20 - Ang Creamer ng Buhay ko

Start from the beginning
                                    

“Sorry NANAY Pauline ‘ 3’ “ tapos tiningnan niya ako ng masama “ARAAAY!”

“Dapat kurutin ka talaga sa singit! Nanay Pauline? Pinanindigan ko lang noh!”

“Di ba pwede braso muna bago sa singi---- ARAY!”

“Reklamo ka pa? Sabi mo sa braso muna diba?”

“Masakit eeeeh! Ba’t mo ko kinurot? TT3TT “

“Dinidisiplina ko lang anak ko, masama?”

“Hindi ikaw nanay ko noh! Si Liz ang nanay ko ngayon!”

“Call me ‘mom’ not ‘nanay’” singit ni Lizzy pero sinamaan lang siya ng tingin ni Pau “Fine, iyong-iyo na si Rio!” tapos balik kalkal sa kanyang laptop.

“Ikaw naman Rio, next month na ang pageant. Kapag hindi ikaw ang representative natin… ibang kurot ang matitikman mo. Umattend ka ng meeting mamayang 5pm.” makakatanggi pa ba ako? Masamang galitin ang isang Pauline Danica Uy, baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Naku, grabe talaga threatening powers nitong babaeng ‘to.

****

“Hi! I’m Van. Van Jacobs Asturiano” yan ang bumungad sa akin pagpasok na pagpasok ko sa room.

“Rio Jane Vergara” sabay shake hands. Shemay lungs! Ang gwapo pala talaga niya sa personal! Pero mas gwapo pa rin ang Cedric ko. Dapat loyal ako kay Cedric…na loyal kay Karen? -__-

“Ree, buti naman at naka-attend ka na talaga ng meeting” Yes. For the first time this semester, umattend ako ng org meeting. Kami pa nga lang ang nandito sa room.

“Ree?” tanong ko sa kanya tapos ngumit lang siya sabay sabi “Yeah, short for Rio. Okay lang ba kung tawagin kitang Ree?”

“Sure” sagot ko. Wala namang masama sa ‘Ree’ at isa pa, gusto ko yung ‘Ree’. Cute naman eh. Umupo na lang ako sa dulo. Ang layo-layo nga namin eh, magkabilaan lang ang drama. Alangan namang umupo ako sa tabi niya? Ang daming bakanteng upuan tapos isisiksik ko sarili ko dun? Nah, not me.

Nagsidatingan ang ibang orgmates namin at ang iba na ngayon ko lang nakita. Buti na lang at si Pauline ang president at nakakalusot ako sa pagbayad ng fine for every meeting na absent ako. Hello? 50 pesos kaya ang multa, ibibili ko na lang yun ng milkshake.

Kaya ito ako ngayon, nagbabasa ng wattpad through phone habang hinihintay na magsimula ang meeting. Wala pa kasi si Ms. President. For sure, malelate yun dahil kay Liz.

“Hey there” biglang siyang umupo sa tabi ko na ikinagulat ko nung makita ko kung sino.

“Anong ginagawa mo dito?”

“You could have said ‘hi’ to me first before asking me that question” Nawindang naman ako. Akalain siya ang unang pumansin sa akin! Okaaay, ano naman ang amazing dun? -__-

“Hi! So, anong ginagawa mo dito?” it may sound rude na para ko siyang pinapaalis. Pero WTH, gulat lang ako noh!

“Attend ng org meeting?” tanong niya na parang sinasabi niyang ‘obvious naman diba?’ Kelan lang? Bakit?

“It was the 25th of June nung nagpasa kami ng application nina Hal and Seth. It was Seth’s idea to join this organization. It’s no secret that he’s head over heels with Pauline. And yes Rio, we are orgmates” sige, siya ng may psychic powers.

“Cedric, thank you na pala ha”

“For what?”

“For putting up with Kian’s embarrassing stunts last night” oh yeah, dahil nga lasing na lasing si Kian kagabi, hindi man lang inisip na ako kasama niya at ako ang magbubuhat sa kanya pauwi. Ewan ko ba bat naglasing yun. Ang dami niyang ginawang kahihiyan kagabi and the worst part of the night… SIYA MISMO ANG NAGBULGAR SA PLANO NIYA.

I'm With Him (ON-GOING)Where stories live. Discover now