IA: LoM (TROAG) 36

Start from the beginning
                                    

"Kung mahina siya bakit nasa Dragon siya. At isa pa, parte na siya ng Elites. Sabihin mo na lang na naiinggit ka kay Cassia. Wag yung nagsasalita ka ng hindi maganda sa kanya" Inis na sabi ni Irene

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi naman ito first time na sabihan ako ng ganyan. Pero hindi ko talaga mapipigilan ang sarili ko magdamdam, kaya sa huli ay iiyak ako. Hindi ako pinalaki na walang puso. Gusto ko lumaban pero hindi ko magawa. Hindi naman ako pala-away. At hindi rin maganda kung papatulan ko sila

"What's happening here?"

"Prince Grey" Sabay na naibulas nila Camilla, Bianca at Madelyn

Nakayuko pa rin ako at tahimik na umiiyak

"Again, what's happening here?" Malamig na tanong nito

Naramdaman ko na lang ang presensiya niya sa likod ko

"Irene" Madiin nitong banggit

"Inaaway na naman nila si Cassia at pinagsabihan na lumayo sa inyo dahil hindi siya nababagay na maging kaibigan niyo dahil maging pabigat lang siya at mahina. At hindi lang yan. Pinagsabihan nila si Cassia na nilalandi niya sina Prince Vaughn, Prince Hamish, Troy, Jared at pati na kayo Prince Grey" Pagsusumbong ni Irene

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Nagulat na lang ako ng may humila sa akin sa likod. Kaya napasandal ako sa dibdib niya

"Hush now baby, ako na ang bahala ok? Please stop crying" Bulong nito sa tenga ko

Huminto naman ako sa pag-iyak. Kaya napasinok na lang ako

"The three of you. If you do this again. Prepare yourself. And one more thing. Don't ever say that, that she's flirting us because she's not.

And listen everyone!! This girl. She's my future wife and your future queen. If you hurt her, then face my consequence" Grey

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Future wife? Future Queen? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Waaahhhh!!! Magpapa-check up na talaga ako. Baka may sakit na ako sa puso

"Let's go baby" Sabi nito at inalalayan niya ako

Napatingala na lang ako

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya

"Dorm. I'll cook a food for you" Sagot nito sa akin

"Marunong ka magluto?" Gulat kung tanong sa kanya

"Of course, I know how to cook. But it's my first time to cook to anyone baby" Sabi nito sa akin

Tumango naman ako. Sanay na akong tawagin niyang baby

"Let's go" Sabi nito

Nagpaalam naman ako kay Irene, na kinatango lang niya. And with that ay nag-teleport agad kami papunta sa dorm

"Make yourself comfortable baby" Sabi nito sa akin

Tumango naman ako. Iniwan niya ako dito sa sala. Kaya nag-teleport ako papunta sa room ko. Ng nasa loob na ako ng kwarto ko ay nagbihis agad ako. Pagkatapos ay nag-teleport ako papunta sa kitchen, kung nasaan siya

Pagdilat ko ay nakita ko siyang nagluluto. Kaya umupo ako at pinapanuod siya. First time kung makita na nagluluto siya. At nakakagulat yon. Akala ko hindi siya marunong magluto dahil nga isa siyang prinsipe

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan siya

May sasabihin ako sa inyo. Tuwing nasa paligid siya ay kinakabahan ako. Hindi sa takot. Iwan, hindi ko alam kung bakit. Kapag malambing siya sa akin ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may nagkakarera. Kapag hinahaplos at hinalikan niya ako ay parang may paru-paro sa tummy ko

Mga readers, tulungan niyo naman ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng ganito para kay Grey. This is new to me. Kaya wala talaga akong ideya kung ano ito *pout* 😳

"Baby" Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ang boses niya

Pagtingin ko ay nakaupo na siya sa harapan ko. At nakahain na ang mga niluto niya. Ganoon na ba kahaba ang pag-iisip ko na hindi ko namalayan na tapos na pala siya magluto at maghain ng pagkain sa lamesa

"Are you ok baby?" Tanong nito sa akin

"I'm fine Grey" Nakangiti kung sagot sa kanya

Tumango naman siya

"Let's eat" Sabi nito sa akin

Tumango naman ako at nagsimula na nga kami kumain

⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪

Ito na nga nandito kami sa kwarto ko, dito nila gustong mag-ayos para sa party mamaya

"Cassia baby, ako ang mag-aayos sa hair mo, ok" Sabi sa akin ni Sienna

"At ako naman bahala sa make-up mo" Sabi naman sa akin ni Asha

"Wala akong susuotin para mamaya" Sabi ko sa kanila

"Don't worry bunso kami na ang bumili ng susuotin mo para mamaya. Maya-maya, dadating na ang damit na susuotin natin" Sabi ni ate Hailey sa akin

"Nakakahiya naman sa inyo" Naibulas ko na lang

"Asus, parang hindi ka sanay sa amin na ini-spoiled ka" Sabi sa akin ni ate Thalia

Napangiti naman ako. Yeah, ini-spoiled nila ako. Kung anong magustuhan nila na babagay sa akin ay bibilhin nila yon agad para sa akin. Ayaw ko sana tanggapin pero ang kukulit nila. Kaya wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang ang mga binibigay nila sa akin

"Nga pala Cassia baby, nakarating sa amin ang nangyari kanina" Sabi ni Sienna

"Oo nga. Naku~ kapag nakita ko ang tatlong yon. Babalatan ko ng buhay ang mga yon" Inis na sabi ni Asha

"Pero, gosh~ bunso. Kinilig ako ng ipinagkalat ni Grey na future wife ka niya" Kinikilig na sabi ni ate Hailey

Namula naman ako ng maalala ko ang pinagsasabi ni Grey kanina

"Haay naku, mag-simula na tayo mag-ayos" Sabi ni ate Thalia

Kaya nagsimula na nga kami mag-ayos. After 3 hours ay tapos na rin kaming mag-ayos at magsuot ng gown namin

"Let's go guys" Pangyaya ni Asha

Tumango lang kami at nag-lakad na nga kami palabas ng dorm papunta sa venue ng event. Nauna kasi ang mga boys. Iniwan kami

Ng makarating na kami sa venue ay huminto muna kami sa nakasaradong pintuan. Tinignan ko naman yung dalawang bantay na ngayon ay nakatulala sa amin

*ehem*

Natauhan naman yung dalawang bantay at pinagbuksan kami

"Pasensya na kamahalan" Sabay na sabi nung dalawa

Ngitian lang namin sila. Pumasok naman kami. Pagpasok namin ay nasa amin na ang attention ng lahat. Well, late kami ng 5 minutes. Naiilang naman ako sa mga titig nila. Waaahhh!!! Hindi ko alam kung anong ikikilos ko *pout*

"Nandoon sila" Sabi ni Sienna

At naglakad na nga kami patungo sa mga kaibigan namin. Pagkalapit namin ay si Grey agad ang sumalubong sa akin. Napapailing naman sila

"Let's sit baby" Sabi nito sa akin

At pinaghila niya ako ng upuan. Umupo naman ako at umupo naman siya sa tabi ko

"Cassia, anong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Vaughn

"Ahhmm------"

"I will be the one to pick her foods" Sabi ni Grey

"Wag kang mag-aalala, sayo na siya. Wala na kaming laban sayo. Ang possessive mo" Napapailing na sabi ni Vaughn

Nagtatakang tinignan ko naman ang dalawa. Hindi ko sila ma-gets *pout*














💬
Hihihihihihi pabitin muna tayo

Sana nagustuhan niyo ang UD na ito

Please vote, comment and follow me everyone

Thank you

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now