Chapter VI: Milky Way

9 3 0
                                    




Liam's POV


Hindi ko alam kung bakit, pero parang ayaw kong makitang masaktan si Jaira. 

Muli kong hinawakan ang kamay niya habang naka upo kami sa taxi pauwi sa apartment. Hindi ko alam at tila ba sa mga oras na ito'y nagugustuhan kong hawakan ang kamay niya, at para na rin guluhin ang isip niya at hindi na isipin ang lalaking iyon. Nakita ko kasi siyang tumigil sa pag lalakad at nakatingin na lamang sa direksyon kung saan ko nakita 'yung lalaking nang iwan kay Jaira. Buti na lamang at sumang ayon naman siya sa naisip kong paraan. Nakita kong hindi makapaniwala ang boyfriend niya nang makita kaming mag kasama at mag ka-holding hands ni Jaira.

Tinitigan ko ang mukha ni Jaira habang natutulog. Mukhang napagod hindi lang ang katawan niya pati na rin ang utak niya sa araw na ito. Inusog ko ang ulo niya at inihiga sa balikat ko.

Hindi ba parang ginulo ko ang nakaraan, para bang pakiramdam ko'y meron akong nasirang istorya. Istorya ng babaeng ito, na siguro'y kung hindi ako dumating ay mapupuno ng sakit at kalungkutan ang puso niya.

Ipinkit ko ang aking mga mata nang makita ko ang luhang tumulo sa mata ni Jaira.

                                                                                        * * *

Tila ba bumalik sa akin ang nakaraan ko kung saan ang mag laro sa labas ng bahay lamang ang naging kaligayahan ko, bumalik ako sa pagkabata habang nakikipag habulan sa mga kapwa ko bata. Mga oras na gusto kong manatili, mga araw na gusto kong balikan. Isang babae ang siyang tumawag sa aking pangalan. Napalingon ako, noong una'y inakala ko na siya ay ang aking ina ngunit hindi ganoon ang boses ng aking ina. Muli niyang binanggit ang pangalan ko, pinilit kong tingnan ang mukha niya ngunit tila ba mas lalong lumalakas ang liwanag mula sa kanya, napapapikit ako sa sobrang liwanag na tila ba hindi ako binibigyan ng pag kakataon upang makita ang mukha niya. Sino ba siya at bakit para bang kilala niya ako.

Dumilat ako at nakita ang mukha ni Jaira.

 "Te-Teka, anong ginagawa mo?" sambit ko sa kanya na tila ba kanina pa ako pinag mamasdang tulog.

 "Ang cute mo palang matulog," bigla akong nahiya sa sinabi niya sa akin.

 "Nang magising ako nakita kitang nakangiti at tumatawa pa, akala ko nga gising ka at nag babaliw-baliwan lamang pero natutulog ka pala sa mga oras na iyon." Aniya at muling tinitigan ang mga mata ko.

 Ginusot ko ang mga mata ko, "s'ya nga pala, kanina pa tayo narito sa tapat ng apartment hinihintay lang kita na magising para bayaran si kuya driver," habol pa ni Jaira at lumabas na ng taxi. Inabot ko ang bayad sa taxi driver at kinuha ang mga appliances na binili ko mula sa compartment ng taxi.


"Salamat Jaira," tanging salita na nasabi ko sa kanya.

 Ngumiti siya habang tinutulungan niya ako sa pag bibitbit. Matapos naming maipasok ang lahat sa kwarto—"Jaira, pu-pwede ba kitang sunduin sa school n'yo bukas," lakas loob kong sinabi sa kanya. 

Hindi siya umimik, na para bang "hindi" ang isasagot niya,

 "Jo-Joke lang," pag bawi ko sa sinabi ko. 

Ngumiti siya at sinabing, "sige, 4:30 pm," sambit niya at pumasok na sa room nila.


Napangiti ako at nakaramdam ng kilig. Para bang nakatanggap ako ng isang matamis na "Oo." Hanggang sa pag higa ko'y hindi mabura ang ngiti sa aking mga labi. Para tuloy gusto ko nang pabilisin ang gabi.

Nang maipikit ko ang aking mga mata ay biglang pumasok sa aking isipan ang aking ina. Bumangon ako sa pag kakahiga, kinuha ko mula sa ilalim ng unan ko ang orasan na nag bigay sa akin ng pag kakataong bumalik sa nakaraan. Nag liwanag ang pulang baton a nasa gitna nito. Napansin ko ang tila ba napapadalas ang pagliwanag nito.

"Mama, saan ba kita matatagpuan..." isang luha ang siyang biglang bumagsak sa mula sa mata ko. Kaagad ko itong pinunasan at muling pumikit nang makatulog.

The Boy who loves the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon