Ikalabing Apat na Kabanata

Start from the beginning
                                    

Napahawak ako sa sariling bibig. Ayokong malaman niyang kasalukuyan akong umiiyak.

Gusto kong yakapin si Zeus. Gusto kong ikulong ang sarili ko sa mga bisig niya. Gusto kong pawiin yung sakit na naramdaman niya mula kay Papa at kay Night.

"Buong buhay ko puno ako ng kompiyansa. Lahat ng bagay kaya kong gawin. Lahat ng bagay kaya kong bilhin at kunin. Lahat ng bagay para sa akin ay madali. But when you came, I got insecured. Pakiramdam ko hindi sapat ang meron ako. You're like a star na hindi ko maabot. Sabi ko sa sarili ko, maaabot din kita. Then, bigla na lang isang araw, inamin ko sa sarili ko, yes she's my the one. Inamin ko sa sarili ko kahit mahirap paniwalaan, nagmamahal na ako." He stopped. Ang bilis ng pintig ng puso ko.

He chuckled. Hindi ko inaasahan yun.

"I promise to myself na mahuhulog ka din sa akin. Na magugustuhan mo rin ako. Na mamahalin mo rin ako. Nung araw na hinarana mo ako. Pakiramdam ko 'Yes! Finally, she's falling for me!'. Hindi mo man yun masabi, nararamdaman ko. But..." Natigil siya ulit na tila humuhugot ng lakas. "But when I heard you and your friends talking about your writing career. They said na ginamit mo lang ako. Sobrang sakit pala. Galit ako sayo. I went to bar that night. Gusto kong maglasing. Gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo. I was thinking that night 'Nagkamali lang ba ako ng naisip at naramdaman? Kaya ba hindi ka nagseselos sa tuwing may kasama akong iba dahil hindi mo naman ako gusto? Kaya ba balewala lang sa'yp ang mga balitang nalilink ako sa ibang babae kasi ginamit mo lang ako?' Ang daming 'kaya ba' na gumugulo sa isip ko. Then, a desperate and evil plan came into my mind, naisip ko para masagot ang tanong ko. Pinapunta ko sa bar na yun si Ana Torralba na siyang nalilink sa akin. I kissed her dahil alam kong may paparazzi na sumusunod sa akin."

Pinunasan ko ang mga luha ko but its useless dahil patuloy ang pagdaloy ng mga yun.

"Alam ko makakarating sa'yo ang balita. I was mad. Very mad and desperate para malaman ang tunay mong nararamdaman kaya hindi pa ako nakuntentong halikan si Ana. I brought her to school para makita mong magkasama kami. Akala ko makikita kitang masasaktan. Akala ko babawiin mo ako mula kay Ana. But d*mn it! It pains me na kaya mo pala akong ipamigay. Gusto kong magwala. I realized 'Di kaya mas lalo mo akong iwan sa ginawa ko? Di kaya mas lalo mong marealize na hindi mo na ako kailangan?' Shit, Caleila! I want to kill myself. Okay lang na di mo ako magustuhan. Okay lang na di mo ako mahalin. Okay lang sa akin na gamitin mo ako basta nasa tabi lang kita. Basta akin ka. Kung ang paggamit mo sa akin ang makakapagpanatili sayo sa tabi ko. I am willing to be your helpless prey."

Napatakbo ako palabas ng kwarto. Hindi ko na kayang tikisin si Zeus. Naabutan kong patay ang ilaw kaya dahan-dahan akong lumabas ng bahay at gate.

Naroon pa nga si Zeus na nakatayo sa harapan ng gate namin. Binaba niya ang cellphone na hawak nang makita ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Nang tuluyan akong makalapit, I gently touch his face lalo na ang area ng mukha niyang may pasa. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

"Isa lang ang hinihingi ko mula sayo. Please..." Malamlam ang mga matang tingin niya sa akin. "Please... Fall for me, Caleila. Wala akong pakialam kung gaano katagal akong maghintay bago ka mahulog sa akin. Just... Please love me back." He said bago ako niyakap.

I hugged him, too. Wala na akong lakas para magsalita pa.

"Darn you, you wench!" Nagulat na lamang ako nang mula sa kung saan may sumabunot sa buhok ko.

Kasalukuyan kong kasama ang mga kaibigan ko rito sa canteen nang bigla na lamang sumulpot ang babaeng nalink kay Zeus, si Ana.

Dinig kong sumigaw at nakisali na rin ang mga kaibigan ko samantalang nakangiwi lang ako sa sakit na dulot ng paghila ng babae sa buhok ko.

Is This Love?Where stories live. Discover now