IKA LABING LIMANG PAHINA

104 6 5
                                    

Chapter 15:  I AM JEALOUS

Last week's event made me falter. Though, hindi ko na nabisita pa ulit si Rosé magmula noong araw na iyon, dahil nga naging busy din ako sa paaralan.

Tinanggal ko ang salamin na suot sa mata at bahagyang pinisil ang bridge nang ilong ko. Tinatanguan ko na lang ang mga estudyante ko na nagpapaalam sa akin dahil tapos na ang klase. Another week ended at napagdesisyunan ko nga na mamayang gabi ay doon ako magdidinner kela Rosé. I already texted Tita earlier at ganoon na lang ang galak niya. She immediately replied and said "Yes ofcourse Ijo! ". I chuckled. Tita is so cute.

I won't back down Rosé. Gusto mo pa ako o sa hindi, magiging akin ka. Though, I prefer kung gusto mo pa ako.

Buo na ang desisyon ko. This feelings, it is already here even before. Marami lang ang nangyari kung kaya't muntik na kaming maantala ni Rosé at nakakainis pa dahil medyo nagbago na siya ngayon but, it isn't too late right? It's still not. She's here now. Very close. At kung hindi ko pa iga grab ang chance na ito, ang tanga tanga ko na noon.

Napatingin ako sa relos ko pagkatapos kong ayusin ang mga gamit sa mesa ko sa faculty room. It is already quarter to six in the evening at mabuti na lang natapos ko na agad ang tinatype ko kaninang next lesson ko para next week sa klase. Nakasalubong ko pa nga bago lumabas sa pinto ang ever sungit na school director namin na si Ma'am Veronica Salvador kasama ang anak niya na nasa highschool pa lang, si Jennie Salvador. Buti na lang mukang mabait iyong si Jennie at tahimik di gaya nang Nanay niya. Talino lang siguro ang nakuha ni Jennie sa kaniya.

Alasais kinse na nang makarating ako sa bahay nila Rosé at sinalubong agad ako nang yakap ni Tita. Si Tito naman ay nginitian lang ako at tinapik sa balikat.

"Naku mamaya maya pa matatapos ang niluluto ko ijo medyo napaaga ka. Maupo ka muna dali." ani ni tita at hinila ako sa sala.

Iniikot ko ang paningin at nagtaka dahil wala akong nakita ni anino ni Rosé.

"Si Rosé po tita? " tanong ko.

Nakita kong medyo kumislap ang mga mata ni tita at impit na tumili. Kumunot naman ang noo ko kahit bahagyang nakangiti.

"Naku ijo. Kanina pa sa kwarto niya ang Rosé namin at tinatapos ang susunod na album ni Hans." tila kinikilig niyang ani. Ganiyang ganiyan din siya noon sa akin kapag kinikilig siya sa amin ni Ayu.

I felt pissed but kind of sorry. Pissed kasi mukhang gusto niya ang Hans na iyon para kay Rosé at sorry dahil hindi alam ni Tita na mas unang kung ginusto si Rosé kesa kay Ayu. I wonder kung hindi nangyari iyon lahat at naging kami ni Rosé, would tita make that same face din kaya samin dalawa ni Rosé?

"Ah ganoon po ba? " gusto ko pa sanang sabihin na gusto ko siya maka-usap kaso nakakahiya naman kung sasabihin kong pupunta ako sa kwarto niya. Bawas points yun sa mga magulang buti sana kung binigyan ka nang permiso.

"Ay oo nga pala blockmate kayo nang Rosé namin noon noh? Naku bakit nga ba ngayon lang namin nalaman? Hindi mo ba agad nalaman na kamag-anak niya kami ijo? " ani ni Tita kung kaya't naalala ko na hindi nga pala nila alam na may nakalimutan ako noon.

"Ah eh.. Opo tita huli ko lang din nalaman noong naikwento siya ni Ayu. Hindi ko rin kasi alam na may ate si Rosé eh." ani ko. Half true, half lie. Hindi sa hindi ko alam na may ate si Rosé. Alam ko, hindi ko lang talaga alam na si Ayu yun. Totoong doon ko lang din nalaman.

"Eh baka gusto mo siya maka-usap ijo? " nagulat ako sa sinuhestyon ni tito. Naisip ko na ganoon na ba talaga kalaki ang tiwala sa akin at kahit tatay niya'y payag na pasukin ko ang kwarto nang dalaga nila? Medyo gusto kong matawa pero na flatter din ako.

"Ayos lang po ba? "

"Ayos kung wala kang gagawin ijo pero kung may binabalak ka aba'y magkalimutan na tayo, ano? " hamon ni tito na kinatawa din namin tatlo. Well, he is still a father.

Sa permiso nila tito at tita ay pumanhik na nga ako papunta sa kwarto ni Rosé. Katabi lang iyon nang kwarto ni Ayu at may black and pink colored na pangalan naman niya sa pinto kaya nakita ko naman agad. Dati wala namang ngalan to ah? Baka pinalagyan niya pagka-uwi dito.

I knocked three times. Medyo naghesitate pa ako noong una pero nagtuloy tuloy din.

"Dinner already Mom? Too early pa ah? " I heard her say at pagkabukas nang pinto ay gayun na lang ang gulat niya nang makita ako. That face was so cute. A chipmunk with schock expression.

"W-what are you doing here? " ani niya medyo hindi makatingin sa akin. A small smile escaped my lips.

"Visit? But my real agenda is you alone. I want to talk to you Rosé." direkta kong ani. Kumunot naman ang noo niya.

"Sabi ko naman sayo diba? Wala na tayong dapat pag-usapan at isa pa busy ako. I need to finish Hans album." she was about to shut her door in front of my face nang pinigilan ko iyon. I placed my hand just above her head at bahagyang lumapit sa kaniya. Her uneasy face made me amused.

"Syota mo na ba siya? " I whispered, slightly pissed. Nakita ko kung paanong lumikot ang paningin niya, hindi makatingin sa akin. Oh damn. I can't let her cuteness melt my heart right now. I am suppose to play pissed here!

"What are you talking about? And what is it to you kung anong meron samin? " she said pero nasa noo ko na siya nakatingin.

Kung anong meron samin, huh? Well too bad baby I don't like that sentence at all. Better not say it again or I'll shut those lips with mine.

"Because I am jealous Rosé."

Nagulat siya sa sinabi ko. Pero hindi lumagpas sa paningin ko ang biglaang pagpula nang buong mukha niya. Oh gracious. I want to squish her in my arms right now. She's just too.. cute. This is her. My Rosé, my clumsy girl. How I missed this side of her.

"W-what are you saying? J-jealous? Ha! As if maniniwala ako sayo. Y-you're suppose to like my ate so if..  if you are messing with me right now, then better stop it." ani niya with stuttering voice at tinulak ako.

Napagtagumpayan niya na maitulak ako paalis nang pinto and I was a bit stunned. Malakas niyang sinara ang pinto nang kwarto niya sa harap ko.Napayuko ako at bahagyang natawa. I bit my lips because my smile can't stop from escaping in my face.

Bakit ganoon? Seeing that expression of her right now made my heart tickles, even my stomach? Ito ba ang sinasabi nilang kilig?

Damn!

To be continue..

🌸 LYS1: I Need You ✔Where stories live. Discover now