Chapter 28

2.2K 42 0
                                    




Vanessa's POV

Lumapit ang isang babae sa akin at binigay itong nakalukot na papel. Binuksan ko ito at nakasulat dito ang unknown number. Tinawagan ko ito para malaman kung anong meron kung bakit sakin binigay ang numero nito.

"Who are you and what do you want?" naningkit ang mga mata ko habang hawak parin ang cellphone ko.

"Gusto mo bang malaman ang sekreto ni Aby? – Alam kong galit ka sa kanya kaya pwede kitang tulongan."

"Who are you?! Bakit mo kilala si Aby?"

"Let's just say na Abygayle is my half-sister. Anak siya sa labas ng dad ko at alam kong galit ka sa ganoong tao." Napangisi ako. Oh come, hindi na ako ang maghahanap nito kung hindi ito na mismo ang lumapit sa akin.

"Pano mo nalaman yan?"

"Dahil sayo HAHAHA. Anak ka sa labas ng papa mo diba? Anak ka ng congressman pero no one knows except me, your mom, your dad and you." Nabigla ako dahil sa sinabi neto.

"Who told you that?!" singhal ko.

"It doesn't matter, Vanessa. Ang mahalaga ay mawala sa landas ko si Aby." I smirked. Well well. Mapapadali pala ang trabaho ko nito.

"Bakit?"tanong ko. Alam kong malaki ang kasalan ni Abygayle samin pero sa kanya hindi ko alam.

"Our father is dying. Mamamatay na siya but he wanted to see Abygayle before he die and I don't want that to happen. Mawawalan ako ng mana kung mangyayari iyon."

" I cant understand you. Why are you telling this to me?" tanong ko.

"Alam ko namang may nangyayaring hindi maganda diyan sa dorm ninyo – pero wala akong pakialam doon. I only want to see Aby die. – Naiintindihan mo naman siguro ako."

"Pero bakit ako? Hindi mo ako kilala." Pagmamatigas ko. Hindi niya alam ang kaya kong gawin.

"Malalaman mo ang ibang sekreto ng dormers kung gagawa ka ng paraan para mamatay siya, you can have your price."

"Bakit ang dami mong alam ha?! Sino ka ba talaga?!" singhal ko. Anong alam mo ha?! Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo ha?

"Ako si Asha.......... Asha Tan."

Binaba niya ang tawag matapos niyang sabihin kung sino siya. – Sabi niya may malalaman ako tungkol kay Aby na pwede kong gamitin. Kahit na nagulat ako dahil sa dami niyang alam tungkol sa dorm ay napaisip ako – I can use Khael............ para mawala si Aby. I can use everyone.

______________________

Aby's POV

"Tungkol saan ang paguusapan natin?" tanong ng taong nakaharap sakin.

Nakaupo siya at nakahead phone habang nagbabasa ng libro. Ang weird niya, nagbabasa siya ng libro habang nakikinig ng music. Paano niya naiintindihan ang mga iyon?

"Sa nangyayari sa dorm." Maikli kong sagot. Alam kong wala akong mapapala sa kanya pero susubukan ko parin.

"Ayokong mangialam." Tumalikod siya at maglalakad na sana pababa pero hinawakan ko ang balikat niya. Kailangan kong malaman ang lahat at hind niya dapat ako tinatalikuran ng ganun ganun na lang.

"Ryan kahit umiwas ka o sumali, wala kang ibang option kundi mamatay. Pero kaya pa din nating lumaban kung papayag kang makipagtulongan sa akin." Humarap siya at nagsmirk. Napaatras ako dahil hindi ko inaakalang gagawin niya yun. Napakainosente niya kung tutuusin.

"Makipagtulongan? Bakit Aby, sino ka ba?" nangilabot ako dahil sa ngiti niya. Inihakbang niya ang kanan niyang paa.

"Ayokong mamatay ng walang alam. Ayokong mawala ang buhay ko dahil trip lang nila kaya please! Nagmamakaawa ako sayo makipagtulongan ka sakin." Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod sa harap niya.

"Fine! Ill do it. Anong gusto mong malaman?" Alam kong napipilitan siya at alam ko na buhay niya ang kapalit sa impormasyon nato kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang sabihin sakin.

"Marami.......... Mula sa umpisa." Bumuntong hininga muna siya bago siya nagsalita.

