Chapter XXXI: The Time Traveler's Boy

5 1 0
                                    


"Mama Jaira, ako 'to si Nicholas ang anak n'yo!" saad niya sa akin. 

Hindi ako makapaniwala sa kanya lalo na't isa siyang binata at paano ako nagkaroon ng anak na binata na. Napa-antras ako sa kanya dahil sa panahon ngayon ay napakarami nang manloloko at baka nililinlang niya kami at nagpapanggap na anak ko para hingian kami ng pera o 'di kaya ay ma hypnotist kami ni Angel at dalhin kami sa isang lugar na hindi namin alam at kunin ang mga gamit naming dala. Maraming pwedeng manyari pero ang isang ito...parang kakaiba. Tinitigan ko ang mukha niya. Nabaling ang paningin ko sa hawak nitong orasan na katulad nang kay Liam. Ang orasan na siyang nagdala kay Liam dito sa mundong ito at sa panahong ito. Tinitigan kong muli ang mukha niya. Napansin ko na parang may pagkakahawig siya kay--teka?! 

"N-Nico?!" tanong ko

Tumango siya sa akin at ngumiti. 

"Oo, ako 'to si Nico, Nicholas ang adopted son n'yo ni papa Liam..." 

Hindi ako makapaniwala dahil kaharap ko ngayon ang future na pagkatao ni Nico. Napatingin ako kay Trisha dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. 

"T-Teka, ano'ng sabi mo? ikaw si Nico?" paninigurado ni Trisha kay Nico. Dahil ang kilala niyang Nico ay nasa walong gulang pa lamang sa panahong ito. 

"A...ibang Nico!" sambit ko at hinila ang kamay ng binata. 

"S-Sige Trisha maiwan ka na muna namin!" pagpapa-alam ko kay Trisha at iniwan namin siya. Alam kong hindi niya ako maiintindihan kaya minabuti kong i-uwi na lang muna ang binatang si Nico. 

"Paano ka nakapunta dito?" tanong ko sa kanya. Tinititigan lang niya ang mukha ko at tila may napapansin na kung ano. 

"Ha? ano'ng sinasabi mo mama? pero teka? bakit parang napakabata mong tingnan?" sambit pa niya.

"Nico, narito ka sa nakaraan...sa taong 2018..." saad ko sa kanya. 

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala na nakabalik siya sa panahong ito. Alam kong hindi niya maiintindihan ang lahat kaya mas mabuting si Liam ang mag-explain sa binatang ito. 

"P-Pero...'di po ba kayo nagbibiro? hindi po ba ito 2028?!" turan niya at nagpalinga-linga. 

"Nico, dahil sa orasan na iyan ay nagawa mong bumalik sa nakaraan, kung nasaan ka ngayon. Tulad ni papa Liam mo...isa rin siyang time traveler at ngayong hawak mo ang bagay na iyan, dalawa na kayong nag travel mula sa dimension patungo dito." 

Tinitigan ng binatang si Nico ang orasan. 

"Naalala ko po, inikot ko ito at parang isang panaginip na unti-unti akong naglalaho..." sabi niya

Nilibot niya ang paningin niya nang maka-uwi kami sa apartment. 

"Namiss ko po ang lugar na ito..." sambit niya sa akin. 

"T-Teka? sa panahon mo...hindi na ba tayo nakatira dito?" tanong ko sa kanya. 

Tumango siya sa akin bilang tugon. 

"Nakatira na po tayo sa malaking bahay, dahil po sa pagsusumikap n'yo mama at napag-aral n'yo ako sa isang private school..." sabi niya at yumakap sa akin. Naramdaman ko na pareho ang yakap nila ng batang Nico. 

Dinala ko ang binatang Nico sa taas at kumatok ako sa kwarto ni Liam. Kaagad na bumukas ang pinto ni Liam. Nakangiti akong hinarap ni Liam at kaagad ko siyang inilabas sa kwarto. Nanatili lang sa loob ang batang si Nico, balak ko pa sanang tawagin siya para makita niya ang magiging future niya pero baka makaramdam ito ng takot at maguluhan lalo na't masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat ng nanyayari. 

The Boy who loves the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon