IA: LoM (TROAG) 35

Start from the beginning
                                    

At bigla na lang niya ako niyakap. Sobrang higpit ng yakap niya. Hindi na ako makahinga

"I------c--can't brea---th" Mahinang usal ko

Bumitaw naman siya agad

"Eeehhh!! Sorry" Sabi nito habang naka-pout

"Papatayin mo ata sa yakap si bunso babe" Naiusal ni kuya Cedric

"Cassia" Napalingon naman ako sa gawi ng tumawag sa akin

"Irene" Nakangiti kung bulas

Lumapit naman siya sa akin at niyakap niya ako. Kaya niyakap ko siya pabalik. Na miss ko siya

"Kamusta ka na?" Tanong nito sa akin

"Ok na ako" Nakangiti kung sagot sa kanya

"Pinag-aalala mo ako" Sabi nito sa akin

Napangiti naman ako

"Ang tagal mong gumising Cassia, maganda siguro ang panaginip mo" Napatingin naman ako kay Troy

Nagtataka naman ako sa sinabi niya

"Dalawang linggo kang tulog Cassia baby" Nagulat naman ako sa sinabi ni Sienna

Dalawang linggo?! Ganoon katagal? Akala ko apat na araw lang akong tulog

"Wala ka bang naramdaman na kakaiba sa katawan mo Cassia?" Biglang tanong sa akin ni Jared

Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Ng makasigurado na wala ay umiling agad ako

"Mabuti naman" Naibulas nito

"Gutom ka na ba bunso?" Tanong sa akin ni ate Thalia

"Bumili na si Grey" Sagot ko sa kanya

Nagulat naman sila sa sinagot ko

"Nandito na siya kanina?" Gulat na tanong ni ate Hailey

Tumango naman ako. Maya-maya ay bumukas ang pintuan at pumasok si Grey na may dalang dalawang supot. Naglakad naman siya palapit sa gawi ko. At inilapag niya ang dalawang supot sa side table dito at inisahan niyang nilabas ang laman. Napatingin naman ako sa kanila na ngayon ay nakatingin kay Grey. Yung mga babae naman ay sobrang lapad ng ngiti, sina kuya Caleb at kuya Cedric naman ay napapailing na lang habang sina Hamish, Vaughn, Troy at Jared ay hindi maipinta ang mga mukha nila. May problema ba ang mga to?

"Here, eat" Napalingon naman ako kay Grey na nasa tabi ko na pala at nakalahad ang isang kutsara na may lamang kanin at ulam

"Ako na" Kukunin ko na sana ang kutsara pero inilayo niya ito sa akin

"Let me" Bulas nito

Nahihiyang tumango na lang ako. At sinubo ang nilahad niyang kanin at ulam. Hmmmmm..... Ang sarap

"Ang sweet naman" Rinig kung bulong ni Asha

"Bagay silang dalawa" Bulas naman ni ate Hailey

"Tama" Sang-ayon ni ate Thalia

"I ship them" Turan naman ni Sienna

"Tssss...." Bulas nila Hamish, Vaughn, Troy at Jared

"Tahimik na girls may mga nag-jejelly dito" Pang-aasar ni kuya Caleb

Pero si Grey? Ayon, subo lang ng subo sa akin. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Ng matapos na ako kumain at uminom ay iniligpit na niya ang pinagkainan ko

Ano kaya ang nakain ni Grey? Bakit ganito ang mga kinikilos niya pagdating sa akin? Nakakapanibago tuloy

Pagkatapos niyang magligpit ay bumalik na siya sa pagkakaupo. At nagulat na lang ako ng kunin niya ang kanan kung kamay at pinagsalikop niya ito sa kamay niya

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now