Chapter 16

2.4K 31 10
                                    




Sara's POV

Hapon na at kakatapos lang ng klase namin kaya naisipan kong pumunta muna sa locker para ilagay itong mga gamit ko. Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang cellphone ko, si Vanessa pala tong tumawag.

"Bitch?" tawag neto.

"Hmmm..?" tamad kong sagot. Wala ako sa mood, grabe akong naapektuhan sa nangyari sa amin ni Jonathan.

"What happened?" she asked.

"Pag sinabi ko ba sayo, hindi mo ako ikakahiya?" sabi ko.

"Ano yon?" tanong niya.

"Wala na kami ni Jonathan." Malungkot kong sabi.

"Why?"

"Sinubukan ko ang pagiging lalaki niya." Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko habang umiiyak.

"Paano?"

"Sinasabi kong buntis ako and he said na ipalaglag daw naming." Bumuntong hininga ako at hinimas ang tiyan ko.

"What?! Sinabi niya yon?! Ang kapal niya ah.!"

"Yun na nga eh."

"Ano?!"

"Buntis talaga ako at siya ang ama."

"What?! Pinagsabihan na kita diba?" galit netong sabi.

"Yes but I love him so much."

"I know, so ano na ang plano mo? Ipapalaglag mo ba ang bata?"

"No! of course not! Hindi pa ako baliw para patayin ang anak ko.!"

"Good! Akala ko susundin mo ang gusto ni Jonathan but don't worry tutulongan kita."

Pinakiramdaman ko ang paligid and I could sense that someone is following me. Andito ako ngayon sa locker room at wala gaanong tao. Tiningnan ko kung may sumusunod ba talaga—sh*t meron nga talaga. Nakahood siya at hindi ko makita ang mukha niya.

"V-van, someone is following me." Bumilis ang tibok ng puso ko kaya dali-dali akong naglakad.

"What?! Nasaan ka ba?!" tanong ni Vanessa.

"Nasa locker room pa ako at pauwi na."

Nang binilisan rin niya ang lakad niya ay tumakbo na ako. Nasa taenga parin ang speaker ng cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinusundan at tsaka may hawak siyang kutsilyo kaya kailangan ko ng tumakbo.

"Sh*t! Run." Sigaw ni Vanessa.

"Tumatakbo na ako pero hinahabol niya ako."

"Sino?"

"I-I don't k-know. Nakasuot siya ng hood."

"Basta tumakbo ka! Pumunta ka sa maraming tao.—saan ka ba dumaan?!"

"Eskenita, yung shortcut." Sabi ko.

"What?! Alam mong mga adik ang tao dyan, tapos diyan ka pa dumaan."

"Natatakot na ako."

Tumakbo ako ng mabilis at tiningnan kung sino ang humahabol sa akin. W-WHAT?! Bakit niya ako hinahabol?! Papatayin niya ba ako a-at ang magiging anak namin?! Shi*t may dala siyang kutsilyo kaya dapat kong bilisan ang takbo ko....

I-it was Jonathan, he's the one who's chasing me and.... He wants to k-kill me!

_______________

Aby's POV

Kakatapos lang ng klase namin kaya maglalakad lang muna ako papunta sa locker room dahil kailangan kong ilagay itong mga libro ko at kukunin ko rin ang bag ko. Buti nga kasi maayos lang ang klase ko at nakacope up naman agad ako sa mga lessons. Habang naglalakad ako ay ng ring ang cellphone.

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now