Chapter 29

2K 40 1
                                    




I really need you Khael. Answer this call please! Tinawagan ko siya dahil siya ang pinakahuling taong makakatulong sakin. – Sinagot niya ang cellphone niya pero hindi parin siya nagsasalita.

"Khael, I badly need your help. Please answer me. We need to save Ryan. PLEASE!" I begged.

"Ini mini mini mo. Sino kaya ang ililigtas mo? Si Ryan ba na kailangan mo o si Khael na nagproprotekta sayo?" tumayo ang balahibo ko dahil sa sinabi neto. Shit! Bakit kailangan pang idamay si Khael! Bakit si Khael pa!!!! Mga walang hiya ang trinity na yan. Mga hayop sila. Nangdadamay ng mga inosenteng tao. Bakit pa nila sinasali sa laro ang mga taong walang alam!

"You have five minutes to play with us." Pahabol netong salita. Pawis na pawis na ang noo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanginginig narin ang mga tuhod ko.

"Nasaan sila?!" tanong ko. Kailangan ko silang mailigtas bago mahuli ang lahat.

"Nasa kuwarto ni Cobalt."

Hindi ko na sinagot ang tawag at dali daling binaba ito. Lumabas ako ng kwarto at kumaripas na ako ng takbo papunta sa kuwarto ni Cobalt. – Shit! Nang makarating ako sa kwarto ni Cobalt ay dali dali kong pinihit ang door knob. Tumulo ang mga luha ko dahil sa nakita ko. B-bakit nila ginawa kina Ryan at Khael ito! Mga wala silang puso! Pareho silang nakabigti at – ayokong may mamatay sa kanilang dalawa. May nakita akong dalawang box sa kama at may pangalan na Ryan at Khael at may letter na nakasulat din.

You need to choose one, Aby. Time is running so hurry up Abygayle. Kung wala kang maliligtas sa kanila, they will both die......... na nakabitay... TIKTOK TIKTOK! Pagnakapili kana ilagay mo sa isa sa kahon ang kamay mo.

Wala nang ibang nakasulat dito at yun lang. A-anong meron sa kahon? Putcha wala akong ideya..... paano kung ikamatay ko ang paglagay ng kamay ko sa isa sa kahon. Nanginginig ang mga tuhod ko at palipat lipat ang tingin ko sa kahon at kina Ryan at Khael. Hindi ko kayang may mamatay sa kanilang dalawa. Hindi pwede yun, ayoko.

(RING RING RING)

"2 minutes Abygayle. Time is ticking. Goodluck."WHATTTT?! Napamura nalang ako dahil dalawang minuto na lang ang meron ako. Sino ba ang pipiliin ko?! si Khael o si Ryan? "Wala ka pa bang napipili." Tanong neto at tumawa ito ng malakas.

"M-meron na." nauutal kong sabi. Sana hindi ako nagkamali ng pagpili. Diyos ko tulongan niyo po ako.

"Gawin mo na!" nilagay ko sa isa sa kahon ang kamay ko. Arayyyyy! Ang sakitttt! Ano ba ito!!!!! Napamura ako dahil sa sakit! Arghhhhhh!

Unti unting bumaon ang matulis na bagay sa kamay ko nang ipasok ko ito sa kahon. Para akong pinuncher sa kamay. Umagos ang dugo pero mas nagulat ako nang masakal si Ryan. Oo, si Khael ang pinili kong iligtas but I killed Ryan! Katulad narin ako ng Trinity. Dahil sa walang tigil na pag-agos ng dugo mula sa kamay ko. unti unti akong nanghina and everything went black.

________________________

"Aby? Are you okay? Please gumising kana." nagising ang diwa ko nang may nagtapik sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nag-aalalang si Khael.

"Khael, are you okay? May masakit ba sa iyo?" nagaalala kong tanong.

"Im okay, Aby. Don't worry. Pasensya na ha, hindi kita nasamahan kagabi. Sana mas naprotektahan pa kita at hindi ka nawalan ng malay." Yumuko ito at hinawakan ang kamay ko na may benda.

"Okay lang Khael. Okay narin naman ako. Hindi na masyadong masakit ang kamay ko. Ikaw ba ang maygawa nito? Salamat ha?"

"Ano ba talaga ang nangyari kagabi? Wala akong matadaan sa nangyari eh. Ang tangi kong naaalala ay may tumakip sa mukha ko at nang nagising na ako, katabi na kita sa kuwarto at dumudugo na yang kamay mo. Kaya dali dali akong bumaba at kinuha ang first aid kit – Ano ba ang sinabi nila sayo? Kilala mo na ba ang trinity? May sinabi ba sila about sa sarili nila? Kung sino talaga sila?"

"No Khael. May nabanggit lang si Ryan sa akin na may tumulong kay Cobalt nung itinapon ito nila Jude sa ilog."

"What?! What did he tell you? May tumulong kay Cobalt? So maaring buhay pa si Cobalt ngayon?" di makapaniwala niyang tanong.

"May tatlo daw na tumulong kay Cobalt at sa tingin ko sila rin ang trinity at sinabi rin ni Ryan na buhay si Cobalt."

"B-buhay talaga s-si Cobalt? " umupo siya sa sahig at tinakpan ang mukha niya.

"Yes. What do you think? Nasa loob ba sila ng dorm o ibang tao sila na nasa labas? Anim nalang tayong natira at base sa kuwento ni Ryan hindi sila Jude ang tumulong doon dahil sila nga ang pumatay." Sabi ko.

"I don't know ,Aby. pero kung sino man ang trinity. I will always protect you and I will never leave you. Sabay tayong aalis sa dorm na to at kakalimutan ang lahat ng nangyari." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at tumulo narin ang luhak ko.

"Salamat Khael. Salamat sa pagproprotekta sakin. Ikaw at ako hanggang sa huli."

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now