Chapter XVIII: Heavy Rain

7 2 0
                                    

Liam's POV

Dito ako nanatili sa Makati kung saan ay nagawa kong mag check-in sa isang mamahaling hotel. Dito ko raw kasi sa Makati matatagpuan ang mom ko sabi ni tito Edie. Iiwan ko muna ang inupahan kong apartment dahil masyadong malayo ang binabyahe ko kung araw-araw kong hahanapin si mama. 

Hindi pa rin mawala sa isip ko na mag-alala, kamusta na kaya si Jaira? ano na kayang ginagawa niya ngayon?

Lumabas ako ng hotel at naglakad-lakad sa mall. Habang naglalakad ay napatigil ako ng saglit at kinuha ang orasan sa bulsa ko. Tinitigan ko ang orasan ko habang isinasambit ang, "ano bang rason at narito ako?" napabuntong-hininga ako.

"Ah!" sambit ko nang masanggi ng isang nagmamadaling lalaki ang kamay ko kung saan ay nalaglag mula sa kamay ko ang orasan ko at gumulong ito. Patuloy lang ang pag  gulong ng orasan at hinabol ito kung saan patungo. Tumigil lang ang paggulong ng orasan nang bigla itong tumama sa sapatos ng isang babae. 

"P-Pasensya na po," sambit ko at pinulot ang aking orasan. Nang mapatuwid na ako ng tayo habang hawak ang bagay na nagdala sa akin sa mundong ito ay bigla akong nagulat. Nanatili ako sa kinatatayuan habang nakapako naman sa paningin ko sa babaeng nabangga ng orasan ko. 

"M-Mama..." nauutal na sabi ko. Namutawi sa aking labi ang isang mandang ngiti, tapos na ang paghahanap ko dahil nasa harapan ko na ang babaeng nagluwal sa akin sa mapait na mundong kinaharap ko noong bata pa ako. Nangilid ang mga luha ko at dahan-dahan na lumapit sa kanya. 

"Excuse me?" narinig ko ang pagkasosyal sa boses niya. Nakasuot siya ng magarand dress na kulay violet, may maganda at mamahaling bag na tangan niya, mapula ang kaniyang labi, pero kahit na nag-iba siya ng postura ay siya pa rin ang akin ina. 

"Ma..." sambit ko at lumapit para yakapin siya. Nagawa niya akong itulak palayo sa kanya dahil hindi niya kaagad ako na-recognized sa mga oras na ito. 

"Ma, ako 'to, 'yung anak mo..." naluluhang sabi ko sa kanya at patuloy pa rin akong nagbabakasakaling matandaan niya. Bakas pa rin sa mama ko ang pagtataka niya at napa-antras dahil isa akong stranger para sa kanya. 

"Wala akong anak!" natigil ako nang marinig ito mula sa aking ina. 

Wala siyang anak? napakasakit marinig na itinanggi niya ang pagluwal sa akin. Talaga bang kinalimutan na ako ni mama?

Lumapit ang isang foreigner na pakiwari ko'y nasa edad-50 na. 

"Honey, are you okay?" sambit ng foreigner sa aking ina. Dito ko na laman na ang banyagang ito ay ang bagong kinakasama ni mama. Ito ang ipinagpalit niya kay papa. 

Naluha na lang ako dahil alam ko na kung bakit nagawa kaming iwan ni mama. Marahil kasi ay nagsawa na siya sa mahirap naming buhay...dahil sa piling ng banyaga ay mabibili niya kahit ano'ng gusto niya at mapupuntahan niya ang mga lugar na gusto niyang puntahan. 

Pinunasan ko ang aking mga luha...ako itong taong ayaw makakita ng taong lumuluha pero heto ako ngayon...

"Let's get out of here honey, there's someone bothering me..." sabi ni mama at kaagad na silang lumayo sa akin. 

Muli kong kinuha ang orasan sa bulsa ko...

"Heto ba ang dahil kaya mo ako dinala rito? upang maramdaman ang sakit na matagal nang naghilom sa aking pagkabata?!" sambit ko habang tinititigan ang orasan. 

"Uuwi na ako..." pinunasan ko ang luha ko at naglakad na pabalik sa hotel na tinutuyan ko.  

Bigla akong napatingin sa kalendaryo bago ko nilisan ang hotel room ko, October 2 nga pala ngayon at sa pagkakaalala ko ito 'yung araw na darating ang isang napakalakas na bagyo, pero nagpatuloy pa rin ako, dahil uuwi na ako sa mundo ko kung saan sa tamang oras at tamang araw kung saan ako nabubuhay.

The Boy who loves the UniverseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin