"Elmo teka lang—" nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito pero lang nito yon hinigpitan.


"Umalis na tayo dito." hinihingal na wika nang lalaki. Lumapit sila sa kotse kung saan ito nakaparada.


Magsasalita pa sana siya nang bigla siya nitong itulak paloob nang kotse nito at nagmamadali rin itong pumasok. Inayos nito ang seatbelt at sinuot nito yon sa kanya.



"Saan tayo pupunta?" kinakabahan na tanong niya. Nakakaramdam siya nang hindi maganda sa gagawin nito.



"Basta!" mabilis na sagot nito.



"Anong basta?! Sabihin mo nga— aaaaahhh!!!" napatili siya nang biglang mabilis na pinaandar nito ang sasakyan halos lumipad na ang kotse sa bilis nang pagkakatakbo nito.


Napatingin siya sa katabi niya na ngayon ay galit itong nakatingin sa dinadaanan nila. Kitang kita niya ang mga ugat nito na sa mga kamay, parang gigil na gigil ito sa hawak nitong manibela.



"Elmo ano ba, huwag mo naman bilisan magmaneho, natatakot ako!!" sigaw niya rito.


Parang nahimasmasan ito nang marinig ang sigaw niya at saka ito lumambot nang tingin sa kanya na para bang nanghihingi ito nang sorry. Binagalan na naman nito ang pagmamaneho, hindi tulad kanina na halos liparin na ang sasakyan nila sa sobrang bilis nang pagkakatakbo nito.


Dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa, walang gustong magsalita sa kanila. Nang bigla niyang mapansin na palabas na sila nang bayan ang tinatahak nila. Doon na naman siya nagsimula kabahan.



"Elmo.." mahinang tawag niya rito.Tumingin naman ito sa kanya.


"Yes?"


"Saan mo ba ako dadalhin? Saan tayo pupunta?" mahinahon na tanong niya rito


Kaagad itong umiwas nang tingin sa kanya nang marinig ang tanong niya. Matagal ito umimik bago siya tuluyang sagutin.



"Can you trust me?" biglang sambit nito.




"Ha? A-anong sabi mo?" nagtatakang tanong niya.



"Can you trust me?" pag uulit pa nito.



Naiintindihan niya ito pero nagtataka siya bakit nito iyon tinatanong sa kanya.



Napatingin siya rito, namalayan na lang niya na nakahinto na ang kotse at nakaharap na ito sa kanya.


"Janella..." may pagmamakaawa sa boses nito. Marahan nitong kinuha ang kamay niya.



"M-mahal mo pa ba ako ha?" may takot sa boses nito habang sinasabi yon.


Napangiti naman siya, kahit na magulo ang sitwasyon nila, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya rito.


"Oo naman, hindi naman nagbabago yun eh." sagot niya.


Kahit na kapatid nga kita. Mahal pa rin kita. Sigaw nang kanyang isipan.

Nakita niya ang biglang pagkislap nang mga mata nito.


"Can you trust me?" pag uulit nito sa kanya.


Nakangiting tumango siya rito bilang pagsagot. Pinaghahalikan naman nito ang kamay niya sa tuwa.



"I promise, hindi kita papabayaan.. Mahal na mahal kita Janella."


Yan ang huling sinabi sa kanya ni Elmo bago nila tinahak muli ang kanilang dadaanan papunta sa kung saan man, hanggang sa nakatulugan na niya ang pagbiyahe at hindi na niya namalayan kung saan talaga siya dadalhin nang lalaki.


Pero alam niyang hindi siya pababayaan nito tulad nang pangako nito sa kanya at malaki ang tiwala niya rito.






——





Ano ang resulta?





Nakaabang silang tatlo sa magiging resulta nang DNA test nila ni Elmo. Nasa opisina sila ngayon ni George kasama si Sylvia na kanina pa tahimik. Hinihintay nila ang pagdating Shaun kung saan ito ang magdadala sa kanila nang resulta.


Napatingin siya kay George na ngayon ay nakatingin na sa asawa nito. Alam niyang masama ang loob nito sa kanya kaya ramdam niya ang malamig na pagtrato nito sa kanya pero naintindihan naman niya ang kaibigan kung bakit ganito ito sa kanya.


Huminga siya nang malalim at saka siya sumandal sa kanyang kinauupuan. Masyadong nakakarindi ang katahimikan sa kanilang tatlo.


Pumikit siya at in-imagine ang magandang mukha nang babaeng minamahal niya si Laura. Paano kaya kung buhay pa ito ngayon? Hindi sana magiging kumplikado ang lahat ngayon, siguro magagalit ito kapag nalaman niyang may anak siya sa iba pero alam niyang lilipas rin agad ang galit nito sa kanya.


Dahil mapagunawa at mapagtawad ito.. Ganoon niya nakilala ang dating nobya kaya lalo siyang nahulog rito.


Napatawad kaya niya ako sa ginawa kong pag iwan sa kanya noon?




"M-manuel.."



Napadilat siya nang marinig ang boses ni Sylvia, hindi maiwasan mapatingin kay George na ngayon ay nakaigting na ang mga panga. Alam niyang nagseselos ito.


Tumikhim siya at saka siya humarap sa babae.



"Bakit Slyvia?" tanong niya rito.



Magsasalita na sana ito nang biglang may kumatok sa pintuan. Kaagad naman tumayo si George at pinagbuksan nito iyon. Pumasok dun si Shaun at may hawak hawak itong papel. Alam niyang malaki ang tiwala ni Elmo sa binatang ito kaya ito ang inatasan nilang kumuha nang resulta at dalhin sa kanila.


"Ito na po ang result nang DNA ni Elmo at ni Sir. Salvador." wika nito nang makalapit sa kanila. Inilapag nito ang papel sa harapan nila at magalang itong tumango sa kanya.


"Hindi naman na kailangan yan eh!" iritang wika ni George. Napakunot ang noo niyang tumingin rito.


"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya habang kinukuha ang papel na nakapatong sa harapan nila.


"G-george please.." pagmamakaawa ni Slyvia rito. Nakita niya ang biglang pagkataranta nito nang makita kinuha na niya ang papel.


"Bakit Slyvia, natatakot ka na ba sa katotohanan?" wika ni George. Pagak pa itong natawa.


Natuon ang pansin niya sa papel na hawak at sinimulan iyon basahin.

Ganun na lang ang panlalamig nang mga kamay niya nang mabasa ang resulta. Nagtaka naman tumingin ang dalawa sa kanya.



"Bakit Manuel, anong nakasulat?" kaagad na inagaw ni Sylvia ang papel na hawak niya at narinig niyang napasinghap ito sa pagkagulat.


"P-paano—" hindi matuloy tuloy ang sasabihin nito nang bigla niyang marinig nagmura nang malakas si George, tulad ni Slyvia ay nakatingin na ito sa papel. Panay ang iling nito habang binabasa ang papel.


Napatingin siya kay Shaun na ngayon ay nakayuko na ito at nakakuyom ang mga kamay nito.


Unang pumasok sa isipan niya ang dalawa.




Paano na matatanggap nang dalawa ito?

















DNA Result — Positive

















——:9

So Into YouWhere stories live. Discover now