Epilogue

2.5K 36 1
                                    




Tiningnan lang namin ang dalawang mag kaIBIGan na dugoang bumagsak sa sahig. Ngumiti ako ng pataimtim at bumugha ng hangin. Tapos na ang lahat. Tapos na ang mga hinanakit dahil wala na ang babaeng sumisira ng buhay ko. Masaya ako, sobrang saya dahil maipagpapatuloy ko na ang tahimik kong buhay. Simula nong dumating tong si Abygayle sa buhay ko ay inagaw na niya lahat. Lahat ng gusto ko ay napupunta sa kanya.

"Kahit kailan talaga tanga tong si Khael." Nakangiting saad ni Jacob. Alam ko, kilala ko si Khael. Tanga siya pagdating sa mga babae dahil yan ang kahinaan niya. Nalala ko pa nung hiniwalayan siya ng kasintahan niya dahil sa sekreto niya ay grabe ang iyak niya. Pinilit niya pa akong ipalabas na kung sino ang queen at jack dahil nailabas na ang sekreto niya.

"Tulad ka lang niya, Jacob. If you know what I mean." Sabat ni Luna. Tiningnan ko si Jacob at parang pikon na pikon na. Natawa nalang ako. Ang mga inosenteng taong di mo inaasahang matulis din pala ang mga dila. Napakainosente nila kung tingnan ngunit isang demonyo ang nakakubli sa mga malaanghel na mukha kagaya na lamang ng Abygayle na to.

"Gusto mo bang sumunod sa kanila?" galit na saad ni Jacob.

"Tumigil na nga kayo. Sige na mauna na kayo sa van. Susunod ako may kukunin lang ako sa kuwarto." Saad ko. Bumuntong hininga sila at naglakad na lamang palayo. Pag-alis nila ay agad akong tumakbo papunta sa back door kung saan andoon ang madilim na gubat at naghihintay si Mama.

Naglakad ako sa loob ng mapusok na gubat. Nakita ko siyang nakapamulsa habang nakatayo sa may puno. Hindi ko alam pero para siyang lalaki dahil sa tayo niya. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. Alam kong masaya si mama dahil sa ginawa ko pero mas masaya ako. Wala ng sagabal sa buhay ko at hindi ko narin makikita ang babaeng kaharap ko ngayon. Ito na ang magiging huling pagkikita namin at ito ang huling utos niya.

"She's dead." Sabi ko. Binigay ko sa kanya ang litrato na nasa cellphone ko. Bago paman ako tumakbo papunta dito ay kinuhanan ko na sila ng litrato.

"Good job, son. I don't have a probem anymore. But wait, matanong kita. Bakit ka pumayag sa gusto ko kahit di kita kinikilalang anak." Tanong niya.

"Simple lang. Bata palang ako binubully na ako ni Marco at Abygayle at tsaka mahal ko si Andree. Lagi nila akong sinasaktan, physically at verbally. That's why I badly want to kill them. Ikaw? Mga anak mo sila kung tutuusin. Bakit gusto mo silang mamatay?"

"Inampon ng asawa ko si Andree dahil baog siya at imposibleng magkaanak. Akala ko ganon lang ang gusto niya. Nalaman ko kailan lang na gusto niyang ipamana kay Andree ang lahat ng kayamanan niya. Paano ako? Kasal kami. Kaya di ako papayag na wala akong mapala. Si Abygayle naman, anak ko siya sa labas. Anak ko siya sa piloting nakilala ko noon. Ayokong malaman ng lahat na may anak ako sa labas kaya natakot akong malaman ng asawa ko dahil lalo akong mawawalan ng mana." Pag –aamin niya. Napahimas nalang ako sa baba ko at ngumiti. Masaya ako dahil hindi rin kita kinilala. Napakawalang puso mo rin palang tao.

"Kaya pala di mo din ako kinilala, pero okay lang ayoko din naman sayo kasi makasarili ka."sabi ko. Binigyan niya lang ako ng malaking ngiti.

"Good! Wala din akong balak na kilalanin ka. Teka nga, anong gagawin mo sa mga taong kinatulong mo. Yung sina Luna at Jacob? Diba sabi mo namatay na rin si Khael? So patay na ito?"

"Yep he's dead. Ako na ang bahala sa kanila. So ito na ba ang huli nating pag-uusap?" inabot ko ang kamay ko para tumanggap ng shake hands.

"Oo. Kalimutan na nating ang lahat." Inabot niya rin ang kamay niya sa akin at nakipag shake hands. Ngumiti siya ng mapait.

"Masaya akong nakatrabaho ka." Binawi ko ang kamay ko tsaka tumalikod na at naglakad palayo.

(KRING KRING KRING)

"Nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay ni Jacob ah." Pagrereklamo ni Luna. Kahit kailan ang babaeng ito ay ang daling mainip.

"Ingat sa byahe niyo at salamat sa tulong niyo." Binaba ko na ang tinawag at nagbilang.

5

4

3

2

1

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko mula sa harap ng bahay. – Tapos na ang laro ko. – Tapos na ang larong sinimulan ko. – Akala nila si Andree ang nagpauso sa game of cards, pero ako ang may dahilan ng lahat.

Ako ang nagbigay ng game book kay Andree, at ako din ang pasimuno ng lahat ng ito. Kaya inakala ng lahat na si Andree ang may gawa nito at si Abygayle ang dahilan kasi siya ang nanguna sa larong ito. Masyado lang pakialamero ang lahat ng dormers kaya nadamay sila.

Ako si Ace Cobalt Velez, anak ako ni Cong. Florence Velez at dito nagtatapos ang laro na tinatawag kong

Game of Cards

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now