Chapter XX: Unhappy Bubbles

3 2 0
                                    


Jaira's POV

Lumipas ang isang napakalakas na bagyo, ngunit maraming iniwang pinsala sa ibang karatig ng bansa. Muling nasisilayan ang araw na siyang nagbibigay pag-asa sa lahaat. 

Nanumbalik na rin ang pasukan kung saan ay maaga akong nagising dahil pakiramdam ko ay first day of school kahit hindi naman na. Mahaba-haba rin kasi ang naging bakasyon namin at dinagdagan pa ng pagkansela ng mga pasok dahil sa masungit na panahon. 

"Hay...panibagong araw..." sambit ko habang isinusuot ko ang uniform ko. Tumingin ako sa calendar na nakapako sa wall. 

"Malapit na pala mag november..." sambit ko at isinintas ang tali ng sapatos ko. 

"Ma! aalis na po ako sabi ko sa mom ko na naghuhugas ng plato. 

"Sige, anak. Mag-iingat ka..." sagot ni mama. Lumapit ako sa aking ina upang bigyan siya ng halik sa noo. 

Nang makalabas ako ay kaagad akong sinalubong ni Liam habang naka-suot pa ito ng pantulog. 

"Good morning Jaira..." sambit niya at nakangiti. 

"Good morning..." sagot ko sa kanya. 

Talagang lumabas siya para lang batiin ako. Nilisan ko na ang apartment ko at nagmamadaling makasakay ng van papasok sa school. 


* * *

Nakapangalumbaba ako habang nakaharap sa bintana at nakatingin sa kawalan. Na-i-imagine ko kasi ang bawat pagngiti ni Liam. Napapangiti pa ako dahil ang sarap niyang alalahanin.

"Hoy, Jaira!" bigla akong napabalik sa aking sarili nang marinig ko ang boses ni Aya. 

Lumingon ako sa likuran ko kung saan siya naka-upo. "May nakita akong lalaking naka-marine uniform sa baba kanina." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula kay Aya. Hinala ko na si Henry ang marine na sinasabi niya. 

"Nandoon siya sa gate ng university, may hawak nga siyang banner, e. At guess what kung ano ang nakalagay sa banner?" napapatayo pa si Aya habang inilalahad ang nasaksihan niya kay Henry. 

"Sorry Jaira, mahal ko! Hahaha...ang sweet 'di ba?" nagtinginan ang mga classmate ko sa akin. Napatayo ako sa kina-uupuan. Hindi maaring gumawa ng issue si Henry sa university! at kalat na kalat na ito sa classroom namin kung saan ang iba'y pinag-uusapan na ako. 

"Tsk! Ang lalaking 'yun!" matiim na sabi ko at tumakbo palabas ng classroom. 

"Jaira! si Henry nasa baba!" pasigaw na sabi ni Trisha habang tumatakbo palapit sa akin.

Sa pagkakataong ito ay mas binilisan ko ang pagtakbo at sumunod naman sa akin si Trisha. Mas bumilis ang tibok ng puso ko at hinahabol ang hininga ko pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nang makakababa na ako ay kaagad akong tumungo sa gate ng university kung saan nakita ko ang kumpulan ng mga estudyante hawak ang kanilang mga kamera. 

Nakita kong nakatayo sa gitna sa Henry, bitbit ang isang kartolina kung saan nakasulat ang pangalan ko at humihingi ng tawad. Nasa gate lang siya dahil hindi siya pinapayagan ng mga guard na makapasok lalo na't hindi siya estudyante ng school namin. 

Ang mga iba ay kumukuha pa ng litrato sa kanya at ang iba'y nagagawa pa siyang video-han at tiyak na kakalat ito sa social media. 

The Boy who loves the UniverseWhere stories live. Discover now