Chapter 4

4.2K 66 3
                                    

Aby's Point of View

I just couldn't believe Rhea, maybe she's just playing pranks on me baka boyfriend lang niya yun. She told me she's already dead. How come she's dead but still used her phone? But a boy is using her phone and maybe its just really her boyfriend. Argghhh! She's unbelievable! But I still have to tell tita 'bout the trinity – I  called tita Nel to inform her everything I knew. – tita's out of reach. I called her again and there she picked it up.

(Phone call)

"Hello Tita? Tita?" I called. "Tita please respond. May information po akong nalaman."

"Sorry Abygayle. I'm still on a meeting with a client. What is it?" paumanhin niya.

"Apat daw ang pumatay kay Andree."

"A-apat?" pagtataka niya.

"Yes! At mga dormers din." Natahimik ang kabilang linya dahil sa sinabi ko. "Tita,  nagsimula daw po ito sa isang laro."

"l-laro?" tanong ni tita, halatang nanginginig siya base sa kanyang boses.

"Yun lang ang sinabi ng nakakakita. Tsaka tumawag ito sa akin na patay na daw siya, yung witness. Pero ang weird nga tita dahil lalaki ang nasa kabilang linya gayung babae naman ang witness. " Oo kalmado lang ang boses ko ngunit nanginginig na ako sa takot dito. Hindi ko dapat ipahalata kay Tita Nel na naduduwag ako, na natatakot ako dahil kailangan ko tong gawin para kay Andree — at para kay tita Nel.

"Sino ang gumawa nito?"

"They called themselves as the TRINITY." Nanginig ako nang binanggit ko ang pangalan ng grupo nila.

"Tita? They are the King, the Queen, and the Jack."

I heard someone screamed outside my room or maybe sa third floor yun galing. Wait, it must be Rhea! Parang boses ni Rhea. No! It can't be her!  Oh my gosh! – dali-dali akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa pangatlong palapag. Sinilip ko lahat ng kuwarto sa kanan pero wala namang tao. Sinilip ko naman sa kaliwa pero wala rin. Kaya pumunta ako sa pangalawang palapag at sinilip lahat ng room pero wala maliban nalang sa kuwarto ni Andree na ipinagbabawal ay hindi ko pa binuksan.

Ang bawat mahinang paghakbang ko ay nasasabayan ng lakas ng kabog ng puso ko. – Nakaharap na ako sa pintuan ng kwarto ni Andree. Nagdadalawang isip nga ako kung bubuksan ko ba o hindi. – Pinihit ko ang door knob – at bumungad sa akin ang dugoang katawan ni – Rhea.

Hindi maari to!

Napaluhod ako sa sahig at mahinang umiyak. So ngayon pa pala nila pinatay si Rhea?!!

Ngayon ko lang namalayan na di ko pa pala na end call ang tawag ni tita kaya inilagay ko sa taenga ko ang cellphone.

"S-she's d-dead, tita." Umayos ako ng upo at pinunasan ang luha ko.

"W-who's dead?" taranta niyang tanong.

"The witness is dead." napahimas ako sa noo ko. – I stood and walk a little closer to the dead body. Nagulat ako sa nakita ko.—t-two of flower na nakatarak sa noo niya.

I rush to my room and immediately close the door then locked it. This can't be. Everything is getting so complicated. Mamamatay rin ba ako gaya ni Andree at R-rhea? Pero di ako kasali sa laro nila. Wala akong alam.

(Phone Call)

"Hello tita?" I called.

"Are you okay? Anong nangyari? Asan ka?—Aby? Hello?"

"I'm in my room na po tita. I'm okay." I sighed.

"Ano bang nangyari ha?"

"The witness is dead at—may nakatarak sa noo niya na – t-two of flower."

"Wait! Diba nakakita ka ng ace of flower kahapon?"

"Yes , I did." I replied.

"I think connected ito sa mga cards." Sabi ni tita. May dumating na sasakyan mula sa labas at lumabas dito si tita Maya. Ang pinakamatalik na kaibigan ni tita Nel, siya ang may ari ng dormitory. I need to talk to her. Kailangan niyang malaman ang nangyayari sa dormitoryo niya. She should be aware of it.