"Si Cobalt kasama sila Vanessa, Sara, Jude at Jonathan. Sila ang naunang dormers dito. Sumunod nalang kami nil Khael, Jacob at ang iba pa. Tahimik kami kahit na nag aasaran – pero nagiba ang lahat nung dumating si Andree. Naghari-harian siya dito sa dorm at walang makapalag dahil sa angas niya kahit na sila Jude na sisiga siga, walang laban. – He started a game called Game of Cards. Simple lang ang laro, bubunot kami ng baraha at may mga corresponding role yon." Nakikinig lamang ako habang nagsasalita siya.

"I know." Sambit ko.

"Good! Then, the game began. Nong umpisa puro lang kami biruan. Lalo na sa mga sekreto na tinatago namin na pwedeng lumabas. Pero nong lumabas ang sekreto ng isa sa dormer. Natigil ang laro dahil nahuli ng Ace sila Queen at Jack. Di pa dapat matatapos ang laro kasi di pa nahuhulaan ang misteryo sa likod ng card symbol na ginamit ni Andree which is cards of spade. – pero isang gabi, nagulat ang lahat nang magtalo sila Cobalt at Jude. Nagkapikunan sila at di sinasadya masaksak ni Jude si Cobalt. – Dahil sa takot, umisip sila ng paraan para itago ang bangkay ni Cobalt. Sinako nila ito at tinapon sa malapit na ilog, nanatiling sekreto ang lahat. – Yung kuwarto sa dulo na bawal nating pasukan, hindi kay Andree iyon – kundi kay Cobalt. Dahil sa biglaang pagkawala ni Cobalt natakot ang may ari ng dorm na baka namatay na ito at magmulto kaya pinasara niya ito............. Bumalik kami sa dating gawain. Biruan, harutan at chismisan until Andree died. – marami ang natakot at nabigla sa pagkamatay ni Andree and we also saw a card on his head when he died. --------- Ace of Spade, ang barahang hawak ni Cobalt bago siya mamatay." Tumalikod na siya at bumaba na. Wait, hindi pa ako tapos. Bakit yun lang ang sinabi niya eh ang dami ko pang tanong. Di ko nalang siya hinabol at umupo nalang sa sahig. Sumasakit na ang ulo ko dahil hindi pa nagsisink in sa utak ko ang pinagsasabi ni Ryan.

Tinawagan ko ang number ni Ryan dahil parang hindi pa ako kuntento sa mga sinabi niya. Di ko pa alam kung paano nagkaroon ng trinity. Bakit sila pumapatay at ilan sila.

"Ano na namang kailangan mo? Nasabi ko na sayo ang gusto mong malaman." Galit nitong sabi.

"Hindi pa ako kuntento sa sinabi mo." Bumuntong hininga muna siya at nagsalita.

"Simula nong mamatay si Andree doon na pumasok ang kuro kuro na nagmumulto si Cobalt. Pero ako, alam ko ang totoo simula palang. – Buhay si Cobalt. Tatlong dormer ang bumalik sa ilog para iligtas siya at sila din ang trinity. Buhay siya ngunit hindi na namin siya nakita. Ang sabi sabi ay dinala siya sa States ng mga kamag anak niya dahil sa nangyari. Hindi daw nagsampa ng kaso dahil natatakot sila na baka maaaring maulit muli. Baka pagtangkaan ang buhay ni Cobalt." Buhay si Cobalt? Paano? Itinapon na siya sa ilog at imposible naman mabuhay yun matapos saksakin at itapon sa ilog.

"Tapos?" hindi sumagot ang kabilang linya kaya bumilis ang tibok ng puso ko. "Ryan are you still there." Hindi parin sumasagot kaya lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi pwede! Si Ryan na lang ang kaiisahang makakatulong sa akin ngayon. "Ryan?" pagtawag ko ulit.

"A lot of information can kill you young lady." Nanlaki ang mata ko nang hindi na boses ni Ryan ang sumagot neto.

"Sino ka?!" singhal ko

"Si Jack."

"Jack?! You bastard what did you do to Ryan?!" galit kong tanong. Mga wala talaga silang puso!

"Chill.... He's not dead yet. Paglalaruan muna namin siya. Are you ready? -- Maililigtas mo ba ang taong kailangan mo? TIKTOK TIKTOK. – The game begins."

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now