NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumalampak ako sa sofa. Napapikit ako. Wala na...wala na....I need to admit na para makuha ko ang buhay na gusto ko ay kalimutan ang buhay ko noon, kasama ng buo kong pagkatao.

"Wala pa namang nakakakita sayo bukod don sa lalake nating kapit-bahay eh...kaya galingan mo ng pag-arte" sabi niya.

"Do I need to disguise?"

Tumango siya. Suotin mo yung mga iba kong damit tapos yung salamin mo. Tapos yung pananalita mo ayusin mo" sabi niya pa.

"What do you mean?"

"Yan yung mga ganyan! Tigil tigilan mong mag ingles huh, lalo na pag nasa labas ka." sabi niya habang nagtitiklop.

I cupped my face with my both hand. Parang gusto kong maiyak...ito na talaga ang simula ng lahat ng concequence ng decision ko. Ngayon nararamdaman ko na. Ngayon...totoo na. I need to be Reena Salamera, it sounds weird but I have to accept it and deal with it.





Madaling lumipas ang oras at naghahanda na kami para matulog, si Ate Madel ay madaling nakuha ang tulog niya samantalang ako ay hindi pa rin kahit konti man lang, so I decided na pumunta sa sala.

Naaalala ko lang nung nasa Milagros pa ako at nakukuha lahat ng gusto ko. Bakit kasi kailangang maging komplikado ng lahat? Maraming naiinggit sa akin sa Milagros, because I do came from a prominent family. Kilala ang Daddy ko, mayaman, at mabait din naman. Pero ang hindi nila alam, behind those good reputation eh merong isang dark side na halos sumira ng pamilya namin. Our Dad loves his business more than his own daughters.

Nagpunas ako ng luha ko. hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Nalulungkot ako, namimiss ko Mommy ko at nagagalit ako sa Daddy ko. Halo halong emosyon na parang feeling ko ikakabagsak ko. Pabalik na sana ako ng kwarto ng may marinig akong ingay mula sa labas.

Dahil nacucurious ako ay sinilip ko sila mula sa butas sa bintana. Yung lalakeng nakabanggaan ko nung kelan at isang mababang lalake.

"Maganda tong si Lareen Castillo huh...." Sabi nung mababang lalake habang hawak ang isang diyaryo. Nanginig ang tuhod ko. OMG...nasa news paper na ako? Si Dad..hindi siya tumupad sa usapan.

Mukha namang walang pakialam yung lalakeng walang modo. Tuloy lang ito sa paglalakad papuntang pintuan nila.

"Bakit kaya naglayas to no? Mayaman ang pamilya,...tsk tsk ang mayayaman talaga iba yung trip." Sabi pa nung lalake.

Wala akong naririnig mula sa lalakeng walang modo. Nawala lang yung paguusap nung makapasok na sila sa bahay nila.

Napasandal ako sa likod ng pintuan. SHOCKS! Pinahahanap na ako ni Daddy....lalo akong kinakabahan. Patakbo akong bumalik sa kwarto at pinilit na ipikit ang mata ko.


----

Pagkagising ko ay wala na si Ate Madel sa tabi ko. Isang note na lang ang iniwan niya sa akin.

"Lareen, naghanda na ako ng almusal. Pupunta na ako sa aaplyan  kokay ikaw na muna ang bahala dito. Babalik ako bago mag tanghalian. Yong pinagusapan natin kagabi huh? At palagi mong i-check yung lock ng pinto – Ate Madel"

Yon ang sabi sa sulat. Tumayo na ako at pumunta sa kusina para kumain. After kong kainin ang nilutong soup at egg ni Ate Madel ay pumunta na ako sa sala at nanood na lang ng TV. Wala man lang cable? Hay.....

Sa lugar na ito parang wala yatang katahimikan. Lagi na lang maingay. Nakasara ang bintana ng bahay na tinutuluyan namin kaya hanggang sa butas na lang ako nakakakita kung anong nangyayari sa labas. Two storey ang tenement na inuupahan namin. Nasa pangalawang floor kami at pag tumingin ka sa labas ay puro cord ng kuryente lang ang nakikita mo. Inisip ko, pano ako masasanay sa buhay ko kung ikukulong ko lang din naman ang sarili ko?

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon