I plan to call Sara pero naunahan na niya ako. Duh, this girl is unbelievable! I just rolled my eyes.

"Hey bitch! How was your vacation?" yes, you heard it right. She call me a bitch since we used that as an endearment dahil we're bestbitches/bestfriends daw.

"Happy, bitch why? Anyways, kelan ang balik mo sa dorm?" sabi ko.

"Well, this week siguro. Mommy doesn't want me to leave that dorm unless tapos na akong mgacollege, ikaw bitch?"

"Yeah, im on my way. Parang ayoko ngang bumalik sa dorm, natatakot na ako dahil sa nangyari kay Andree."

"Ako din Van, but we need to finish college and saka di naman siguro tayo mumultuhin ni Andree diba?" she said.

"Hala?! Seriously Sara? HAHAHA naniniwala ka sa multo?" natatawa kong tanong. Don't ask me if I believe in ghost because obviously I don't. For me, Ghosts are just products of your imagination. Like duhh, WTH.

"Just kidding HAHA. Seryoso mo eh. And ow! By the way, natext mo na ba si Jude? Kamusta naman ang pagpapanggap nila ni Luna?" natatawa niyang sabi.

"Okay naman daw. Natatawa nga ako eh. Alam mo bang ang effort talaga ni Luna. Last semester nga, gumastos pa siya ng malaki para lamang magawa ang project ni Jude." Natatawa kong sagot. Pathetic Luna. Kung alam lang niya ang lahat.

"Kawawang Luna. Hahaha, akala niya siguro na mahal talaga siya ni Jude." Lalong lumakas ang tawa sa kabilang linya.

"I don't care about them as long as I can use the both of them. Okay na sa akin." Natatawa kong sambit.

"Good to know. Ow wait! Nagtext sa akin si Jonathan. Punta daw muna kaming motel." Excited niyang sabi. Motel? Yuck! Disgusting! Kailangan pa talagang ipaalam sa akin.

"Ewww! Nakakadiri kaya. Yuck!" sabi ko.

"Makadiri ka naman wagas. I gotta go na bitch. Bye."

Di pa nga ako nakasagot eh binabaan na ako ng bitch na yon. Tsss. Oh well, nasa tapat ng dorm narin naman ako. I need to park my car first.

Lumabas na ako ng kotse at pumasok as loob ng dorm. This dorm is not my type obviously pero sabi ni mom kaibigan niya daw ang may ari dito kaya dito nalang daw ako. I prefer condo than this stinky place, EWWWW. Binati ako ng landlady pero di ko pinansin, dire-diretso lang akong pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pintuan. Agad akong humiga sa kama. – tinext ko si Jude para kamustahin siya.

*How was your sembreak with Luna?* - AKO

*Okay lang! Tinatanggap naman ako ng family niya.* -JUDE

*Mukhang masaya ka ah. Mind to share me the reason why?*- AKO

*Bakit ba kasi kailangan mo pang gawin ito kay Luna?* - JUDE

*Bakit nahihirapan ka na ba? Napapamahal ka na ba sa kanya?*-AKO

*Of course not! Nakokonsensya lang ako. Well, she's a nice girl.* - JUDE

Aba! Marunong pang makonsensya ang mokong nato. I can't believe him. Kelan pa nagkaroon ng word na konsensya sa dictionary nya?

*Nakokonsensya? Aba Jude, wala pa yon sa ginawa mo noon. Baka nakakalimutan mo na nakapatay ka. Kaya wag na wag mo akong aartehan na nakokonsensya ka na. As if naman, mahirap yung ginagawa mo.*-AKO

*Pabalik na kami ng dorm bukas*-JUDE

Di na ako nagreply at humiga na, gusto ko kasi munang magpahinga. Ilang oras din kasi ang binyahe ko. – hawak hawak ko ang cellphone ko at nagdadalawang-isip na tawagan si Luna. I don't like her but since Im very kind so Im calling her. Happy ,bitch?

Whatever. I'll call her then, para hindi niya mahalata ang pangagago ko sa kanya. Nakakatawa lang kasi, hulog na hulog na siya sa patibong ko! HAHAH kung alam niya lang.

"Bestie?" I called.

"Hi Bestie." Masigla niyang bati.

"Kamusta ang bakasyon?"

"Super close na kila mama si Jude, Bestie."

"Ah okay! Buti di sila nagalit nang malaman na basagulero si Jude."

"Yun nga. Hindi namin sinabi kina mama." Malungkot na boses niyang sabi.

"Aw!—Bakit?—Masama kayang magsinungaling."

"Eh alam mo naman siguro na ayaw nila mama sa basag ulo kaya di ko na sinabi. Mahal na mahal ko si Jude kaya pag nalaman nila ang totoo, alam kung paghihiwalayan nila kami ni Jude."

"Nga pala, andito na ako sa dorm. Maybe I should wait for you then?"

"Ganon ba? Sige, ay nagtext sakin ang landlady na may bagong dormer daw." New dormer huhhh? Hmmmmm. Hindi ko pa siya nakikita simula nung pumasok ako. Kasi nga di ko alam duhhhhh. I don't care.

"Hmmm. Babae o lalaki?" tanong ko. I'll be interested kung gwapo yan. Magagamit ko yan.

"Hindi niya sinabi. Ang sabi niya lang ay may bago daw."

"Oh okay! I need to rest na bestie. I'm super tired 'cause of the long trip. Bye bestieee."

I ended the call without hearing her response. Duh sino ba siya para pag - aksayahan ko ng oras? Well, should I say that she's only my toy? Nothing more and nothing less. Hahaha! Poor Luna.

I gotta go take a long beauty rest. I'm really tired.

Game of cards (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt