Chapter XXVIII: A Child's Depression

4 1 0
                                    

Nagising ako sa isang text mula sa aking phone. Text ito mula kay Trisha at sinabi niya na wala kaming pasok ngayon dahil nagkansela ang mayor namin. Mayroon kasing magaganap na protesta 'di kalayuan sa university namin. Protesta ng mga guro dahil sa mabababang sweldo. Alam kong napakahirap mag turo, lalo na kung ang tuturuan mo ay lagpas sa bilang mga mga daliri mo. 'Yan ang hindi ko lubos na maisip. Sila na nga itong nagta-tyaga sa atin para tayo ay matuto pero sila itong ginigipit sa sweldo. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring sulusyon ang Pilipinas, tila nagbibingian at nagbubulag-bulagan din kasi ang mga gobyerno. 

Buti na lang at walang pasok at mauubos ko ang oras ko para kay Nico. Nagising ang bata, tumingin muna ito sa akin at humikab pa. Tumayo siya habang kumakamot pa sa tiyan at pumasok sa banyo. 

Nagising na rin si Liam. Kaagad niyang kinapa ang batang kanina lamang ay yakap niya. Napabangon siya nang mapansing wala na si Nico sa tabi niya. 

"Si Nico?!" kaagad niya sa aking tinanong at kinakabahan na baka muling umalis ang bata. Ngumiti ako sa kanya.

"Nasa banyo lang ang bata..." sambit ko at humiga. Napabuntong-hininga pa si Liam at parang cannon ball na ibinagsak ang katawan sa hiagaan. Inangat ko ang ulo ko at ipinasok ni Liam ang kamay niya upang gawin kong unan ang braso niya. 

Napayakap pa ako kay Liam at hinalikan siya.

"Okay na kaya si Nico?" mahinang sabi ko habang ang daliri ko ay gumuguhit ng bilog sa dibdib ng boyfriend ko. 

"Maybe no..." sagot ni Liam at hinalikan ang noo ko. Maya-maya ay lumabas na ang bata sa banyo. Ngumiti ito sa amin at kaagad niyang kinuha ang laruan niyang kotse. Pinagmasdan ko  si Nico. Umupo siya at pinaandar ang kotse hanggang sa mabangga ito sa pader at muli niya itong kinuha at muling ginawa ang laro niya. 

Bumangon na ako at si Liam. 

"Gutom ka na ba Nico? anak?" sambit ko. Medyo ilang pa akong tawagin na anak si Nico. Dahil una, bata pa ako at madalas ko lang naririnig ang salitang anak sa aking ina, pangalawa hindi kami magkadugo ni Nico pero dahil gusto kong gampanan ang maging importanteng parte kay Nico ay gagawin ko ito. 

Tumango lang siya at muling ibinaling ang atensyon sa paglalaro. Tumingin ako kay Liam dahil napaka un-usual ng tingin ni Nico. Para bang hanggang ngayon ay makikita mo ang malungkot niyang mga mata. Tiwala naman na ako kay Nico na hindi na niya muling gagawin ang tumakbo at lumayo sa amin. Gumawa si Liam ng pancake at kaagad niya itong niluto. Habang nilalagyan ko ng gatas ang baso ni Nico, hindi ko maiwasan na mag-alala sa nararamdaman ng bata. 

Inabot ko sa kanya ang gatas at kaagad niya itong kinuha sa akin at ininom mismo sa harapan ko. Mabilis niyang inubos ang gatas sa isang tunggaan lang. Bakas pa ang gatas ni Nico sa labi at pinunasan ko ito ng damit na suot ko. Ngumiti siya sa akin. Niyakap ko ang bata at hinalikan siya sa tuktok ng ulo. 

Napansin ko ang isang poknat sa ulo ng bata. Hinawakan ko ito. Marahil natural lang sa bata ang magkaroon ng poknat. 

"What's that?" tanong ni Liam sa akin habang hinihimas ang poknat ng bata. Makinis at tila 'di na tutubuan ng buhok ang poknat ni Nico. 

"Wala, may nakita lang kasi akong poknat sa bata," saan ko kay Liam. Lumapit si Liam at hinanap sa ulo ni Nico ang tinutukoy kong bagay kay Liam. Hinawakan din niya ito at tumingin sa akin. 

"The kid may suffer from stress..." sagot sa akin ni Liam. 

Ngayon ko lang nalaman mula kay Liam na hindi lang pala ito ordinaryong poknat lang dahil marahil kaya nagkakaganito ang bata ay dahil stress ito. Parang sa teen, kung kadalasan kapag na-iistress tayo nagkakaroon tayo ng pimples, dandruff etcetera...

The Boy who loves the UniverseWhere stories live. Discover now