Chapter 22

2.3K 42 3
                                    




Lumabas ako ng dormitoryo kasi wala si Khael sa kuwarto niya. Nakita ko siyang nakaupo malapit sa gate.

"Khael!" tawag ko.

"Yes? Dahan dahan lang Aby baka madapa ka. Bakit ka ba kasi tumatakbo?"

"Nawawala si Marco."

"Huh? Akala ko ba aalis kayo? Paanong nawawala? Wala ba sa kwarto niya? Baka andoon lang yun."

"Nalaman ng TRINITY ang plano namin kaya papatayin na nila si Marco. Khael kailangan ko ng tulong mo. Hindi na ako aalis kaya tulongan mo akong iligtas si Marco." Pagmamakaawa ko.

"Handa akong tumulong Aby sa abot ng makakaya ko."

"Salamat....... Handa na akong harapin sila."

_____________

Nakapagdesisyon na ako. Tatapusin ko na ang aking nasimulan. Kinuha ko ang litrato ni Andree sa wallet ko.

"Hahanapin ko na sila mahal ko. Ako na mismo ang gaganti para sayo." Bulong ko sa hangin. "Hangga't nasa tabi ko si Khael, walang pwedeng makagalaw sakin." Nakangiti kong saad sa litrato. "Humanda kayo TRINITY. Hahanapin ko kayo at ako mismo ang kukuha ng buhay niyo. Pagbabayaran niyo ang lahat ng masasamang ginawa niyo!"

_______________

King's POV

PAST

"Boy maaga kang umuwi ha at madami tayong customer ngayon." Paalala niya sakin.

"Tay hindi pa ba tayo titigil?"

"Putcha! Bakit may alam ka bang ibang pagkakakitaan natin ha? – Wala naman diba kundi magbenta ng laman at droga."

"Tay titigil nalang ako sa pag aaral para magtrabaho. Ayoko na talaga ng ganito, please tay." Pagmamakaawa ko.

"Alam mo mas maganda yang naisip mo. Bakit di ka nalang huminto para naman mas mapagtuunan mo ng pansin ang ginagawa natin. Total wala ka rin namang patutungan sa pag-aaral mo. Mas mabuting tumigil ka nalang."

"Tay naman eh!" pagdadabog ko.

"Bilisan mo nandito na si Valeria."

"Valeria? Yung baklang costumer mo?" galit kong tanong.

"oo! Kaya umuwi ka na kung ayaw mong saktan kita!"

"Opo!"

Di ako umuwi agad at dumiretso nalang sa bahay ni Cobalt. Ayaw ko pa kasing umuwi kasi ayokong makita si tatay. Hindi ko naman kasalanan kung ganoon si tatay. Nang makarating na ako kina Cobalt, nakita ko siyang nakaupo sa terrace nila.

"Dre!" pagtawag ko sa kanya.

"Oh dre? Ngayon ka lang nagparamdam uli mukhang malungkot ka pa. Anong problema?" tanong neto. Binuksan niya ang gate at pinapasok ako.

"Pagsinabi ko ba sayo hindi mo ko pandidirihan? Tatanggapin mo parin ba ako?"

"Anong drama yan dre? Iiyak ka na ba nyan? " natatawa niyang sabi. "Bakla ka din ba?"

"Baliw ka dre. Hindi ganun. Patapusin mo muna ako pwede?"

"Joke lang dre. Mukhang seryoso ka nga. Ano ba yang problema mo ha? -- Alam mo naman siguro na kahit ano pa yan, hindi kita pandidirihan at lalayuan. Ako nga kahit bakla tinanggap mo eh."

"Ano kasi. Hindi naman ligid sa kaalaman mo ang buhay naming ni tatay diba kahit pati ginagawa namin?" tumango siya at tumingin sakin. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita ulit.

"Nong isang gabi pumunta sa bahay naming ang bakla niyang costumer. Tulad rin ng dati gumamit sila ng drugs at nagsex. Akala ko hanggang doon nalang pero nagising ako dahil sa malakas na boses. Binababoy na nila ako, kasama si tatay. Nanglaban ako pero malakas si tatay – hanggang sa nakaraos na sila."

