Chapter IX: Keep Falling

11 3 0
                                    



Liam's POV


Every smile from her it seems like a welfare for me. Simula nu'ng sumakay kami sa kalesa'y hindi na ako umalis sa tabi ni Jaira, kahit na panay ang yaya sa akin ni Aya ay nagagawa ko nang tumanggi. Pero mapilit ito't panay pa rin ang dikit sa akin. Hinayaan ko na lamang siyang ganito dahil...maganda naman si Aya at mabait sa akin, ngunit tila hindi sila magkasundo ni Jaira. 

Nang makarating na kami sa aming pupuntahan sa Carig kung saan ay kakaunti lang ang mga nakatirang tao. 

Nagtataasang mga bulubundukin ang kaagad na nakakuha ng atesyon naming lahat. Ipinikit ko ang aking mga mata, napakasarap ng simoy ng hangin at kahit na nasa ganap na ala-una na ng tanghali ay hindi ko maramdaman masyado ang init dahil sa maaliwalas na kapaligiran.

 "Duon tayo mamayang gabi," sabi ng classmate ni Jaira habang nakaturo sa itaan ng bulubundukin. 

"Wow, ang ganda," sambit ni Jaira na nasa tabi ko. 

Ngumiti ako sa kanya, "makikita natin kung gaano kaganda ang mga bituin," tumango si Jaira at ngumiti. 

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinabing, "para bang nawawala ang mga problema ko dito sa lugar na 'to," pinagmamasdan ko na tila ba hindi mo mababatid sa mukha niya ang nasaksihan kong pagluha niya matapos siyang lokohin ng boyfriend niya. Pumasok na kami at binati ang mga kamag-anak ni Kyla kung saan kami mananatili. 

"Teka, kasya ba tayo dito?" tanong ni Trisha nag tinginan ang lahat sa kanya na tila ba siya lamang ang hindi nakakaalam ng kasagutan sa tanong niya.

 "Sa taas tayo ng burol na 'yun matutulog." Sagot ni Aya at ngumiti pa sa kaibigan ni Jaira.

Ibinaba na namin ang aming mga gamit, "bro, tara ihanda na natin 'yung mga tent sa taas," sabi sa akin ng lalaking classmate ni Jaira. 

"Sige, bro." Umakyat kami sa taas habang dala-dala ang mga tent na tutulugan naming mamayang gabi. 

Napakalakas ng hampas ng mga hangin sa amin at tila ba matatanggay na kami. Bigla akong naginhawaan nang makarating ako sa tuktok, pakiramdam na para bang malilimutan mo ang lahat na problema mo't maiisipan na lamang na sana'y manatili na lamang dito kung saan libre ang malinis na hangin, mga taong may mabubuting puso at kapaligiran na siyang magpapawi ng kalungkutan mo. Inispread ko ang aking mga kamay upang yakapin ang hangin.


Dalawang malalaking tent ang aming inassemble. 

"Ang ganda ni Jaira 'no?" biglang sabi ni Bryan na para bang may lihim na pagtingin kay Jaira. 

Ngumiti na lamang ako nang ang lahat ng kasama ko'y um-agree sa sinabi ni Bryan, "pero bro, hindi ba kapitbahan mo siya," sabi ni Bryan at umakbay sa akin. 

"Oo, magkapitbahay kami," sagot ko sa kanya. Nakita ko sila Jaira kasama ang mga kababaihang tumatakbong paakyat patungo sa amin.

 "Ang swerte mo't araw-araw mo makikita ang kagandahan niya," sabi pa niya sa akin. 

Tumingin ako kay Jaira, habang nakikita ang maganda niyang ngiti, para bang bumagal ang lahat at tumigil ang oras. Ang ngiti niya...para bang nakita ko na ang maganda niyang ngiti habang tumatakbo patungo sa akin.

 "Liam!" sabi pa niya. Nang makarating na sila sa amin ay tila ba napagod sila't habol-habol ang kanilang pahinga. 

"Whooooo! Ang ganda!" pasigaw nilang sinabi. Umalingawngaw ang kanilang mga sigaw sa tuktok ng bulubundukin na ito. 

The Boy who loves the UniverseWhere stories live. Discover now