Chapter 6

3.9K 55 0
                                    




Aby's POV

(Video Call)

"Good evening Aby." Bati ni Marco. Ang mapupungay niyang mata, matangos niyang ilong, ang messy niyang buhok at ang mahabang pilik mata nito ang nagpapagwapo sa nilalang nato. Nakakamiss din minsan ang lalaking ito. Yung mga asaran naming nung high school pa kami hanggang ngayon at ang sweetness at care niya. Namimiss ko talaga lahat.

"Good evening din Marco. Ba't napatawag ka?" tanong ko.

"Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin, namimiss na kasi kita.—nga pala kamusta na dyan sa bago mong dorm? Anything strange? Diba may purpose ang pagpunta mo dyan? Hindi upang mag-aral, hindi ba?" he asked. Yes, he knows everything kasi nga bestfriend ko siya.

"Well, I find it creepy and scary." Sagot ko. Totoo naman talaga ang scary at creepy dahil hindi ko alam kung bakit namatay si Andree tas di ko rin alam kung pano at bakit namatay si Rhea tas pinapatago pa ang pagkamatay ni Rhea tsaka di rin namin alam kung saan inilagay ang bangkay nila. Di ko alam kung sino ang killers kaya napakasakit sa ulo.

"What do you mean?" tanong niya.

"May nakitang patay sa isang room dito. And worse sa taas pa ng room ko ang kwarto niya. Actually, sa second floor siya namatay." Inilapag ko ang aking laptop sa unan at dumapa sa kama.

"Hala ka, Aby." Pananakot niya habang nakangisi.

"Hindi nakakatawa, Marco." Binigyan ko siya ng seryosong mukha at pinaningkitan ng mata dahilan para lalo siyang matawa. Kung andito lang siya edi pinagpapalo ko na siya.

"Joke lang." at nagpeace sign.

"Pwes. Hindi nakakatuwa!" I rolled my eyes.

"Ba't masyado ka atang seryoso ngayon? Meron ka?"

"Wala noh. I just can't help it. I'm scared pero di pa ako pwedeng umalis dito."

"Why would you force yourself then? Pwede ka naman sigurong tumanggi diba? – you only have two choices, Aby. Its either aalis ka o magsta-stay ka. Simple as that."

"Malaki ang utang na loob ko kay tita. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko diba?"

"Yun lang ba talaga?" seryoso ang mukha ni Marco. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipalabas.

"Ano bang sinasabi mo?" nakakunot noo kong tanong.

"Nevermind, sige pahinga ka na. Text mo nalang ako kung okay ka na. goodnight."

"Sorry Marco. Masyado lang akong nadadala sa mga nangyayari ngayon."

Matapos kong sabihin iyon ay in-end call niya na. Arrggh – this is getting worse. Ngayon galit na si Marco sakin. What should I do? Suyuin ko? I mas lalong magagalit yun. Maarte pa naman yung lalaking yun parang babae yon eh.

_______________

Vanessa's POV

Nagdadrive ako patungo sa dorm na tinutuloyan ko. And yes – nagdadrive ako, I have my own car, hello? Ang yaman kaya namin, gift kaya to ng daddy ko nang mag 18 ako at tsaka yung pagpanalo ko sa national team sa archery noon . Well, my dad's a lawyer and my mom's an engineer. Marami rin silang business here and abroad. Hindi naman talaga business mismo namin, mga business partners siguro. Wait, why the hell are we talking about my parents? – Anyways ba't ba ayaw pa akong palipatin ni Mom sa ibang dorm? Sabi lang kasi nila na malapit na daw akong makapagtapos ng college so I need to be patient. Like duh, pwede naman akong lumipat ng dorm kahit malapit na ang end of class. Natatakot narin kasi akong bumalik sa dorm dahil sa nangyari kay Andree.

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now