Chapter XV: Ants are busy

3 2 0
                                    


Hindi ko pinansin ang text ni Henry sa akin dahil wala naman na talaga kaming dapat na pag-usapan. Hindi ko alam pero bakit patuloy akong ginagambala ni Henry. 

"Ate Jaira, bakit parang malungkot ka po ata..." lumapit si Elliam sa akin.

Pati ang mga bata tuloy dito sa ampunan ay nahahawaan ko na ng kalungkutan. Hindi ko kasi maiwasang mag bago ang aking emosyon dahil nabasa ko ang text ni Henry sa akin.  

"Okay lang ako Elliam," sabi ko sa kanya. 

"Mas bagay po kasi sa 'yo ang laging nakangiti, e." Biglang sabi ni William sa akin. 

Bagay nga talaga sa akin ang laging nakangiti gaya nga ng sinabi sa akin ni William, si Liam din ay napansin niya ang kagandahan sa aking pag ngiti nu'ng nasa probinsya kami. Tama sila, dapat nga ay lagi lamang akong nakangiti dahil hindi ko rin naman gustong magka-wrinkles sa mukha. Always be happy. 

Naisip ko na baka dahil nababasa ko pa ang mga messages sa akin ni Henry kaya ako nakakaramdam nang ganitong kalungkutan. Kinuha kong muli ang phone ko, dahil sana ito na ang tuldok nang aking nararamdaman para kay Henry. Dapat nga siguro ay i-block ko na siya sa phonebook ko para hindi na niya ako gambalain pa. 


[ Henry's Blocked on your Phonebook ]

Para bang gumaan ang pakiramdam ko matapos kong i-block si Henry sa phonebook ko. Hindi na niya ako magagambala pa dahil naghilom na ang mga sugat na ginawa niya sa aking puso. 

"Ate laro tayo," pag-aaya ni Fino sa akin.


Tumango ako at inilabas ang lahat nang bata, dahil wala si Trisha ay sila William, Elliam at Andrew ang siyang tumulong sa akin para i-assist ang mga bata sa paglalaro, dahil silang tatlo ang magkaka-edad at ang matatandang kuya nila sa house nila dito sa ampunan. 

Humilera na kaming mga manlalaro, patentero ang napili naming laruin. Kumuha si Elliam nang chalk mula sa loob ng house at ibinigay niya ito sa akin para gumuhit nang mga linya na babantayan nang mga taya. Naalala ko nu'ng bata ako dahil ito ang isa sa mga naging paborito kong laruin.

Kakampi ko sila Andrew, Fino, Jacob, Kino at Louise; mga bata sa ampunan.

Sila Elliam at William naman at iba pa nilang ka -groupo ang taya. 

"Patotot!" sambit ko. Ito ang mga sinasabi namin sa tuwing hahawak namin ang kamay ng isang bantay na nasa unahan para makapasok. Si Elliam ang bantay sa unahan at nang makapasok na kami ay kaagad naman kaming na-corner nang nasa likod at ni Elliam. Ngunit gumawa ako nang paraan upang hindi nila kami mataya. Ipinain ko si Andrew at nang matuon ang atensyon ng mga bantay kay Andrew ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makapasok sa ikalawang linya. 

"Yes!" sambit ko nang mag tagumpay. 

"Bantayan n'yo si ate Jaira." Sabi ni Elliam dahil nasa pang-apat na linya na ako. Iniwan namin ni Andrew ang iba na sama-sama at hindi nila hinahayaan na maabot ng kalaban kahit na corner na sila at wala ng pag-asa para makalabas. 

"Ate," tumingin sa akin si Andrew at para bang nababasa namin ang isipan ng isa't isa dahil sa pag-kakataong ito ay nalagpasan ko ang bantay sa pang-apat na linya. Nasa huling linya na ako kung saan nakabantay sa akin William. 

Ibinuka niya ang kaniyang mga braso at para bang handa akong tayain ano mang oras. 

"Yari ka sa akin ate," nakangiting sabi niya sa akin.  

Gumitna ako at hindi hinayaan na maabot nang mga kamay niya. Tumingin ako kay Andrew at mukhang na corner na siya. Ako na lang ang pag-asa nang aming grupo, kaagad akong gumawa nang paraan. 

The Boy who loves the UniverseWhere stories live. Discover now