"Anong gagawin mo sakin? Paparape mo ako? Kanino naman kay Jonathan na naman?" tumahimik na siya pero nanlaki ang mata niya. "Dika makapagsalita no? kasi totoo. Nasaan siya? Saan mo siya pinagtago? Nakita ko siya kagabi at siya ang pumalo sakin – kitang kita ko siya kaya wag ako, Vanessa. Wag ako!." Madiin kong sabi.

_________________

JACK'S POV (TRINITY)

Lumapit sa akin si King at umupo sa upoan. Sa titig palang ay alam ko na kung anong kailangan ng mokong na to. Ngumiti lang ako at tiningnan siya.

"Jack we need to talk." Seryosong sabi ni King.

"What?" bored kong sagot.

"May nanggugulo." Sabi ko na nga ba. Itong topic na to ang sisimulan niya.

"I know." Tamad ko paring sagot.

"Bakit mo padin tinuloy ang laro? Baka magalit si Ace." Pake ko ba kung magalit si Ace sakin?

"Tanga ka ba? Kapag nagpahalata tayo malalaman niyang tayo ang pumapatay. Kaya dapat go with the flow tayo."suhesto ko.

"Kilala mo ba ang gumagawa nito?" tanong niya.

"Oo at kung gusto niya ng laro. Ibibigay ko." sabi ko at tumawa ng mahina. Alam na alam ko kung sino ang gumagawa nito at tsaka anong silbi ko at ni queen kung wala kaming alam na sekreto. Ttssss.

"Iba ka talaga..... ang galing mong magpanggap." Napangiti na lang ako sa malakas niyang palakpak.

"Kailangan yun, nasa laro tayo, King.—Teka! Ano na ang pinagagawa sayo ni Ace? Nagawa mo na ba?" tanong ko.

"Oo naman ako pa ba?" natatawa niyang sabi. May tupak rin talaga ang isang ito.

"Baka naman sa dulo ikaw na naman ang talo. Ang dali mo pa naman magtiwala." Tssss. Tanga kasi tong alien nato. King pa naman sana siya pero ang dali niyang magtiwala.

"Hindi na ako ang dating KING na kilala niyo."natawa nalang ako sa sinabi niya.

Tama naman talaga na ibang iba na siya kaysa noon. Tanga yung king noon eh pero medyo hindi na tanga ang king naming ngayon kasi natuto na siya sa mga pagkakamali niya.

"Buti naman, isipin mo ang mga paghihirap mo.... Ang pang iiwan ng nanay mo sayo.... Ang pang gagahasa sayo ng ama mo..... ang pagbebenta mo ng laman na di mo gusto.... Ang pang iiwan sayo ng babaeng minahal mo nang malaman niya ang sekreto mo .... Lahat yan gamitin mo para pumatay, pare-pareho lang ang mga tao. Papaasahin ka tapos iiwan ka." Sabi ko at muling tumingin sa monitor na kanina ko pa tinitingnan.

"Alam ko Jack." Tumayo siya at pumunta sa lamesa na maraming kutsilyo. Ang mga kutsilyong iyon ay ginagamit namin sa aming mga mission. Mission namin na isa isahin at isunod-sunod kung sino man ang may hawak ng card.

"Kamusta na si Queen?" tanong ko.

"Ayon tahimik." Kinuha niya ang isang kutsilyo at pinaikot-ikot sa kanyang mga daliri. Biglang nag beep akong cellphone ko kaya tiningnan ko ito.

"Magaling. Sige punta na ako sa eskwelahan kasi andoon na daw ang prof namin." Sabi ko at tumayo na. Aalis na ako kasi may klase pa kami.

"Sige Jack magkita nalang tayo sa dorm."

__________________

Atara's POV

Nakaupo lamang si Aby sa sofa at mukhang wala sa sarili. Palagi nalang siyang ganyan kapag nakikita ko siya sa sofa o sa labas ng dorm. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero halatang problemado talaga siya. Lumapit ako sa kanya at binati siya.

"Hi." Bati ko. Nagulat siya nang mapansin niya ako. "Bakit parang gulat ka?" natatawa kong sabi.

"Hindi naman. May iniisip lang kasi ako." Tumingin ulit siya sa malayo.

"I have a plan." Sabi ko.

"What plan?" natataka netong tanong.

"Palabasin natin ang tunay na kulay ni Vanessa."ipinakita ko sa kanya ang malaki kong ngiti.

"Anong ibig mong sabihin? – At bakit mo sakin sinasabi to?"

"Kasi alam kong galit din siya sayo.... Kapag nagsama tayo, mapapalabas natin ang ugali niya.—Malakas ang kutob ko na isa siya sa TRINITY. Na siya ang Queen. Minsan na niyang ginawa to kaya alam kong siya lang ang may kayang gawin ito." Pagkokombinse ko.

Kailangan naming magtulungan dahil galit din sakin si Vanessa at hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang ay galit si Vanessa sa lahat ng bagay gayung nasa kanya na halos lahat.

"Ewan ko Atara, I don't want to trust anyone. Kahit sarili ko di ko na kayang pagkatiwalaan ngayon. – Ang dami ng nangyayari. Marami nang namatay. – Ang gusto ko lang ay umalis sa lugar na to at matapos na ang lahat ng to."sabi niya. Hindi ko siya masisisi dahil ang bigat nang dinadala niya.

"Pagisipan mong maigi, nandito lang ako." Sabi ko.

Di ko na siya pinilit kaya iniwan ko nalang siya sa sofa at bumalik sa kuwarto namin ni Eun. Kailangan namin siya sa grupo namin at kailangan kaming magtulongan para mapalabas ang baho niyang Vanessa na yan. Alam kong siya ang queen dahil ang queen alam ang lahat ng sekreto.

"Ayaw niyang pumayag, paano ba to?" tanong ko kay Eun.

"Pilitin mo.... Kailangan nating magawa ang plano natin..." Pano ko ba siya pipilitin? Hindi naman siguro maganda kung pipilitin ko siya at sabihin kung anong dapat niyang gawin. Hindi ko naman siya pag-aari kaya hihintayin ko nalang siguro kung anong desisyon niya.

"Hindi ko alam Eun. Nga pala kamusta na si Jonathan?" tanong ko.

"Okay naman siya pero ayaw padin magsalita." Ayaw magsalita ni Jonathan....... Para kasing shock pa siya sa ginawa niya. Napatay niya lang naman ang anak at asawa niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Jonathan at ginawa niya iyon.

"Naipaliwanag mo na ba sa kanya ang lahat? Baka naguguluhan pa yan sa nangyayari?"

"Ilang beses ko na siyang kinausap pero ayaw niyang makinig, kahit yung isa kinausap na siya pero wala pa din."

"We need Aby. Kailangan nating makuha ang loob niya dahil kailangan niyang makausap yong isa."

"I'll try to talk to her. Nagkakausap naman kami minsan pero sana mapapayag ko na siya."

"Okay sige. Bantayan mong maigi si Jonathan ... siya ang alas natin."

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon