nangingilid ang mga luha. 

"Salamat po...! napakarami n'yo pong ibinigay sa akin...sana marami ring matanggap si ate ko..." mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ng bata lalo na't naalala pa niya ang kapatid niya. 

"'Wag ka mag-alala, okay lang ang ate mo..." sabi ko sa bata para kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Kinuha niya sa akin ang regalo at kaagad niyang sinira ang balot nito't binuksa. 

"Wow! kotse!! Astig!!" napayakap siya sa akin. Umupo ako para pantayan siya at kaagad niya akong binigyan ng kiss sa pisngi. 

"Thank you! thank you! sana po kayo na lang papa ko!" hiling ng bata

"Papa?" rumihistro sa aking isipan ang aking ama. Alam kong naging malupit sa akin ang aking ama. Siya ang dahilan kung bakit ang mga takot ko ay dala ko hanggang ngayon, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito na-oovercome kahit na isa na ako ngayong professional at malaking tao. 

"Pwede naman...pwede mo naman ako gawing papa..." sabi ko sa bata. ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. 

"May papa na ako..." nakita ko ang luhang bumagsak sa mga mata niya at kaagad akong pumikit. Bakit? bakit nakaramdam ako ng lungkot nang masulyapan ko ang luhang iyon. Katulad ito nang luhang bumagsak sa aking mga mata noong bata pa ako habang pinagmamasdan ang aking ina na papalayo ng bahay. At ang luha na iyon ay pumatak din noong makita ko na ang aking ina, ngunit hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit na itaboy at kalimutan ka ng sarili mong magulang. 

The Boy who loves the UniverseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora