Chapter XIX: An open letter from Ejay

6 2 0
                                    


Gumising ako ng maaga at napansin kong tila tumila na ang malakas na ulan. Bumaba ako at lumabas ng apartment kung saan nakita ko si Kyla na naglalakad papunta sa akin. Hawak niya ang isang papel. Napansin ko rin na hindi na niya kasama si Ejay.

"Jaira..." sambit ni Kyla sa akin. Ngumiti ako sa kanya at binalak na tanungin siya kung nasaan si Ejay ngunit nang i-abot niya sa akin ang isang papel ay nalaman ko na kaagad ang dahilan niya. 

"Umalis na si Ejay..." mahinang sabi ni Kyla.

"S-Sorry Kayla..." sambit ko. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. 

"Kinuwento ni Ejay sa akin ang lahat..." sabi pa niya. "Ibinigay niya sa akin 'yan para iabot ko raw sa 'yo...kaninang umaga lang siya umalis...bumalik na siya ng Cagayan Valley." Wika ni Kayla at tumalikod sa akin. 

"S-Salamat Kayla," sagot ko at binuklat ang papel.

"Sira talaga 'tong pinsan ko...nagkagusto pa sa 'yo...hahaha, sige Jaira, aalis na ako..." sambit ni Kyla at tuluyan nang umalis.

Binuksa ko ang letter na mula sa sulat kamay ni Ejay. 


Dear Jaira,


Hindi ko alam kung paano ba ako mag-uumpisa...Nag-umpisa kasi itong nararamdaman ko sa 'yo, nu'ng magising mo ako sa pagkakatulog sa duyan sa likod bahay namin. Noong araw na iyon hindi lang kasi ako ang nagising mo...pati rin ang natutulog kong puso, medyo corny pero...na love at first sight ako sa 'yo Jaira. Lalo na nu'ng nalaman ko na matutulog kayo sa bahay ni lolo at lola, kaaagad akong naligayahan. Mabait ka kasing tao at maganda pa kaya sino ba namang lalaki ang hindi mahuhulog sa 'yo. Maski si Liam, alam ko gusto ka ni Liam. Hindi lang niya ito masabi sa 'yo dahil nararamdaman ko na may pagka duwag ang lalaking iyon! haha Joke lang. Napapansin ko kasi ang palihim na pagtingin sa 'yo ni Liam. Naalala mo noong hinalikan ka niya, nasaktan ako dahil harap-harapan ko makikitang nahalikan ang taong gusto ko. Nagawwa ko pa ngang tumabi sa 'yo habang natutulog ka, dahil ito lang ang kaya kong gawin, e. Ngunit habang natutulog ka narinig kong nagsalita si Liam at humingi ng tawad sa 'yo. Masakit pero nagbakasakali ako na kapag nagbakasyon ako sa Manila ay magkakaroon ako ng pagkakataon sa 'yo...

Napaka-saya ko sa araw na naglaro tayo ng bowling, doon ko lang nagagawang mayakap ka. Pati sa bahay ampunan ay nag-enjoy ako...

Huwag mo sanang isipin na umalis ako dahil sa sinabi mo...umalis ako dahil para tulungan din ang sarili ko na hindi ka mahalin dahil 'yun din naman ang nararamdaman mo para sa akin, e... Gusto ko pa sanang magtagal pero mas pipiliin kong manatili na lamang dito.

At sa pag balik n'yo ulit dito, mamahalin pa rin kita...bilang isang kaibigan na lang. 

Maraming salamat at naramdaman ko iyon  mula sa 'yo.

Pakisabi rin kay Liam na ingatan ka niya! Huwag ka niyang hahayaan na masaktan at lumuha dahil alam kong mahal na mahal ka ni Liam. 

Sige Jaira, sorry kung 'di ko na nagawa pang magpaalam sa 'yo...Paalam...

Sa susunod uli nating pagkikita. Bakasyon ulit kayo dito, a! Hihintayin ko kayo!


Love, Ejay.



Napaluha ako ng mabasa ang liham sa akin ni Ejay. 

"Tsk! ang lalaking 'yun! Oo, Ejay...babalik kami d'yan at marami pa tayong pupuntahan na magagandang lugar sa lugar n'yo..." sambit ko.

Dalawang kamay ang bigla nagtakip ng mga mata ko mula sa likuran. 

"Huwag ka na umiyak..." sambit niya. 

"Salamat Liam..." sagot ko at pinunasan ang mga luha ko. 

Humarap ako kay Liam at napangiti nang makita ko siyang nakapikit. Lumapit ako at niyakap siya. 

"Liam..." sambit ko at ppatuloy pa rin kaming magkayakap. 

Bigla ko tuloy na miss si Ejay, masarap din siya kasama. Hihintayin ko rin ang pagkakataon na makabalik ulit kami doon. 

"Tara pumasok na tayo sa loob..." sambit ni Liam. Hinawakan niya ang kamay ko at nakipag-holding hands sa kanya. 

Napapangiti ako at tinititigan ang lalaking laging nagpapaluha sa akin...

The Boy who loves the UniverseWhere stories live. Discover now