Natahimik siya dahil sa ikwenento ko. Bigla lamang siyang nagsalita matapos ang ilang minuto naming katahimikan.

"T-tatay mo?! Anong klaseng tatay siya?! Ginagahasa niya ang sarili niyang anak?!" galit netong sabi.

"Natatakot na ako dre. Gusto ko nang umalis dito. Kung may pera lang ako – aalis na ako dito. – Kagabi ...... ginahasa na naman niya ako." Nahihiya kong sabi.

"Gusto mo na ba talagang umalis don? I can help you. " Malaki ang ngiti niya.

"Talaga? Pero pano?"

"Sumama ka sakin sa dorm ko sa Cagayan de oro, libre lahat. If you want lang naman, libre na ni mommy. May kapalit nga lang. Dapat mag-aral ka ng mabuti at kung makatapos kana ay siya naman ang babayaran mo. Ano okay ba yan? "

"Talaga? Hindi ba nakakahiya sa mama mo?" tanong ko.

"Gagawin ka niyang scholar since matalino ka naman eh. Ano gusto mo ba? Marami ng nagawang scholar si mommy kaya wag kang mag-alala"

"Sige! Sige! Wala na akong karapatang tanggihan yan." Masigla kong sabi.

"Sige, bukas pumunta ka dito. Magdala ka lang ng mga gamit mo at dito ka nalang muna tumuloy ng pansamantala."

"Dre salamat talaga." Niyakap ko siya dahil sa sobrang saya ko.

"Wala yun dre. Kaibigan kita no."

Kinaumagahan bumalik ako sa bahay nila Cobalt at dala ko na ang mga gamit ko. Sabay kaming bumyahe papunta sa dorm nila. – Ilang oras din ang lumipas bago kami nakarating dito. –Napakatahimik at luma na ang dorm kung makikita. Sumunod ako sa kanya kasi hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa lugar na to.

"Khael dito pala ang kuwarto mo sabi ni ate Maya." Tinuro niya ang kuwarto ko at tumango lang ako. Matapos kong mag-ayos dito sa kuwarto ay pumunta ako sa kuwarto niya.

"Medyo weird ata ang dorm na to? Kailangan talaga na sobrang hina ng boses kung mag-usap?" tanong ko.

"Oo nga eh, ewan ko sa may-ari neto. Bawal daw kasing lakasan ang boses dahil baka maingayan ang ibang dormers at madami tayong kapit bahay I mean magkalapit na kuwarto." Pagpapaliwang neto.

"Hahaha oo nga eh pero okay na dito kaysa doon sa tatay ko. Salamat talaga dre ha. Utang na loob ko na sa iyo to lahat."

"Walang anuman yon. Sige bumalik ka na sa kuwarto mo at matulog na." sabi niya habang nakangiti.

"Salamat talaga dre."

____________________

"Dre anong klaseng laro ang pinauso ni Andree? – Labasan ng sekreto?" nag-aalala kong tanong. Pano ba yan eh mabubunyag ang sekreto ko. – Hindi ko kaya yun.

"Oo nga eh! Ewan ko ba sa gagong yun!"

"Natatakot ako dre. Baka malaman nila ang sekreto ko, mahirap na. Baka lumabas ang ginawa sakin ni tatay."

"Bakit ka natatakot, ginusto mo ba yun? Hindi naman diba? Don't worry hahanapin ko ang Queen at ang Jack."

"I-ikaw ba ang Ace?"

"Yes! Pero wag kang maingay ha?"

"Sige. Pero dre nailabas na ang sekreto ng doz. Ako na ang susunod anong gagawin ko?" natatakot na ako. Baka mabunyag ang sekreto ko.

"May hula na akong Queen at Jack kailangan ko lang masiguro."

"Dre baka malaman nila ang sekreto ko."

"Walang nakakakilala sayo dito kaya wag kang matakot, hindi lalabas ang sekreto mo. Magtiwala ka lang sakin."

"Sana dre." Pinunasan ko ang ga luha ko kasi nakakabakla na eh.

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now