"I think so tita. Andito na po si ate Emily, tita. Later nalang po."

"Okay. Just keep me updated ha."

(Phone Call Ended)

Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa salas. Lumapit si ate Maya sa akin at hinagod ang likod ko. Hinarap ko siya at pinaningkitan ng mata. Bakit niya ba hinahagod ang likod ko? Parang feeling ko alam ni tita Maya lahat ng nangyayari.

"Aby? Kung ano man ang nakita mo ngayon. Please wag mong ipagsasabi. Ayaw ko kasing masira ang reputasyon ng dorm ko. Pwede mo bang ilihim ang lahat?" Napanganga ako sa sinabi niya. So all this time alam niya pero wala siyang pakealam dun? di ako sumagot at tinitigan lang siya. Nahihibang na ba siya? Nagiisip ba siya?! Anong klaseng tao siya! Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita ulit.

"Saan niyo po dadalhin ang bangkay ni Rhea?" malamig kong tanong. Kailangan kong malaman ang lahat sa lalong madaling panahon at habang hindi pa nila alam ang totoong motibo ko.

"Di mo na kailangang malaman." Tumalikod siya at hinarap si tita Maya.

"Bakit kailangan niyo pong ilihim ang lahat. Bakit niyo po ginagawa ito?" hinawakan ko ang balikat niya at iniharap ulit siya sa akin.

"Dahil ayaw kong masira ang pangalan ng dorm ko! Aby, gagawin ko ang lahat para lamang sa pamilya ko at alam kong ganun ka rin! Sana maintindihan mo rin!" Tumalikod ulit siya.

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin?!" tumabi ako sa kanya. Hinawakan ni ate Emily ang kamay ko at hinila patungo sa kuwarto niya. Inilock niya ang pintuan at umupo sa kama.

Hinarap niya ako tsaka siya humugot ng malalim na hininga.

"Aby alam mo ang ibig kong sabihin pero magiingat ka. Wag na wag mong ipapaalam sa kanila ang sekreto mo kung ayaw mong matulad kay Rhea na hindi na nakalabas ng dorm nato." Mahinang sabi ni ate Emily.

"Alam niyo po ang lahat?!" nagulat ako dahil sa mga sinabi niya.

"Oo alam ko ang lahat pero ayokong mangealam  dahil ayokong madamay ang pamilya ko." Nakayuko niyang sabi. Umiiyak na si ate Emily kaya tinakpan niya ang kanyang bibig para di marinig ang hikbi niya.

"Ate please sabihin niyo po sa akin ang lahat."

"I'm sorry Abygayle." Pinunasan niya ang kanyang mga luha at lumabas na ng kuwarto.

Agad kong tinawagan si Tita Nel para iinform ang lahat. Nasa Manila sila Tita Nel at babalik siya ng New York pagnahanap ko na ang pumatay kay Andree. Ilalagay ko sa aking mga kamay ang hustisya ng pagkamatay ni Andree.

(Phone Call)

"Tita? Gusto po ng may-ari na ilihim ang pagkamatay ni Rhea." Panimula ko.

"Sinong Rhea?"

"Yong witness, yon po ang nagsabi sa akin ng lahat."

"Ha?! Bakit nila ililihim?! Mag namatay na nga ganon pa sila umasta?!"

" Ayaw daw po nilang masira ang pangalan ng dorm. – Yon din ang ginawa nila kay Andree. Nakakainis nga eh. Buhay na ang nakasalalay dito pero gusto parin nilang itago.!" Galit kong sagot.

"Calm down Aby. Kapag nagreact ka ng husto, mahahalata at magdududa sila sa iyo. Kailangan mo lang magtiis. Isipin mo ang pinsan mong si Andree."

"Opo tita." Sabi ko at humugot ng malalim na hininga.

"Don't forget to update me, okay? Mag iingat ka palagi Aby."

(End of Phone Call)

Game of cards (completed)Where stories live. Discover now