Chapter 19

2.7K 34 2
                                    




Nagising ako dahil may humawi ng buhok ko. Ang mainit na haplos niya sa mga balat ko ay nakakagawa ng matinding enerhiya na nagpapalakas ng tibok ng puso ko. Minulat ko ang mga mata ko at si Khael ang unang kong nakita. Ano bang nangyari? Di ko na maalala. Ang sakit ng ulo.

"Aby kamusta na ang mga sugat mo? Sorry kung di kita naipagtanggol, inunahan nila ako." Yumuko siya habang sinasabi iyon.

"Khael?? Sino ang may hawak ng phone mo kagabi?" tanong ko.

"Hindi ko alam, nabasa ko nga lang ang conversation niyo nong nagkamalay na ako."

"Ano bang nangyari? Naguguluhan na ako....." Totoong naguguluhan ako. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan sa dorm. Hindi ko alam kung sino ang totoo at ang nagkukunwari.

"Nagpunta ako sa kuwarto mo to check kung sino ang kumakatok pero biglang may humampas sa ulo ko. Paggising ko nasa kuwarto na ako. Hinanap kita pero hindi kita makita hanggang sa pumunta ako sa kuwarto sa dulo at nakita kitang dugoan." Pagpapaliwanag niya.

"Alam ko na kung sino ang gumagawa neto.... Pero Khael bakit ako laging naiiwan na may malay? Bakit ako lagi ang naglalaro ng laro nila?" mangingiyak kong tanong.

Hindi ko talaga alam kung bakit labing tatlo ang kasali sa laro pero ako lang ang naglalaro. Hindi kaya bait lang sila? Naguguluhan na talaga ako, hindi ko na alam kung anong gagawin. Isa isa na kaming namamatay dito. Di rin kami makapagreport kahit sa pulis kasi minamanmanan nila kami.

"Dahil alam nila ang sekreto mo. Alam nila ang gusto mong gawin dito. –Gusto mong hanapin ang gumawa neto kay Andree diba? Kaya unti unti ka nilang nilalapit sa kanila." Pero bakit nila ginagawa ito? Hindi porke't alam nilang hinahanap ko sila, eh ako na ang maglalaro ng laro nila. May dahilan ang lahat. Alam kong may dahilan kung bakit nila ito ginagawa at yan ang aalamin ko.

"Natatakot na ako..... ayoko na pleaseeee!!!!!" umagos na ang mga luha sa mga mata ko.

Ayoko na talaga maglaro kasama sila! Napakarumi nilang maglaro, hindi patas. Kung buhay ang kukunin nila,pwes buhay rin nila ang kukunin ko. Pero ayoko na talaga.... Ayoko pang mamatay at ayokong pumatay!

"At isa pa.... ikaw ang pinaghihinalaan nilang pumapatay..." sabi ni Khael.

"What?!" gulat kong tanong. "Hindi ako ang gumagawa neto..... nakita ko ang gumawa nito......" bakit nila ako pinanghihinalaan kung ako nga tong naghahanap mismo sa mga killers! Bagohan lang ako sa dorm at wala akong alam sa nangyari sa kanila noon.

"Sino?" tanong neto.

"Ang Jack ng TRINITY.............. Si Jonathan."

______________

Lumabas ako ng kuwarto ko para kumuha ng tubig. Umalis na kasi si Khael kanina nang naging maayos na ang pakiramdam ko. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng baso. Biglang lumapit si Vanessa sa akin.

"Ang kapal naman ng mukha mo no? Ikaw ang may gawa nito diba? Nagpapanggap ka pang nasugatan." Nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Pinaghihinalaan ako ng QUEEN? HAHAHA, napakagaling talagang umarte ng isang to. Siya na nga ang queen tas ako pa ang paghihinalaan niya. Ang galing bes, ang galing. Sobrang nakakaproud.

"Wag mong ipasa sakin ang lahat – alam ko ang balak mo." Taas noo kong sabi.

"Nasaan si Jonathan?" tanong niya.

"Bakit mo sakin hinahanap kayo ang magkakampi diba?" hinugasan ko ang baso at binalik sa lalagyan neto tsaka muli siyang hinarap.

"Wag mo kong gaganyanin." Galit netong sabi. Bakit ano ba dapat ang gawin ko sa kanya. Patayin agad o ipapaamin muna at papahirapan.

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now