Racing is really a battle of fastest cars, also a clash of intellect and guts at one standpoint. I know I'll fail to keep the battle but the rash brainwork gave me something while I'm in the paddock that made me leave no stone unturned.

Nakayuko ang ulo ko nang marating ang isang tent kung saan ako hinila ng mga kaibigan, nagtatawanan sila at hindi makaahon sa pagkamangha dahil racing na naipanalo ko ngayon.

"Wala raw talaga sa hulog si Villareal ngayon kaya ganoon ang race niya." anang babaeng pumasok din sa tent.

Tumungo ako sa isang folding table at doon nilapag ang helmet. Marahan kong binaba ang zipper ng aking unipormeng suot, tumalikod ako sa mga kaibigan at hinubad iyon sa akin upang maiwan ang mahabang dress na suot ko roon. Inayos ko ang laylayan ng dress, ganoon din ang mahabang manggas nito. Suminghap si Hail na kapapasok lang habang pinapasadahan ako ng tingin, Cairbre followed him with a laughter when he also saw me. Tamad ko silang iniwasan ng tingin at tinali na ang aking buhok.

What's wrong with my brown long-sleeved dress? Tuwing makikita nila ang mga suot kong dress ay pinagtatawanan nila ako.

"My goodness precious, Loraes. When will you get the right fashion taste?" maarteng tanong ni Jackie at namaywang habang nakatingin sa akin.

Nagkibit balikat ako at ngumiti lang. Hail walked towards me and wrapped his arm around my shoulder, napasinghap ako sa gulat nang bahagyang tumaas-baba ang kanyang hagod sa balikat ko kaya naitulak ko siya.

"W-We're not an item." nauutal kong sabi at lumayo na.

Humagalpak sila Hail at Cairbre.

"Kapag inakbyan kailangan may relasyon na?" pamimilosopo ni Hail. "Hindi ba puwedeng inakbayan kita dahil type kita at may balak akong ligawan ka?"

Napatulis ang nguso ko at huminga ng malalim, I looked at him.

"K-Kung ganoon, bakit humahawak ka agad? Kung manliligaw at type mo ang isang babae, kailangan bang hawakan mo agad?" I bounced back.

I can't get it and I'm not used to men's touch. I don't want someone touchy and flirt, sino ba namang magugustuhan iyon? Kanina ay pumayag lang akong magpaakbay kila Girbaud dahil malapit ko naman siyang kaibigan at si Zoren, and it's their way to protect me from the people around who wants to get near me.

Hail's eyes broadened in surprise while lips are curving into a playful smile, siniko siya ni Cairbre at humagalpak sa tawa na tila tawa sa aking sinabi.

"Why so serious, my Raes? Kapag ba hindi kita hinawakan, puwede akong manligaw?" Hail asked in a serious baritone.

Suminghap si Jackie at nagpalit ang tingin sa amin, pumasok si Zoren at Girbaud ng tent. Sumimangot ako kay Hail, hindi na gulat sa pinagsasabi niyang mapagloko.

"Shet, Hail." tawa ni Jackie. "Iba na talaga ang taste mo ngayon."

Nagkatinginan kami ni Girbaud na seryoso ang tingin, mukhang hindi narinig ang usapan namin. Si Zoren naman ay nakatingin din sa akin habang nakatawa at nakikipag high five kay Cairbre at Hail.

"Anong mayroon? Manlilibre ba si Raes?" tawa ni Zoren.

I sighed massively and rolled my eyes lazily. Ngumuso si Hail at tinaas ang kilay sa akin.

"Ano na, Loraes?" he asked playfully.

"Tigilan mo ako, Hail. Wala kang makukuha sa akin." tamad kong sabi.

It's his natural air and confidence, matagal ko na siyang nakakasama pero hindi talaga ako malapit sa iba bukod kay Zoren at Girbaud. Still, Hail and the other people near me who can talk to me like this are treated friends.

Villareal #5: Rayless DaybreakDär berättelser lever. Upptäck nu